Chapter 19: Making love under dinosaur stars

11 0 0
                                    

Ilang buwan na din ang nagdaan bago medyo humupa ang pagkagalit ni Axl sa buong lugar at sa kahit na sinong nakikita nya dito. Siya at isa pang babaeng bata daw ang nanalo at natira sa maze nung season 9 pero si Axl pa lang ang nakikilala ko dahil minsan ay nagkakasalubong ang schedule namin sa clinic.

"Us? The season 9 survivors?" katanungan ni Axl kay Doc.

Kanina pa siya madaming questions kay Doc kasi ngayon lang naman siya nakakalma at makakausap nang matino.

"Oo," sagot naman nya kay Axl.

"That means simula 2011, yung unang season kung saan sumali si kuya, simula nun every year na itong game? Akala ko every two years or something."

"Yes, at ilang linggo na lang ay magsisimula na ang Jeremiah's Basement season 10," muling eksplenasyon ni Doc habang iniaabot ang isang tabletang gamot kay Axl at isang baso ng tubig.

Matapos makalunok ni Axl ay nagtanong ulit siya.

"Sa anong paraan naman nila kukunin ang mga victims ngayon?"

"Through a video game, pero ang totoo nyan…" medyo nangamba pa si Doc na ipagpatuloy bago sya nagsalita ulit.

"…ang mga students na hindi nakadalo sa recollection nyo Coleen ang ipapasok nila sa maze ngayon," nakatingin sa akin si Doc na may bahid ng pagpapaumanhin lalo na't mga kaklase at kabigan ko ang magpapatayan para sa buhay nila sa loob ng maze ngayon.

"Paano niyo po nalaman Doc?" agad kong itinanong.

"Ikwinekwento lahat sa akin ni Jeremiah sa tuwing pumupunta siya dito sa clinic."

"Bakit naman siya pupunta dito sa clinic? At bakit nya sasabihin sayo ang mga plano nya?" muling katanungan ni Axl.

"Para ibigay ang cheque na sweldo ko every month. Para isa namang tanong mo, ang sagot ay para hindi ako makaalis dito," sambit ni Doc.

"Huh?" ang pagtataka ko.

"300 to 500 thousand per month ang sweldo ko dito. Pero isa lang yun sa dahilan kaya hanggang ngayon ay nandito ako."

Pinatayo nya si Axl at sinabing makakaalis na siya pero bago pa siya nakalabas ay nagpatuloy si Doc.

"Kapag mas madaming impormasyon ang ilalagay nila sa utak ko, mas magkakaroon sila ng dahilan para idispatya at patayin na lang ako basta basta kung sakali mang susubukan kong umalis."

"You earn a hundred thousand cash per month, I'm sure you have the money para umalis dito sa bansa? Bakit hindi mo gawin?" kwestyon ni Axl.

"Sa tingin mo nandito lang sila?" kasabay nang pag-ayos ni Doc sa kanyang suot na lab gown.

"Kahit saan ka pumunta, kahit saan ka magtago, nandyan sila. This whole cult or itong buong organisasyon nila is larger than you think."

Napakunot naman ang noo ni Axl bago umalis.

"Sige Doc, sa susunod ulit," pamamaalam ni Axl.

Umupo si Doc sa isang office chair at lumapit sa lamesa nya bago nagsabing, "Gusto mo bang makaalis na kayo dito?"

Mas nagfocus ang titig at atensyon ko kay Doc matapos ng tanong nya.

"Kasabay ng araw na gaganapin ang season 10 ng Jeremiah's Basement ay ang pagtitipon-tipon ng lahat ng members ng cult. Kaya sa pagkakataon na yun ay kunting guards lang ang matitira dito sa basement. Hindi ako sigurado sa dahilan pero ang pagkakarinig ko ay dahil kailangan daw nila ng madaming buhay na iaalay sa ritual nila. Kaya kung may plano kayong umalis dito, gawin nyo na sa araw na yun habang kaunti na lamang sila. Tsaka isa pa…"

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon