Chapter 25: Escape?

5 0 0
                                    

"Sh*t!" nataranta na agad si Zachariah, ang kuya ni Axl at agad na tinignan ang mga nakamaskarang papalapit.

Nang nakalabas na si Zach ay inabot ni Coleen ang mga medyo maliliit na tangke ng inhalants na sinabi ni Leona sa amin.

"Do you know how to use this?" sambit ni Coleen kay Christine.

"Are those halothane and isoflurane?" agad namang nagtaka si Christine at napatanong.

"Yes, so alam mo kung para saan ito? At kung paano buksan?" muling sambit ni Coleen.

"Ye-Yeah yeah. After all I'm a nursing student naman."

Kumuha ng bag si Coleen at inilagay doon ang mga tangke saka iniabot ito kay Christine.

"Kasi ako hindi, so take this."

Isinuot naman kaagad ni Christine ang bag.

"Paglabas mo dito sa clinic, pumunta ka sa harap ng wall ng maze then take a right turn, at ang pinakadulong kwarto doon ay designed for the ventilation system nitong buong lugar. Nalaman namin lahat ng ito kasi before taking you out from the maze ay inisa-isa namin ang rooms dito at sinira na namin ang halos lahat ng CCTV dito including sa room na pupuntahan nyo."

Tumigil muna saglit si Coleen at may kinuha sa bag na pinasuot nya sa akin kanina. Ang totoo nyan ay lahat kaming tatlo na mga nakakulong dito ay pinasuot nya kanina. Isang walkie-talkie at dalawang gas masks naman ang hinablot nya mula sa bag ko.

Iniharap nya ang walkie kay Christine bago nagpatuloy, "Eto, alam mo bang gamitin?"

"No," sagot ni Christine.

"That's why you need to take someone with you."

"Ako na. Sasamahan ko siya. Marunong rin ako gumamit nyang hawak mo," pakikisama sa usapan ng lalaking duguan kanina pero ngayon ay kakagaling yata sa banyo kaya nakapaglinis na ng mukha at katawan.

"What's your name again?" tanong ni Coleen sa lalaki habang ipinapasok ang mga gas masks at walkie sa isa pang bag.

"Creed," sagot ng lalaki habang sinusuot ang pangalawang bag na iniabot ni Coleen.

"We'll call you guys if it's the right time. Take care of her Creed," paubaya nya sa lalaki.

"Here, gamitin mo to," ibinigay ko ang isang baril at axe kay Creed para magamit nya sa mga makakasalubong nila.

"Salamat," agad na inilagay ni Creed ang baril sa kanyang tagiliran at hinawakan naman nang mahigpit ang palakol.

Tumakbo kaagad silang dalawa palabas. Pagpasok ni Zach ay nagtataka siya't tinanong kung saan pumunta sila Christine at Creed pero ang agad na sumagot ay si Coleen.

"Umalis sila nang kusa, natakot. They said they'll find another way out na sila-sila lang."

Napabuntong hininga pa muna si Zach bago nagsalita.

"Okay fine."

Ipinataas ni Zach ang suot na long sleeve at pinaluwangan ang neck tie sa leeg sabay banggit ng, "Now, we'll escape."

Kahit umiiyak at nagluluksa pa si Axl sa pagkawala ni Leona ay napilitan siyang itago muna saglit ang nararamdaman at  tumayo upang maghanda sa pagtakbo palayo sa clinic. Sinundan namin si Zach habang medyo malayo-layo pa ang mga nakamaskara pero patuloy pa rin sila sa pagpatay sa kung sino mang maabutan nila. Paunti kami nang paunti dahil may mga kasama kami na sa sobrang takot ay umaalis at sinusubukang maghanap ng ibang madadaanan pero they all end up being killed by the guys in white masks.

Habang tumatakbo kami ay napahinto ako saglit at pumasok sa isang kwartong punung-puno ng mga gamit ng lahat ng naging housemates ng basement. Kinuha ko mula sa isang kahon ang mp3 player na gamit gamit ko noong kinuha kami sa restaurant.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon