Chapter 35: I can

4 0 0
                                    

"Auntie, ako na po mamamalengke!" agad kong sigaw kay auntie Nicole mula sa kwarto ko nang natapos akong magbihis.

Bumukas ang pintuan ng room ko at pumasok siya para tanungin ako.

"Sigurado ka?"

"Yes po. I can do this. I'll start living na po at hindi na lang basta magkukulong dito sa bahay. Total wala namang bago sa netflix ngayon," pabiro kong sagot sa kanya.

Niyakap naman niya ako kaagad at sinabing, "I'm proud of you and for sure your mom and dad feel the same way too."

Napangiti naman ako at kinuha ang bag ko bago nagpaalam at umalis.

"Bye auntie."

"Mag-iingat ka," ang pag-aalala niya sa akin.

"Opo," pagsasang-ayon ko.

Pagkatapos kong manggaling sa market ay dumiretyo ako sa bilihan ng mga bulaklak, doon ay naabutan ko si Zeph.

"Oh, Christine. Hello," agad na pagbati sa akin ni Zeph.

"Papunta ka din sa sementeryo?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo. Sabay na tayo," sagot niya nang nakabayad na siya sa tindera para sa bulaklak na binili niya.

Sa daan namin papuntang sementeryo ay nakapag-usap muna kami saglit. Kwinento sa akin ni Zeph ang hirap niya sa pagcope-up sa mga nangyayari sa bansa o mundo ngayon. Noong taong 2015 kasi siya nakulong sa basement at mula nun ay hindi na siya nakalabas pa.

Kaya pala nung araw na nakatakas kami sa lugar na yun ay sobra siyang nanibago sa sinag ng araw at sa pakiramdam nang pagtapak niya sa lupa. Namangha siya sa paligid namin na parang sanggol na kakasilang lamang sa mundo. Ngayon ko lamang nalaman ang dahilan ng pag-asta niya ng ganun.

Mas lalo pa akong nabilib sa kanya dahil dun. Ilang taon pala siyang nakulong sa ilalim ng mansion pero parang mas madali pa siyang nakamove on sa pangyayari kaysa sa akin. Siguro tinatago niya lang ang lahat ng sakit at takot na nararamdaman niya, pero kung ganun nga ang sitwasyon, nakakamangha pa rin dahil kinakaya niya.

Naignorante at nanibago daw siya sa mga nauusong bagay ngayon. Sa mga gadgets, shows, at music. Sobrang laking panghihinayang daw sa kanya ang hindi pagdalo sa come back ng bandang My Chemical Romance noong 2019. Kahit hindi na uso ang hawak niyang Mp3 ay gamit at dala-dala pa rin niya kahit saan lalo na kapag dinadalaw niya si Coleen.

Sa iisang lugar lamang nakalinya ang puntod ng lahat ng naging biktima ng Jeremiah's Basement. Ginawa ito in memory of them.

Nagdala kami ng bulaklak para kay Rebecca, Carl, Minalyn, Donna, Yna, Leona, at Coleen. Dinagdagan ko na rin ng isa pa para kay Axl. Nang ilalapag ko na sana ang para kay Rebecca ay napahinto ako saglit dahil may nauna nang naglagay ng flowers sa puntod niya.

"CREED?!" sigaw ni Zeph na may halong pagtataka mula sa aking likuran.

Agad naman akong lumingon kay Zeph.

Nakatingin siya sa isang lalaki mula sa di kalayuan na nakalong sleeves na puti at nakapantalon ng itim—si Creed.

Malawak ang ngiti niya sa amin habang lumalapit at kinakaway ang kanyang kamay.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at nagtanong.

"Nakalaya ka na?"

"Oo," sagot naman niya.

Para kaming nagkaroon ng biglaang reunion sa sementeryo sa araw na yun. Sabay-sabay naming tinirikan ng kandila ang mga puntod at sandaling tumahimik upang magdasal. Matapos nito ay lumayo muna kami ni Creed kay Zeph para bigyan siya ng space sa pag-usap niya sa puntod ni Coleen.

Ikiwnento naman sa akin ni Creed ang pagkapanalo niya sa korte at kung gaano siya kasaya noong nakalaya siya sa kulungan. Magmula noon ay walang araw na hindi siya dumalaw kay Rebecca. Halos matulog na nga daw siya magdamag sa tabi ng puntod ni Rebecca kung hindi lang siya nakikita at nasisita ng guard ng sementeryo.

"Mabuti naman at mukhang umaayos na ang kalagayan mo," biglang sambit sa akin ni Creed.

"What do you mean," ang pagtataka ko.

"Para kasing di kana takot sa paligid mo," pagpapatuloy naman niya.

"Yes. I'm trying to. Salamat sa lagi niyong paalala sa akin," sinundan ko naman ng isang malawak na ngiti ang sagot ko.

"Oo nga pala. Total ngayon na malaya na ako, hindi mo na kailangan pang gumastos para sa bulaklak para kay Rebecca," kasabay ng mahinang pagtawa ni Creed.

Sinabayan ko naman siya sa paghagikgik at tila sa oras na yun ay nawala nang tuluyan ang takot ko.

Malipas ang ilang oras ay nagsiuwian din kami ni Zeph samantalang si Creed ay nagpaiwan pa.

Namasyal na muna ako saglit sa bayan at sinubukang magpakasaya mag-isa. Minsan kapag biglang may lumalapit sa aking lalaki ay nagtatayuan pa rin ang mga balahibo ko pero kinakaya ko naman na ngayon at hindi na ako nagpapanic.

Pagbalik ko sa bahay ay agad kong inilapag ang mga napamili ko.

"Oh, nandyan ka na pala. Kamusta ang paglabas mo? May nangyari bang masama? Inatake ka ba ng trauma mo?" dali-daling katanungan sa akin ni auntie Nicole.

Ningitian ko naman siya at siniguradong okay lang ako.

"I'm fine auntie. Super saya nga dahil nakalabas na pala ng kulungan si Creed."

Nagulat si auntie at natuwa rin sa balita ko. Nagkwentuhan kami sa couch sa sala at nagtawanan. Patuloy lang ang pag-uusap namin hanggang mag alas otso nang gabi. At habang iniaayos ko ang hapag kainan at nagluluto naman si auntie ay biglang may kumatok sa pintuan ng bahay.

Alerto naman akong napalingon at medyo natakot pa rin.

"Yung mga bata siguro yun. Hihingi ng candy. Ganyan talaga dito sa subdivision kapag Halloween, may pa trick or treat. Ako na magbubukas," sambit ni auntie.

"Wag na po, ako na," agad ko namang sabi.

Napangiti si auntie at para bang sobrang proud sa akin.

"Okay," sumang-ayon kaagad siya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Yung mga candy nasa lamesa sa sala," ang pagdugtong niya sa kanyang sinasabi.

Kumuha naman agad ako ng mga ibibigay ko bago tumungo sa pinto. Pagkabukas ko dito ay agad akong natumba, napasigaw, at napatili ng malakas.

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

Sobrang nanginginig ang buo kong katawan na para bang lumilindol at ako lamang ang tinatamaan. Hindi ko nagawang gumalaw bukod sa pagtakip ng aking mga kamay sa mukha ko sapagkat ang taong nasa kabilang banda ng pinto ay suot ang parehas na maskara ng mga dumukot sa akin at pumatay sa pamilya ko.

Parehas ng kay Jeremiah.

Akala ko kaya ko nang maging matapang pero hindi pa pala.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon