The Recollection Story I

17 1 0
                                    

Alas singko pa lang nang umaga ay nagising na ako. Nagkamot ng ulo, tinanggal ang mga muta, at pinunasan ang laway na tumutulo sa gilid ng aking bibig. Pinilit kong idilat ang aking mga mata at kahit inaantok pa ay tumayo ako't nagsimulang magsaing at mag-igib ng pampaligo.

Wala pang ibang taong gising. Ang nanay ko'y mahimbing na natutulog pa, ganun din ang mataba kong ate na humihilik. Ang isa ko namang ate ay katabi ang kanyang anak at sabay na natutulog nang taimtim. Pagkatapos nang ilang minutong pagscroll down sa aking facebook habang nangungulangot ay nagising din ang aking ate.

Nagkaroon na din ako ng pagkakataon na kunin ang aking tuwalya at lumuob sa CR. Umupo na ako sa aking trono at nagsimulang buksan muli ang aking cellphone. "Welcome to mobile legends," ang pagtunog nito. Nahumaling ako sa paglalaro kung kaya't paglabas ko sa banyo ay nagbihis na kaagad ako't kinuha ang mainit-init na pananghaliang baon ko sa lamesa. Nagpaalam na ako at tumakbo upang makahabol sa aking pupuntahan.

"Shit!" ang aking banggit. Limang minuto rin akong naghintay ng masasakyan nang may mabuting loob na drayber ang nagsakay sa'kin. Nakaabot naman ako ngunit ilang segundo lamang ay tinawag na kami upang lumuob sa bus na aming pagsasakyan. 

Recollection day namin ngayon, at papunta kaming Aringay, sa Paradiso.

 

"Nasan yung iba?" tanong sa akin ng kaklase kong si Ellise na katabi ko sa upuan. 

"Tayo pa lang ang ABM," ang aking pagsagot habang tumatawa sapagkat pipito pa lang kaming magkakaklase ang nakarating.

 
"Halla!" ang kanyang pagsagot habang tila'y nangangamba na baka hindi na makasunod ang iba. 

Nagsimulang umandar ang bus na tila hinahabol ng demonyo sa bilis—napadasal na lang ako. Mahaba-habang byahe din ang nangyari bago kami nakarating sa aming destinasyon.

""Sawakas at huminto na rin ang bus.""

Katulad nga nang inaasahan, pito lang kaming magkakaklase ang naparoon. Nagsimula na ang programa nang nagsidatingan ang iba.

Talaga nga't nakayayamot ang pagsisimula ng recollection namin. Ihing-ihi na ako ngunit nahihiyang tumayo lalo na't may nagsasalita sa harap. Mga ilang oras pang pagsasalita at panenermon ng mga brother sa harap ay naging maganda din ang mga sumunod na pangyayari.n

""Nakaihi na din ako.""

Kahit masakit sa pwet, pinilit naming makinig. Maya maya'y nag-iyakan na ang lahat; halos lahat.

Mukha ngang madami kaming natutunan mula sa iba't ibang aral na ibinahagi sa amin ng mga speakers; nila brother. Hindi namin namalayan ang oras. Alas singko na pala nang hapon. Akala nami'y dun na matatapos ang lahat yun pala'y meron pa kaming team building na gagawin. Hinati kaming buong mga magaaral sa dalawampung grupo. Iba't ibang section at strands ang pinagsama-sama. Ang iba ay naiwan sa loob kung saan naganap ang programa at ang iba naman ay lumabas upang maglaro sa tabi ng dagat. Naiwan ako at ang aking grupo sa loob. Masaya kaming naglaro at nag-isip ng mga estratehiya kung paano mananalo. Pinagpawisan kaming lahat ngunit hindi namin ininda ang pagod sapagkat lahat kami'y humahalakhak. Natalo man kami ay masaya naman.

Nang matapos kaming maglaro sa loob ay lumabas naman kami upang makipagpalitan sa mga naglalaro sa tabi ng dagat. Sama sama kaming naglakad palabas. Sawakas nakalabas din kami.

""Akala ko'y maninirahan na ang pwet ko sa sahig na gawa sa kahoy.""

Sa aming paglalakad ay mas lalo akong namangha sa lawak at kagandahan ng pagdulugan na ito. Meron din pala itong swimming pool ngunit mga dayuhan ang aking napagmasdan na naliligo. May dalawang matandang babae ang nakaupo sa gilid ng pool at nag-uusap.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon