Chapter 11: I didn't want to do this

9 1 0
                                    

""Leona""

"Andrei?"

Lumingon siya sa akin na hawak ang kutsilyong puno ng dugo. Dinilaan pa nya ang ito at mukhang takam na takam sa lasa.

Hindi na siya katulad ng lalaking nakilala ko sa GC.

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at mabilis na inihawi ang kutsilyo sa akin. Mabuti't naiwasan ko ito at nadaplisan lamang ang aking pisngi. Buong lakas kong hinugot ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak saka tumakbo palayo. Nailang hakbang pa lamang ako nang bigla akong natumba at napasubsob sa sahig na pinalilibutan na ng dugo mula sa mga pinagpapapatay ni Andrei. Parang naging kawayan na inihahawi ng hangin ang aking mga binti, hindi ko ito maitayo nang maayos at di ako makatakbo.

Pinangungunahan ako ng aking takot.

Muling tinangka ni Andrei na itusok sa akin ang patalim ngunit nailagan ko ulit ito. Sinuntok nya ang aking mukha at tagiliran at muling tumayo upang ako'y tadyakan at sipain habang nahihirapan pa rin akong itaas ang sarili mula sa pagkalapag.

Sa sobrang sakit ng mga ginagawa sa akin ni Andrei ay napapikit na lamang ako habang pilit na tinatakpan ang aking ulo. Yumuko siya at ginamit ang kutsilyo upang punitin ang palda na suot ko. Ako nama'y nangilabot at walang anu-ano'y naisipa ko ang aking kanang paa. Tumama ito sa pagitan ng kanyang mga hita dahilan para matumba sya at maipatong sa akin. Itinulak ko ang katawan nya at itinabi saka ko pinilit tumayo. Paika-ika ako't nakahawak sa pader habang nagdadasal at nagiipon ng lakas ng loob. Nang muling nakatayo si Andrei ay nagawa ko nang kumaripas ng takbo. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta'y diretyo lamang ako sa mga pasikut-sikot na pader at nagbabakasakaling may makasalubong na ibang tao.

Puno ng pasa ang buong katawan ko. Basang basa naman sa dugo at pawis ang suot ko. Hindi na rin makita sa aking pisngi ang mga luhang nahuhulog sapagkat humahalo ito sa dugo.

Paminsan minsa'y nakakakita ako ng mga patay na tao sa aking nadadaanan, hindi ko na lamang ito pinapansin at patuloy lang sa paglayo kay Andrei.

"Saan ka naman pupunta?"

Sa aking pagliko ay bigla ko siyang nakasalubong. Napakalawak ng kanyang ngiti at maluwag ang mga matang nakatitig sa akin.

"WAAAAHHH!" napasigaw ako sa gulat at takot.

Muli akong nagpatalikod at tumakbo nang mas mabilis. Hanggang sa nadapa ako dahil sa pagsagi ng aking paa sa mga hubad at duguang katawang nakapatong patong. Nakaisip agad ako ng ideya at aking ipinagsiksikan ang sarili sa gitna ng nagkukumpulang katawan.

Maya maya pa'y muli kong narinig ang boses nyang malalim.

"Leona? Gusto ko lang makaalis dito, pwede mo ba akong tulungan?"

Hindi maipaliwanag ang pagkasangsang ng amoy ng bawat patay na nakapalibot sa akin. Ang dugo nila'y ipinaliligo ko na sa mga oras na yun. Tinatakpan ko na lamang ang aking labi at ilong para mapigilan ang pagsigaw habang nakasilip ako sa pagitan ng dalawang brasong kusa kong nilagyan ng espasyo para mapagmasdan ang paglakad ni Andrei. Palapit na ang mga yapak nya hanggang sa siya'y nasa harapan ko na mismo. Mukha namang hindi nya ako napansin sapagkat nilagpasan nya lamang ang nagkukumpulang mga katawan. Malayo layo na rin siya nang biglang umangat ang ulo ng isa sa katawan na nasa harapan ko't pinangtatakip. Tumapat ito sa espasyo na pinagsisilipan ko at kahit ang isang mata nya'y nawawala na ay tumitig ito sa akin at pinilit nyang sinabi na, "Tulungan mo ako."

Nasindak ako sa aking nakita at napatayo mula sa aking pagkakaupo sa nagpatong patong na labi ng tao. Nagsihulugan ang mga ito na gumawa naman ng ingay dahilan para bumalik si Andrei.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon