Chapter 10: You're a housemate too?

9 1 0
                                    

~It's always best when the light is off
It's always better on the outside
Fifteen blows to the back of your head
Fifteen blows to your mind~

"Ang ibig mong sabihin ay housemate ka din?"

Walang tigil ang pagtanong ko sa lalaki habang naglalakad kami papunta sa espasyong sinasabi ni Christine kanina.

"I was, a housemate, ganun na din si Leona. But unlike her, I willingly joined this game. I came here to find my brother na isa sa mga naunang players nung kakalabas lang nitong show," kasagutan nya.

~So lock the kids up safe tonight 
Shut the eyes in the cupboard
I've got the smell of a local man
Who's got the loneliest feeling~

Patuloy ang pagtugtog ng paulit-ulit na kanta na nakaririnding pakinggan ngunit wala kaming magawa kundi magtiis. Tsaka tinutulungan din kami ng ingay na ito para magising kahit sobrang pagod na't inaantok.

"That means, Leona, the girl na may chainsaw kanina ay naginstall or nainvite din through J-Basement Beta?" sambit ko.

~That either way he turns
I'll be there
Open up your skull
I'll be there~

"No. Every year, iba-ibang way ang ginagawa nila sa pagkuha ng victims or players or housemates, kahit ano pa ang itawag mo. Leona and I was last year's housemates. Naisali lang sya dito dahil sa isang link ng GC she saw on Facebook. Last year yun, they abducted all the people na pumasok sa GC. Before that year, before us, ang mga biniktima naman nila ay buong batch ng Senior Highschool students sa isang recollection. Kayo yun di ba?"

~Climbing up the walls
Climbing up the walls
Climbing up the walls~

"Oo nga, pero hindi kami nakapunta sa recollection nun."

"Kaya ngayong taon, ang victims nila ay ang survivors ng massacre na yun."

Biglang nagsalita si Christine at nagtanong rin sa lalaki, "You mentioned about a show kanina. What do you mean?"

"This a reality show na mapapanood lang sa deepweb. Only elite people, the government, or mga members ng deepweb ang nakakapanood."

"Pero bakit? Wala na ba silang ibang mapanood sa TV or sa internet? F*cking psychos!" kasunod na katanungan ni Christine.

"Nanonood ka ng mga nakakatawang videos sa internet or iba't ibang life hacks pero kapag sumagi sa mata mo ang isang video about violence, like dalawang babaeng nagsasampalan or isang taong nasagasaan ng truck, agad mong cliniclick yung video di ba? Curious ka, because what you really want to see is death, war, terrorism, destruction. From the beginning of civilization, we've known that there was something captivating about watching human beings fight for their lives. That's why we watch gladiators or public executions. Dahil deep inside, lahat tayo have this thirst for savagery at yun yung dahilan kaya nila ginawa ito."

~I am the key to the lock in your house
That keeps your toys in the basement
And if you get too far inside
You'll only see my reflection~

Muling nagsimula ang kanta matapos nitong tumugtog. Patuloy lang ang paglibot ng musikang ito ganun na rin ang mga kwestyon ko sa lalaki.

"Kung naging housemate ka din, ibig sabihin nanalo ka last year?" muli ay ako naman ang nagtanong.

"I'm not sure if you'll call it nanalo. Nakilala ko lang din si Leona dito sa basement, along with…"

Lumingon at tinignan nya si Mina habang nakakunot ang noo.

"Why are you looking at my body?"

Pwinesto nya ang hintuturo ng kanyang kanang kamay sa baba ni Mina, pagkatapos ay iniangat nya ito saka mas inilapit sa kanyang mukha.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon