Chapter 46: Thirteenth housemate

8 0 0
                                    

They were breathing heavily while trying so hard to crawl closer to me. And I was just smiling, laughing sadistically as I walk away from the both of them. Their helplessness and fear brought joy to my whole body. It was like dipping my toe into a hot thub.

But after a minute or two, nagmadali na din akong iwan sila Christine and Zephaniah. Dali-dali pero akong huminto kahit hindi pa masyadong nakakalayo dahil ang bawat walls at daan ay pamilyar sa memorya ko. Agad ko namang pinilit na isipin kung nanggaling na ba ako sa parte ng maze na ito, hanggang sa naging sigurado ako sa aking hinala.

I remember it now.

This part.

I'm getting closer to where I left Creed a few hours ago.

Magsisimula ulit sana akong maglakad pero hindi nanaman natuloy nang may nakita akong duguan na katawan at tadtad ng saksak. I took a few steps for a closer look and that's when I realized that the dead body lying on the floor was the Russian guy I left with Creed.

If he's dead, that means…

I suddenly heard footsteps kaya mabilis akong naglakad pabalik sa direksyon nila Zephaniah at Chistine, kasabay nun ay ang pagbilis din ng mga pagyapak. Nang ilang hakbang na lamang ang lapit ko kila Zephaniah ay biglang may tumagos na patalim ng kutsilyo sa aking sikmura. Ilang ulit din akong pinagsasaksak hanggang sa mapatumba na lamang ako. Tumalikod muna ako para makita ang sumaksak sa akin bago ako tuluyang napahiga sa sarili kong dugo.

It's Creed.

"Creed?" sabay naman na sambit nila Zephaniah at Christine na halatang gulat at masaya.

Nakahawak si Creed sa kanyang tagiliran at naubusan na rin siguro ng napakadaming dugo. Pilit niyang pinipigilan ang pagflow ng blood sa mga natamo niyang saksak.

Tumingin siya sa akin at ngumiti bago ako kinausap.

"Alam mo ba kung anong sinagot ko nung sinabi ni Rebecca na pinapangarap niyang magkaroon ng kagaya sa itsurang meron ka?"

Hindi na ako nakaimik pa dahil pati ang bibig ko ay naglalabas na din ng dugo. Nakahawak lang ako sa aking tiyan kung saan tumagos ang patalim kanina habang nakikinig at nakatitig kay Creed.

"Sabi ko, hindi na niya kailangan pang magbago ng mukha, kasi siya na yung pinakamagandang babae sa mundo para sa akin," ang eksplenasyon niya habang nahihirapan na rin sa paghinga.

Napahinto siya saglit at inayos ang pagkakakapit ng kamay niya sa kanyang sugat bago nagpatuloy.

"At kahit kasing ganda mo pa ang mananakit sa kanya, babawi at babawi ako. Kahit pang modelo pa ang itsura ng magiging dahilan nang pagkawala niya, papatayin ko."

Nawala bigla ang kurba sa kanyang labi at naging seryoso ang pagtitig ng kanyang mga mata.

Even though sobrang naghihingalo na ako ay pinilit ko pa ring magsalita.

"Pa… paanong—"

I was about to ask him kung paano siya nabuhay pero napatigil ako nang agad siyang sumagot.

With a straight face, he replied, "Dahil matagal mamatay ang masamang da—"

He didn't got to finish his answer dahil biglang may lumipad na kutsilyong ibinato sa direksyon ni Creed. Nakita ko ang pagbaon nito sa ulo niya ng may napakalakas na pwersa. Sa sobrang lakas ay naitulak siya't naidikit sa katabi niyang pader. Parang papel lamang na nai-thumbtacks sa isang white board. Mas nauna pa siyang namatay kaysa sa akin dahil dun. Kumalat ang dugo niya at dahan-dahang tumulo mula sa kanyang ulo, papunta sa pader, hanggang sa pagdanak nito sa sahig na agad namang humahalo sa sarili kong dugo.

Gulat na gulat ang itsura ni Christine at Zephaniah. Pati rin ako ay nagulat sa nangyari. Akala nila'y sawakas ay kumpleto na ulit silang magkakasama pero agad din namang nawala ang pag-asa nilang yun nang nakita nilang biglang may bumaon na kutsilyo sa ulo ni Creed.

"WAAAAAAAHHHH."

Nabasag ang boses ni Christine at hindi napigilan ang pag-iyak at pagsigaw. Pati si Zephaniah ay naluha din. Hindi nila alam kung ano ba ang tamang salitang pwede nilang sabihin. Sobra lamang silang nasindak at nagyakapan upang ikalma ang isa't isa. Dahil nga hindi sila makalakad o makatayo man lang nang maayos ay nagkusang nagpa-iwan si Zephaniah.

"Uma… umalis ka na di… dito. Go… go ba… back. Fi… find Axl. Ku… kung sino man ang gu… gumawa nun kay Creed, su… susubukan ko siyang pigilan at bi… bigyan ka ng… ng oras para makalayo as… as fa… far as you can."

Sa unang pagkakataon ay nakita kong sobrang takot at kinakabahan si Zephaniah. Hindi niya kayang magsalita nang diretyo. Ipinalalayo niya rin si Christine at pilit niya itong tinutulak pero ayaw nitong umalis.

"No, no. I won't leave you here," sagot ni Christine.

"You have to. I'll fight as long as I can. Kaya simulan mo na ang pag-alis."

"NO I WON'T LEAVE YOU. WE'LL FIGHT HIM IF WE NEED TO. BASTA HINDI KITA IIWAN DITO!" pasigaw na paglilinaw ni Christine.

"Ba… bakit?" pagtatakang katanungan naman ni Zephaniah.

"Because i love you Zeph. I love you! Hindi ko lang kayang sabihin sayo dahil nakita ko kung gaano mo kamahal si Coleen sa bawat pagdalaw mo sa kanya sa sementeryo. Minsan nga ay nagseselos ako, pero hindi ko pwedeng ipakita yun. So let me do this for you. We'll protect each other and we'll get out of here together. Hindi ko sinasabing mahalin mo rin ako, ang gusto ko lang ay hayaan mo akong mahalin ka. Let's not argue with this anymore. You stay. I stay!"

Hinawakan ni Christine nang mahigpit ang kutsilyo niya habang si Zephaniah naman ay napangiti bago sumagot.

"I'm sorry Christine. Hindi ko nahalata. And uhm, sorry kung hindi ko din kayang maibigay ang parehas na pagmamahal sayo. I have waited for months for this to happen. Matagal ko nang gustong mamatay Christine, because I wanna see Coleen again. It doesn't matter kung sa impyerno ko siya makikita, as long as we're together, because being with her is like being in heaven already. And I am so sorry if can never feel the same way with you Christine. Pero kung gusto mo talagang mag-stay dito ngayon, then we'll die together," kasabay nang pagngitian nilang dalawa.

Napatigil naman kaagad ang usapan nila nang narinig namin ang sigaw ni Axl na parang may kinakaaway.

"AAAAAAAAHHH!!!"

Lumingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng ibinatong kutsilyo kanina, kung nasaan dapat ang pumatay kay Creed. Malabo na ang paningin ko at malapit na akong malagutan ng hininga kaya nang tumingin ako doon ay hindi ako masyadong sigurado sa aking nakita.

Si Axl ay galit na galit at may sinusuntok sa sahig pero agad din naman siyang parang naitulak palayo. Pagkatapos nun ay tumungo siya sa kanila Zephaniah at Christine. Tinignan niya lang ako saglit at ang katawan ng Russian sa di kalayuan  bago lumapit kay Zephaniah.

"Nakita ko yung pumatay kay Creed. I tried to take him down pero nakatakas siya," ang agad na sambit ni Axl.

"What do you mean?" tanong naman ni Christine.

"There's a thirteenth housemate," sagot ni Axl.

Those are the last words I heard before closing my eyes and dying.

I hope my poodle is doing fine.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon