Chapter 9: You played the tutorial?

10 1 0
                                    

My name is Carl Manga III and I'm 20 years old. I'm a gamer and my carelessness and curiosity got me here.

"What if hindi ko dinownload yung game?"

"Edi mag iinstall din nang kusa yung app. sa phone mo. Buti nga nilaro mo eh," sagot ni Mina habang nagpapaliko kaming apat sa isang daan dito sa napakalawak na maze.

"Kung hindi, baka namatay ka sa game at mas napaaga pa ang pagkawala mo."

"Wag mong isiping accidental lahat ng nangyayari ngayon. They wanted us to be here, hindi natin matatakasan yun," dugtong pa ni Yna.

"Sigurado ka bang dito yung daan papunta sa Minotaur at sa CR?" paninira ni Christine sa usapan namin.

Nagtinginan kaming lahat sakanya na nakakunot ang noo at may mga kwestyon sa mukha.

"Minotaur?" agad na itinanong ni Mina.

"CR?" pinasundan ko na naman.

Agad na nilinaw ni Christine ang kanyang binanggit, "Oo. Di ba sabi mo nakapunta ka sa isang hallway na may pintuan sa dulo at may nakamaskarang nakahiga sa harap nito? Parehas yung description mo sa CR at Minotaur na nasa tutorial nung J-Basement Beta."

"Nilaro mo yung tutorial?!" sabay-sabay naming itinanong.

Habang nakaitaas ang kanyang mga kilay at medyo nagtataka ay sumagot sya ng, "Oo? Aren't we supposed to?"

"Don't tell me na pati yung terms and agreement ay binasa mo?" sunod kong itinanong.

"Uuuhh Yes?"

Naglabas muna sya ng isang pilit na ngiti bago nagsalita ulit.

"Pero wala namang silbi yung nakalagay dun. Yung verse na binabanggit ng mga nakaluhod kanina? Yun yung nakalagay sa terms and agreement. Therefore thus saith the Lord, Behold, I will bring evil upon them bla bla bla. Inulit-ulit na lang nila para magmukhang mahaba pero pare-parehas lang talaga ang nakalagay sa terms and agreement mula sa unang pharagraph nito hanggang sa dulo."

Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi nahinto ang usapan namin. Minsa'y nakakarinig kami ng mga pagsigaw o paghingal. Kung mayroon mang magtangkang lumapit sa amin ay handa kami't nakahawak sa mga kutsilyong kinuha namin sa kitchen.

"Ano pa ang mga nalaman mo from the tutorial?"

"Kapag may 20 na lang na housemates ang natitira, magiging kulay red ang ilaw dito sa maze. Kapag 11 na lang, mamamatay na lahat ng ilaw. Pag sumapit na ang alas onse ng gabi ay magigising ang Minotaur para magsimulang maghunt. Dati may isang Minotaur lang at sa pang 11th day ito nagigising pero sabi sa update ng game, ginawa nila itong dalawa at nilipat sa 11:00PM ang paggising ng mga ito."

"Bakit daw?" pagtatakang katanungan ni Donna.

"Kasi last year's Minotaur was killed even before waking up. Akala ko nung una sa game lang yun, pero mukhang sa totoong buhay yata nangyari."

"Ano pa ang nalaman mo?" isa pang tanong ni Donna.

"May isang espasyo dito na walang nakapintang mga maskara, ang isang pader nun ay kusang magbubukas kapag iisa na lang ang natitirang buhay."

Biglang lumakas at dumami ang paghiyaw at paghingi ng tulong ng ibang housemates kaya nagmadali na kami sa paglalakad. Ilang minuto din ang lumipas bago kami nakarating sa hallway ng CR.

Kumaripas kami ng takbo palapit sa pintuan nito. Hawak na ni Donna ang doorknob ng pinto nang biglang may naalala si Christine.

"Hindi ba dapat nakahiga dito yung Minotaur?"

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon