The Recollection Story III

7 0 0
                                    

My name is Shina Cuentes at eto ang kwento bago ako namatay.

"Zachariah, you should stop letting your little brother na iaccess account mo sa deepweb," ang banggit ko sa kanya.

"What can I do? Pag-uwi ko lagi sa bahay galing school, nasa loob na siya ng kwarto ko at hawak na yung laptop," ang sagot nya kasabay nang pag-inom nya sa hawak na bote ng soft drinks.

"Paano nya ba kasi nalaman kung paano gawin yun?" tinanong ko ulit siya.

"He's 13 years old, of course alam na nya. Tsaka what's the worse that can happen? Bibili siya ng illegal guns or drugs? Hahaha," pabiro nyang banggit.

Hinalikan nya ang noo ko at bumalik sa kotse nya. Iniwan nya ako sa paradahan at nagpaalam nang nasa loob na siya ng car.

"See you tomorrow Shina. Sabay tayong punta sa graduation ah," nakangiti siya at tuwang-tuwa.

Tumango naman ako ng pangsasang-ayon at inihawi ang kamay para magpaalam.

"Ingat ka!" ang sigaw ko habang nagdadrive na siya palayo.

Kinagabihan ay nagulat ako nang tumawag si Zachariah at halata sa boses nya ang pagkataranta.

"Shi... Shina. Mag... magkita ta... tayo sa paradahan nyo. Itatanan kita ngayon. Pack your... your stuffs and wait for me."

"Hindi kita maintindihan Zachariah. Anong nangyayari? Ayos ka lang ba?" ang sagot ko habang hawak ang aking telepono.

"Just trust me with this. Okay? Pumunta ka sa paradahan nyo, tapos pupuntahan kita. Then we'll figure out later kung anong mga gagawin natin. Di ba ganito yung pangarap mo? Makaalis dyan sa inyo at makapagadventure. Sisimulan na natin ngayon. Just please Shina. Meet me there," ang huling banggit ni Zachariah bago namatay ang tawag.

Nag-aalangan man ako ay agad akong nag-impake at pumunta sa paradahan namin kahit na magaalas dose na nang hating gabi.

Ilang ulit ko rin siyang sinubukang tawagan ulit pero hindi na siya sumasagot. Ilang segundo, minuto, at oras ang lumipas pero hindi siya dumating. Lamig na lamig ako sa paradahan namin at doon na din nakatulog. Umaasa ako na bigla nya akong gigisingin at isasakay sa kotse nya, ngunit paggising ko, mag-isa pa rin ako.

Agad akong lumuha sa aking pagdilat.

Mula sa malayo ay nakita ko si papa na galit na galit. Mabilis siyang lumalapit sa akin. Pero nawala ang emosyon nyang ito nang niyakap ko siyang umiiyak.

Hindi dumating si Zachariah.

Nang nasa itaas na ako ng stage ng school ay hinanap ko si Zachariah sa mga nakaupo pero wala siya. Grumaduate ako nang hindi siya kasama.

Nang nasa bahay na ako at kasama ang pamilya kong nakaupo sa lamesang puno ng mga paborito kong pagkain, ay tahimik lamang ako at walang ganang kainin ang kahit na anong iharap nila sa akin.

"SHINA!" sigaw ng pinsan ko na biglang pumasok sa pintuan namin.

Agad naman akong lumingon sa kanya na hinihingal pa dahil sa pagmamadali. Sinabi nya sa akin na nasunog daw ang bahay nila Zachariah. Ang magulang nya ay patay na pero siya ay nawawala pa rin hanggang ngayon. Ang witness lang sa trahedya ay si Axl na sa sobrang takot ay hindi kayang magsalita o kumausap man ng kahit na sino.

Magmula ng nangyari yun ay walang araw ang lumipas na hindi ako dumadaan sa tapat ng bahay nila Zachariah para mag-alay ng mga kandila at bulaklak kasabay ng aking paghagulgol. Umaasa pa rin ako na isang araw ay babalik siya at makikita ang mga inaalay ko.

Ilang taon ang lumipas pero wala pa ring kaalam alam ang mga pulis sa mga nangyari lalo na't tumakas si Axl sa bahay ng tita nya. Hindi na siya nakita magmula nun.

Natupad ko rin ang isa sa mga pangarap ko, ang maging guro sa isang highschool. Ang unang sahod ko ay ginamit ko para ipagawa ng isang pigurin na gawa sa kahoy, nakaukit kaming dalawa na makatabi at magkahawak ang kamay. Laging mas pinipili ni Zachariah ang mga gamit na gawa sa kahoy, kaya alam kong magugustuhan nya to kung sakaling makita nya. Magdamag ulit akong umiyak nun katulad ng araw araw kong ginagawa. Mas lumalala pa ito kapag bumabalik sa aking isipan ang huling ngiting binitawan nya sa akin.

Pauwi na sana ako nang nasalubong ko si Joshua, ang co-teacher kong lalaki na may matagal nang gusto sa akin.

"Umiyak ka nanaman. Hindi ka ba napapagod?" ang itinanong nya.

Ngumiti lamang ako at lalakad na sana palayo sa kanya ng hinawakan nya ang braso ko at bigla akong hinalikan.

Itinulak ko naman siya palayo at tinitigan siya ng masama. Nagmadali akong umuwi pagkatapos nun.

Hanggang sa isang araw ay muli kong nakita si Zachariah.

Recollection ng eskwelahan nun. Kakagaling ko lang sa bahay nila Zachariah kaya medyo namumugto pa ang mata ko nang humarap ako sa mga estudyante ko. Pagkababa namin sa bus ay sinalubong agad ako ni Joshua para magexplain pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagdiretyo.

Napakaganda naman ng mga pangyayari at hindi nagkaroon ng problema. Lagi ko na lang na itinutulak si Joshua palayo at iritang umaalis sa tabi nya kapag nagtatangka itong lumapit sa akin. Inatake rin ng hika si Coleen—ang napakagandang estudyante ko na kamukha ko daw, mas matangkad lang sa akin—pero nakapagpahinga naman siya agad at nakakuha ng lakas. Hinayaan ko na rin siyang lumabas at makahinga nang malalim.

Mayamaya pa'y biglang may pumasok sa loob ng pinagrerecollectionan namin. Mga nakamaskara at may dala dalang mga lubid at patalim.

Nagkaguluhan ang lahat at nagsisisigaw ang mga babaeng estudyante nang nagsilapit ang mga nakamaskara at kinuha ang isang estudyanteng nanigas na lamang sa takot. Wala kaming nagawa kundi manood dahil ang iba sakanila ay tinututukan kami ng baril. Kahit anong pagpiglas pa ang gawin ng estudyanteng buhat nila ay hindi siya makaalis sa kanilang mahigpit na hawak. Ang takip ng malaking electricfan na gamit namin sa loob ay tinanggalan nila ng takip. Mas pinabilis nila ang pag-ikot ng elesi nitong gawa sa bakal at unti-unting inilapit doon ang estudyante. Napuno na ng luha ang kanyang mga mata at iniaabot ang kamay sa amin para humingi ng tulong pero hindi kami nakalapit. Idinikit nila ang mga paa ng estudyante sa elesi dahilan para masugat at madurog ang kanyang mga kuko't daliri ganun na din ang buong paa. Pagkatapos neto ay ibinaliktad ng mga nakamaskara ang estudyante at ipinaharap naman sa elesi ang mukha nya. May mga sumubok lumapit para tulungan siya at itigil ang ginagawa ng mga nakamaskara pero agad silang pinagbababaril sa ulo. Mas dumami pa ang iyakan ang maririnig sa loob. Idinausdos ng mga nakamaskara ang ulo ng estudyante sa elesi. Nagsitalsikan sa amin ang dugo nya't mga karne kasama ang buhok nyang nakakabit pa sa maliliit na pirasong balat mula sa kanyang anit. Sumuka na ang iba at hinimatay naman ang karamihan.

"Ack... ack... ackkk... ck... ck.... k..." paunti-unting nalagutan ng hininga ang estudyante at tumigil sa pagsigaw.

Ang bilis lang ng mga pangyayari. Pagkatapos nun ay sinunod nila ang iba. Hiniwa, ginahasa, pinagsasaksak, binalatan ng buhay, sinakal, at inilabas ang mga bituka. Lahat ay tinatali na nila at kinakabit sa dingding.

Mula sa pintuan ay may pumasok ulit na isang nakamaskara pero iba ang suot nya, hindi tulad sa karamihan. Nakaputing suit sya at slacks pants na puti rin. Tumingin siya sa direksyon ko, tumitig naman ako sa kanya. Naalala ko kung kaninong mga mata yun.

"Zachariah?!" ang gulat kong banggit habang tumatayo at lalapit sana sa kanya nang pinagsasaksak ako ng nakamaskarang nasa likuran ko

"NOOOOOOOOO!!!" ang sigaw ng nakaputing pumasok na tumakbo palapit sa akin.

"No, no, no, no, no."

Tinanggal nya ang kanyang maskara at doon ay mas naging malinaw sa akin na siya si Zachariah. Lumuhod siya sa tabi ko at binuhat nya ako sa kanyang braso. Umiyak siya nang napakalakas at puno ng pighati ang pagkabasag ng kanyang boses. Niyakap nya ako nang mahigpit at hinalikan ang aking noo.

"Sabi ko na nga ba, babalik ka," ang aking banggit kasabay ng pagkurba ng aking mga labi.

At sa huling pagkakataon, bago ko ipinikit ang aking mga mata ay nakita ko ang kanyang ngiti habang pumapatak ang kanyang mga luha. 

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon