Chapter 20

5 1 0
                                    

Adelaide POV

Hinatid ako ni Aiden sa bahay at eksaktong umulan ng malakas walang tigil kaya nastock siya sa bahay.Sinabihan siya ni mama na dito nalang matulog dahil mag aalasdose na ng gabi at di pa tumitigil ang ulan dahil delikado na sa labas,kahit na nakakotse siya.

Andito siya ngayon sa kwarto ko,hindi siya dito matutulog kundi sa katapat ng kwarto ko pero hindi pa raw siya inaantok kaya andito siya nangungulit.

"Nagugutom ako"
Sabi niya at kinalabit ako,naglalaro ako ng pubg at kanina pa siya kalabit ng kalabit.

"Alam mo naman kung asan ang kusina kuha ka lang sa ref ng pagkain"

Kumapit sya sa braso ko at isinandal niya ang ulo niya sa akin.Manliligaw pa ba to o asawa na?apakadikit parang linta.

"ehhhhh natatakot ako"

"Kaya mo na yan"

"Ehhhh Adelaide sige na pleeasssseeeee,matitiis mo ba ang cute kung muka?"

Iniharang niya ang muka niya sa selpon ko at nagpacute.Anlapit ng muka namin sa isat isa,nakalimutan ko na naglalaro pala ako at pakiramdam ko tumigil ang oras.Hindi ko maialis ang paningin ko sakanya at biglang nagseryoso ag muka niya.Napatingin siya sa labi ko at napalunok ako dahil don.Dahan dahan niyang inilapit ang muka niya at napapikit ako pero ilang segundo ay wala akong naramdamang halik sa labi ko.Pagdilat ko ay inilayo niya na ang muka niya sa akin at umayos siya ng upo.

"I-im sorry Adelaide,nahihirapan akong controlin ang sarili ko"

This is the second time Aiden!napahiya nanaman ako sa sarili ko huhu,next time di na ako pipikit,bat ba kasi pumipikit ako.

"Pangako ko sayo na hindi kita hahalikan hanggat hindi mo pa ako sinasagot,gagawin ko lahat ng makakaya ko para pigilan ang sarili ko"

Tumayo siya at akmang palabas na ng kwarto pero hinawakan ko ang braso niya at tumayo ako at tumingkayan para mahalikan siya sa labi.Nanlaki ang mga mata niya at nagulat sa ginawa ko.

"What the heck did you do Adelaide!?"

"Sinasagot na kita"

Siguro kong mayrong award na best in easy to get ako ang maawardan.Hindi ko alam kung nadala lang ako ng bugso ng damdamin pero ang nasisigurado ko ngayon ay mahal ko na siya ulit ,teka...mali ,narealized ko sa sarili ko na hindi pala talaga nawala ang pagmamahal ko saniya simula noon,pinaniwala ko lang ang sarili ko na hindi ko na siya mahal.

"Hindi magandang gawing biro yan Adelaide"

Nginitian ko siya at hinalikan muli sa mga labi,nakatingkayad parin ako dahil sa sobrang tangkad niya.Hindi na siya nakapagsalita at namalayan kong nagresponce siya sa halik ko.Dahan dahang napaupo kami sa kama at hindi parin naghihiwalay ang mga labi namin hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakahiga na at nakapatong na siya sakin.

"Kung panaginip ang lahat ng to,ayaw ko ng magising"
Sabi ni Aiden habang nasa ibabaw ko siya at hinalikan ako muli sa mga labi.Hinawakan ko ang batok niya habang naglalandas ang labi namin sa isat isa,hindi ko maipaliwanag ang sarili ko ngayon,parang ibang tao ako,parang hindi ako ang Adelaide na kilala ko.Ganito ba talaga ang epekto ng pagmamahal?

Naramdaman kong bumaba ang mga halik niya sa pisngi ko hanggang sa leeg ko.Pakiramdam ko ay nakuryente ako dahil sa ginawa niya,hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,hindi ko namalayan ang sarili ko na makagawa ng isang tunog.

"Ughhh"

Bigla siyang natigil ng marinig ako at parang bumalik siya sa tamang pag iisip.

"I-im sorry,hindi ko namalayan---I mean nadala ako ng emosyon"
sabi nita at umalis mula sa ibabaw ko at humiga sa tabi ko.

Corduroy DreamsWhere stories live. Discover now