Chapter 14: Yes, I did

8 1 0
                                    

May isang taon na rin siguro nang nakulong kami dito. Ang sinabi nilang makakalaya lamang kapag nabuhay at natira sa laro ay hindi totoo. Ilang buwan nila kaming inaalagaan at sinisiguradong maayos ang lagay.

Ilang buwan na ako dito pero kamakailan lamang napadalas ang pagduduwal ko. Ang pakiramdam na ako'y masusuka kahit wala namang lumalabas sa aking bibig.

Ang minsanang pagbisita sa akin ni Doc ay naging araw araw dahil sa hindi ko maintindihang pakiramdam. Pati ang pagpunta ko sa kilinika ay naging normal na lamang para sa akin.

"Anong nararamdaman mo?" ang pagtanong sa akin ni Doc.

"Nahihilo po. Minsan ay hindi ko rin gusto ang lasa ng pagkain, pati ang amoy nito. May sakit po ba ako Doc? Lalo na't laging akong naduduwal," sumagot ako habang nakahiga sa aking kama.

Pinabuhat ako ni Doc sa isa sa mga nagbabantay at doon ko lamang mas napagmasdan ang lawak ng kinaroroonan namin at kung gaano kadami ang mga kwartong may iba't ibang gamit. Bukas na bukas ang bawat pinto at hinahayaan lamang nilang makita ko. Kampante silang walang ni sino man ang makakawala sa lugar na ito, siguro'y dahil na din sa bilang nila.

Nang nasa klinika na'y agad kong ikinagulat ang balita sa akin ni Doc.

"Buntis ka."

Ilang linggo pa lamang daw na may sanggol sa aking sinapupunan.

Akalain mo yun, ilang beses akong ginahasa pero ngayon lamang ako nabuntis. Hindi din pala ganun katalino't kagaling si Jeremiah.

Nagsitayuan ang balahibo ko at napuno ng kaba ang pakiramdam. Pero bukod doon ay dumaloy rin sa aking dugo ang pagkatuwa. Kahit kaunti lamang ay medyo nabuhayan ako ng pag-asa. Ngunit hindi ko mapigilang kwestyunin ang aking sarili ng iba't ibang katanungan.

Paano kita palalakihin?

Sa anong klaseng buhay ka mamumulat?

Makakalabas pa ba tayo dito?

Ang sabi sa akin ni mama, noong nalaman nyang pinagbubuntis nya ako'y napakasaya ng kanyang naramdaman. Sapagkat ilang taon ding sinusubukan nila papa at mama ang magkaanak pero hindi sila binibiyayaan. Kaya nung ipinanganak na ako'y wala silang ibang ninais kundi ang ikabubuti ko't ikaliligtas. Kaya wala akong ibang gustong gawin kundi gayahin sila mama.

Hinawakan ko ang aking puson, ngumiti, at lumuha. Pinaghalong saya at takot ang nararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa ang pag-iyak ko.

"Makakaalis din tayo dito baby," ang aking pagbulong.

Ibinalik nila ako sa aking kwarto at doon ay nagpahinga. Hindi pa rin ako nakatutulog ng maayos dahil sa traumang aking natamo mula kay Jeremiah. Grabe pa din ang takot ko sa tuwing bumubukas ang pinto. Kumakain na ako nang marami, hindi lang dahil ayoko nang muling masubuan ni Jeremiah, kundi dahil kailangan ng aking anak.

Ibibigay ko ang nutrisyong kailangan ng sanggol ko at sisiguraduhing hindi nya kailangang maranasan ang lahat ng naranasan ko. Labing anim na gulang pa lamang ako'y ganito na ang aking mga iniisip. Siguro'y hinubog na din ng mga pangyayari sa aking buhay.

Nang minsang nagkasabay muli kami ni kuya Axl sa pagamutan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob upang sabihin ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa pwedeng kalabasan ng kanyang reaksyon.

Ginugol ko ang aking mga umaga't gabi sa pag-iisip ng plano upang makatakas dito. Sa bawat pagdala sa akin ng mga guwardya kay Doc ay inililibot ko ang tingin sa paligid. Isa sa kwarto dito ang puno ng iba't ibang puting maskara kasama na dun ang mga puting gas masks. Sa isang lagayan na gawa sa salamin sa tabi ng lamesa naman ni Doc ay puno ng tangke tangkeng halothane at isoflurane na inhalants at pwedeng pampatulog sa mga saradong lugar katulad na lamang dito.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon