Chapter 2: How am I able to get out of here?

32 3 0
                                    

I woke up this morning and still thinking about what happened last night. Naalala ko pa rin ang bawat detalye.

Kusang namatay ang call pagkatapos ipabasa sa amin ang mga isinulat nila sa puting papel. Yun na ang nagbigay sa akin ng pagkakataon para isearch kung anong ibig sabihin ng "JRMH11:11". I tried searching it on google pero dinala ako nito sa isang verse ng bibliya. Agad kong pinindot ang mga lumabas na results at nabasa ko ang chant na paulit ulit nilang nirerecite.

"Jeremiah 11:11 King James Version (KJV)
11 Therefore thus saith the Lord, Behold, I will bring evil upon them, which they shall not be able to escape; and though they shall cry unto me, I will not hearken unto them."

I cried the whole night at di ko namalayan na nakatulog na ako. And now akala ko panaginip lang ang lahat pero nung tumingin ako sa computer ay nakasali pa din ako sa same gc and almost all of the members already left the conversation.

Binuksan ko na ang pinto ng aking kwarto para sana bumaba nang bumungad sakin ang kapatid kong nakahandusay at nakahubad sa ibaba ng harap ng pinto. Nakahawak sa kaniyang leeg na halatang ginilitan ng kutsilyo. Ilang sugat at pasa rin ang nakapalibot sa kaniyang likod. Agad na nanginig ang aking mga paa at napasigaw. Nagmadali akong bumaba para hanapin sila mama. Pero lahat sila ay patay na. Tadtad ng tama ng baril ang katawan ng tatay ko at dinurog ang kalahati ng kaniyang ulo. Ang nanay ko naman ay nakabuhad rin habang nakasabit sa dingding at lumalabas sa napakalaking hiwa sa tiyan nya ang kaniyang mga lamanloob. Habang ang putol na ulo ng bunso kong kapatid ay nasa lamesa at may laruan pang isinubo sa kaniyang bibig. Lahat sila ay malamig na bangkay na lamang at pareparehas na ginuhitan gamit ang dugo ng baliktad na krus sa kanilang noo.

Napaluhod na lamang ako at patuloy sa pag-iyak. Mayamaya pa ay bigla akong nakarinig ng mahinang pagkanta, boses ng lalaki. Palapit nang palapit sa akin. Agad akong nagtago sa likod ng sofa habang nanginginig at tinatakpan ang aking labi. Nasilip ko ang lalaking nakaitim at may suot na maskarang puti.

"Same mask ng mga lalaki sa video," ang bulong ko sa sarili.

May hawak siyang baril at duguan ang kaniyang kamay habang patuloy sa pagkanta.

Napabitaw na lamang ako sa pagkakatakip ng aking bunganga at napaurong nang may bumulong sa aking kaliwa, "I FOUND YOU." Isa pang lalaki na nakamaskara, duguan ang suot at kamay, at may hawak na malaking itak na pinalilibutan ng dugo.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa kaba at takot. Patuloy sa pagkanta ang isa sa kanila habang nakatingin sa akin.

"The killer awoke before dawn. He put his boots on. He took a face from the ancient gallery and he walked on down the hall…"

Sinunggaban ako ng lalaking nasa harap ko at hinawakan ang aking mga braso. Mahigpit na mahigpit. Hindi ako makagalaw habang dinidilaan niya ang aking leeg. Tumawa siya nang napakalakas at inihampas ang ulo ko sa sahig.

Agad naman akong nawalan ng malay. Nagising na lamang ako na masakit ang ulo at nasa lugar na hindi ako pamilyar kung saan.

Para akong nasa isang bahay. Napakalawak na bahay na may napakadaming pader. Parang maze ang design at wala akong ibang makitang tao.

""Welcome to Jeremiah's Basement"" 
Biglang may boses ng lalaki ang pumalibot sa buong lugar.

""I am Jeremiah James. And all of you are now my housemates. You all will be living in my basement for uhmmm… the rest of your short lives?"" narinig ko ang kaunting pagtawa ng malalim na boses.

""This basement has hundreds of hidden cameras in each sides, corners, walls, and even in the ceilings so all of your actions will be monitored. There's only one comfort room somewhere. And a kitchen at the center.""

Nagsimula na akong maglakad papunta sa gitna ng lugar na to. Habang patuloy parin sa pagsasalita ang malalim na boses.

""There's a refrigerator without a food and a dispenser without a water so all of you will eventually suffer from hunger. But at the center—the kitchen—there are knives that can be used for hunting your preys.""

Nasa kitchen na ako ng mga oras na sinabi niya yun. Nagulat na lang ako nang makita ko ang iba pang members ng gc na nasa kitchen na rin. We're all looking at each other, takang taka habang nakikinig pa rin sa boses.

""Because there's only two house rules in this basement. 'Kill each other and Scavenge for food'. And the last remaining housemate can leave here safely. You may or may not comply with my rules but that's the only way you can get out of here. Any questions?""

Agad namang nagtanong yung guy na nasa tabi ko, "Scavenge for food? Hunt for what? You said awhile ago na walang pagkain dito. So what food are we gonna eat and what prey are we gonna hunt?"

"It's Axl" ang bulong ko.

""You all will hunt and prey each other. Because there's no other food you can eat here besides from my little gift at the table in front of you.""

We all look at the table na sinasabi niya. May isang malaki at mahabang pulang tela ang nagtatakip sa ibabaw ng lamesa. One guy rushed through the table at tinanggal ang tela.

Lahat kaming mga babae ay napasigaw sa aming nakita. The bodies of the other members ng gc, kasama na rin ang apat na nakasama namin ni Axl sa video call ay nakapatong at nakalagay sa itaas ng lamesa. Ang mga putol na ulong walang mga mata, hiwa hiwalay na kamay at paa mula sa katawan na madugong binalatan, at ang mga tiyan na binutas habang lumalabas at nakasabit ang mga laman loob nito. Dun ko lamang narealize na hindi pula ang kulay ng telang tumatakip dito, kundi puti na nabalutan lamang ng napakadaming dugo.

""That food will only last for a few days so all of you will still be hungry for the next weeks but if you wish not to eat those, then start hunting,"" muli siyang tumawa.

""Welcome to Jeremiah's Basement. Have fun staying and God bless you all,"" ang huling sambit ng boses bago tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

~This is the end, beautiful friend. This is the end, my only friend. The end…~

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon