Chapter 39: The twelfth housemate

6 0 0
                                    

Habang humahagulgol si Christine sa aking dibdib mula sa pagkakayakap ko sa kanya ay hindi ko naiwasang panoorin ang naghihingalong mga kaanak ko na dahan-dahang pinuputol at pwersahang inihihiwalay ang mga ulong tinanggalan muna nila ng mga mata. Kahit anong sigaw, ungol, at pagtili ang kanilang ipakawala ay walang ibang nakaririnig sa kanila kundi kami lamang na nasa loob ng building na yun.

Nagawa nang makaupo ni Creed at nakaipon na rin ng kunting lakas. Mahahalata ang pagkimkim niya ng galit at hinagpis sa pahigpit nang pahigpit na pagtikom ng kanyang mga kamao. Ilang ulit niya ring pinagsusuntok ang sahig at sinisisi ang sarili niya sa pagkadamay ng ama ni Rebecca at ang kakagaling lamang niyang ina sa nangyayari ngayon.

Kahit nasilayan na namin ang ganito dati ay para bang unang beses pa rin ito. Ang paghiwa sa ulo, pagtuklap ng mga mata, pagdanak ng dugo, at pagkamatay ng mga mahal namin sa buhay. Hanggang ngayon ay parehas ang reaksyon namin katulad sa pinakaunang beses—naninigas ang buong katawan at puno ng takot na kahit napakatindi ng poot na aming dinaramdam ay hindi pa rin naming magawang tumulong.

Kung kaming tatlo ay naghihinagpis sa sakit, ang iba sa mga bagong housemates naman ay malayo ang emosyong ipinapakita sa sitwasyon.

Sinabi sa akin ni Christine ang pangalan ng lalaking kasama niya. Siya ay si Arthur, at mas masahol pa sa isang ulol na aso ang inaasta niya habang nanonood sa mga katawang binababoy sapagkat sobra siyang naglalaway habang nakalabas ang dila at malawak na nakabuka ang bibig. Nilakihan niya rin ang kanyang mga mata at nakaitaas ang mga kilay. Punung-puno siya ng pagkagalak lalo na sa tuwing nakakarinig siya ng pag-ungol at pagsigaw. Nakapaharap pa ang kanyang mga kamay at iniuunat ito na tila inaabot ang mga taong pinupugutan ng ulo. Para siyang gutom na gutom. Napakalalalim ng kanyang mabibilis na paghinga at pagbuga ng hangin. Sa oras na yun ay alam ko nang normal lamang sa kanya ang pagpatay nang walang nararamdaman.

Isa naman sa mga nakatayo sa grupo ng mga lalaki ay putol ang kaliwang kamay pero napakalaki ng katawan niya at mukhang Russian. Napakaseryoso lamang ng tingin niya sa mga pinapatay at parang hindi na apektado pa. Si Doktora Larson naman ay kagat kagat ang mga kuko sa daliri at tila hindi mapakali. Nakatingin lang siya sa sahig at nag-iisip habang nakakunot ang noo. Ang iba pa sa kanila ay nakangiti at tumatawa, pilit pa ring binabasag ang salamin ng pinto, inililibot ang tingin at naghahanap ng paglalabasan, at nagplaplano't naguusap-usap na para bang walang nangyayari sa kanilang harapan.

Hindi ko naman maiwasan ang pag-iisip na ikonekta ang lahat ng ito sa akin.

"Nawala na ang pamilya ko, pati na rin si Coleen, bakit pati sila ay kailangang maisali sa kamalasan ko?" ang aking pagbulong.

"A… Aaack—" ang huling paghinga at salita na maririnig sa loob.

Matapos nilang isagawa ang ritwal ay itinusok nila ang mga patalim na hawak sa katawan ng mga bangkay na pugot ang ulo.

""These knives will be your weapons…""

Pinaghuhugot at pinagtatanggal naman ni Jeremiah ang mga posas, batuta, radyo, at baril na nakasuot sa mga pulis bago nagpatuloy sa pagsasalita.

""…Not these,"" itinaas niya ang mga hawak upang ipakita sa amin.

Iniabot niya ang mga ito sa isa niyang tauhan at inilabas palayo sa lugar. Dahil doon ay wala kaming ibang pwedeng gamitin kundi ang mga kutsilyong ibinaon nila.

""Welcome to Jeremiah's Basement. Have fun staying and God bless you all,"" sambit niya bago naglakad kasama ang mga utusan niya paalis ng building.

Pero bago pa siya lumabas ay muli siyang nagsalita.

""Oh yeah, I almost forgot.""

Mula sa kabilang panig ng pintuan na katabi niya ay itinulak paloob ang isang lalaki. Muntik pa siyang mapatumba pero nakabawi naman siya agad ng balanse. Naka-straightjacket siya, yung kagaya sa mga isinusuot ng mga patients sa isang asylum or mental hospital. Nakatali ang damit niya at nakabalot sa kanya kaya hindi siya masyadong makagalaw nang maayos. Kumpletong nakalbo ang kanyang buhok at may mga marka pa ng kalmot ang ulo niya. Lubog na lubog ang kanyang mga mata pero hindi naman siya namamayat. Dahil sa suot niya ay hindi ko natukoy kung pati ba ang mga braso, binti, at buong katawan niya ay may mga sugat at pasa na katulad ng mga nakamarka sa kanyang buong mukha. Pero ang pinaka-nakapukaw ng pansin ko ay ang malaking peklat sa kanyang leeg na para bang kusang hiniwa ito at pinagaling.

""Please welcome the twelfth housemate,"" ang huling sambit ni Jeremiah.

Walang emosyon ang mukha niya pero agad namang nagkaroon ito ng kunting saya nang tumingin siya sa aming direksyon.

Sa sobrang laki ng pinagbago niya ay hindi ko siya agad nakilala pero ngayon ay natatandaan ko na kung sino siya.

"Axl?" sambit ni Christine na nakakunot ang noo dahil medyo hindi pa rin sigurado sa kanyang hinala.

Ngumiti sa amin si Axl pero agad namang napalitan ito ng pagkasimangot at pagkapuno ng galit sa kanyang itsura nang nakita niya si Arthur.

"Arthur?!" malakas niyang sambit.

"Axl! AXL!!!" parang baliw ang ekspresyon ni Arthur at umarteng nais niyang makayakap si Axl.

"ARTHUUUUURRR!!!" ang pagsigaw ni Axl.

Kumaripas ng takbo si Axl palapit sa direksyon ni Arthur. Habang si Arthur naman ay nakangiti pa rin at malawak na nakabukas ang mga braso na parang naghihintay siya ng isang yakap. Kahit na hindi maayos ang suot ni Axl ay nagawa niyang bilsan ang paglapit pero dahil sa lawak ng lugar ay hindi niya nagawa kaagad. Lalo na't sa paglabas ni Jeremiah ay biglang nagunaw ang sahig na aming kinalalagyang lahat.

"AAAHHH!!!" ang sigaw ni Christine habang kami'y nahuhulog.

Saglit akong nawalan ng malay. Pagdilat ko ay napagtanto kong ilang metro din pala ang lalim ng aming pinagbagsakan. Nasa ilalim na kami. Napuno naman ng alikabok, graba, bakal, at mga wasak na semento ang paligid. Nadaganan ng ilang bato si Creed at medyo napilay naman ang paa ni Christine. Mabuti at nagawa ko kaagad na tanggalin ang mga dumagan kay Creed at hindi din ganun kalala ang natamo ni Christine. Pero agad na nag-alala sa akin si Christine dahil daw sa sugat sa ulo ko. Nang hinawakan ko ang aking noo ay saka ko lamang naramdaman ang dugong pumapatak mula dito.

Lalapitan na sana ako ni Christine pero napatigil siya dahil sa pagyanig ng paligid. Akala ko nung una ay lumilindol pero nakuha ko din ang aking kasagutan nang napansin namin na ang ibang parte ng sahig ay umaangat—pataas nang pataas. Hanggang sa ang buong lugar ay isa nanamang maze.

Mas malaki at mas malawak na maze.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon