Chapter 21: Creed's story

9 1 0
                                    

""Creed""

"Morning babe."

Mula sa pintuan ng classroom namin ay ay nakatayo't kakapasok lang ni Rebecca.

Tumabi siya sa akin habang ako naman ay pilit na inililihis ang tingin sa kanya.

"Uy! Nagtatampo ka ba? Anong nagawa ko sayo," tanong nya kasabay ng pagtataka.

Tinakpan ko ang kaliwang bahagi ng mukha ko at mas nilayo sa kanya. Pero wala na akong nagawa nang  hinawakan naman nya bigla ang pisngi ko at ipinaharap sa kanya. Sapilitan nyang tinanggal ang nakatakip kong kamay at lumantad ang malaking pasa na nakapalibot sa kaliwang mata ko.

"Ano nanamang ginawa sayo ng papa mo?" malungkot ang mukha nya nang nagtanong.

"Ayos lang to. Daplis lang," pilit kong pagpapagaan sa kanyang loob.

"Kailangan na talagang itigil ng papa mo yang kakainom nya. Nung una si mama mo lang, ngayon napapadalas na ang pagkadamay mo," sambit uli nya.

Agad nya akong hinila papunta sa canteen at binilhan ng ice cream. Sinadya nyang biglain ang pagdampi ng ice cream na nakawrapper pa sa paligid ng mata ko kaya bigla akong nasaktan.

"Aray!"

"Makita pa kitang may sugat, bukol, pasa, at black eye, ako na mismo makikipagsampalan sa tatay mo."

Napangiti na lamang ako habang dahan-dahang idinadampi ang ice cream sa mukha ko. Ilang saglit pa ay sabay na naming kinain ang mga hawak. Nagtawanan pa kami at nagkwentuhan ng ilang minuto. Kapag kasama ko siya ay laging ganito, hindi ko mapigilan ang pagiging masaya at ang pagkalimot ko sa mga problema ko sa bahay.

Siya ang aking pahinga.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad na bumalik ang mga suliraning laging sumisira sa araw ko. Lagi naman sigurong ganito kapag mahirap lang buhay at may magulong pamilya.

Nang naibaba ko na ang aking bag at nakapagpalit ng damit ay biglang nagbukas ang pintuan namin. Si papa ay pumasok habang hawak ang isang bote ng alak. Galit na galit nanaman siya sa mga di malamang dahilan kasabay ng pagbato nya ng bote na agad nabasag sa pader.

Kapag ganito ang sitwasyon ay wala akong ibang maramdaman kundi makisabay sa kanyang galit na mas lalo pang lumalaki sa tuwing binubugbog nya si mama at sapilitang nakikipagtalik sa kanya.

"ANO?! WALA KA NANAMANG PERA?!" sigaw ni papa sa harapan ni mama.

Inexplain naman ni mama na lahat na ng pera ay naibigay na nya kay papa pero hindi ito maintindihan ng tatay ko at patuloy lang sa pagkagalit at pagbulyaw.  Sinimulan nyang bugbugin si mama. Sinuntok nya ang sikmura nito na agad na ikinatumba ni mama. Kahit nasa harapan lang nila ako ay walang awa ang pananakit ni papa.

Mas lalo pa akong nagulat at mas lalong kumulo ang dugo ko nang ibinaba ni papa ang pantalon nya at naghubad. Habang nakahiga naman si mama ay inaamoy amoy ni papa ang leeg nito na kinadidiri at kinasusuklam ni mama. Nang pilit na inilalayo ng nanay ko si papa ay agad siyang pinagsusuntok kahit nakahilata na lamang siya at walang kalaban-laban. Nakapatong si papa sa kanya at hindi tumitigil sa pagsuntok at patuloy pa rin siya sa paglabas pasok naman ng ari nya sa pribadong parte ni mama. Hindi na nakakagalaw pa si mama at wala na ding imik. Buong mukha nya ay puno ng dugo at pasa. Durog na din ang balat ng pisngi at panga nya dahil sa natatamong tama. Kunti na lang ay malalagutan na siya ng hininga.

Biglang nandilim ang mga mata ko at kumuha ng kutsilyo. Lumapit sa kanila at sa likod ni papa ay tumayo. Itinaas ang hawak na patalim para makabwelo. Buong pwersa kong inilubog at ang pagdampi nito sa balat, karne, at paloob ay naramdaman ko. Ilang beses na pinagsasaksak sa leeg, likod, tagiliran, at mga braso. Nagsitalsikan sa aking mukha at buong katawan ang kanyang dugo at narinig ko din ang pagkabasag ng kanyang mga buto lalo na nang itinusok ko ang kutsilyo sa kanyang bungo. Hindi na siya nakakahinga pa't sa sahig ay nakahilata. Iniusog ko ang katawan nya at agad na niyakap si mama.

"TULOOOOONG!" ang aking sigaw.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng bilangguan.

"Babe. Creed."

Hinawakan ni Rebecca ang aking mga kamay.

"Pagaling na si mama mo. Kami na daw ni papa ang bahala sa kanya. Wag ka ding mag-alala, after makalabas ni tita sa hospital ay agad naming gagawan ng paraan ang paglabas mo dito," pagpapatuloy nya.

Napangiti naman ako habang naluluha sa saya.

"Buti tanggap pa rin ako ng papa mo," sambit ko sa kanya.

"Alam mo naman si papa, masyadong mayabang. Sabi nya sa akin nung nalaman nyang nakakulong ka..."

Bigla nyang pinalalim ang boses nya at pabirong ginaya ang boses ng tatay nya.

"...'Naku mahirap yan. Alam mo kasi anak nung nasa kulungan din ako sobrang hirap ng buhay'."

Nagtawanan ulit kami na para bang magkatabi lang ulit kami sa canteen.

"Ang yabang yabang ni papa. Akala mo naman nagtagal sa kulungan eh ilang araw lang naman siyang nakakulong tsaka nangyari lang yun because he didn't pay for a parking ticket at sinigawan nya ang isang pulis," nagngitian ulit kami at masayang nag-usap.

Mayamaya pa ay nagtaka kami dahil nagsimulang magputukan mula sa harapan ng kulungan. Mga lalaking nakamaskara ng puti ang pinagpapatay ang lahat ng pulis at guwardya at kahit sino pang nasa loob ng pasilidad.

Hanggang sa nasa harapan na lang namin ang tatlo sa kanila. Tumabi ako kay Rebecca at tumayo sa harap nya. Kahit na may posas pa ang mga kamay ko ay tumindig ako na handang protektahan si Rebecca. Sinugod ko ang tatlo na agad din namang nakaiwas. Muli akong tumingin patalikod at doon ay nakita kong pinatulog na si Rebecca gamit ang isang panyong nakatakip sa kanyang ilong at bibig. Lalapitan ko pa sana siya pero agad akong hinawakan ng dalawa pang nakamaskara at pinatulog din.

Bago ako napapikit ay nagbalik sa alaala ko ang sinabi sakin ni Rebecca nung araw na dapat ay nasa recollection kami pero mas pinili naming mamasyal nang kaming dalawa lang.

"Paano kapag bigla akong mawala isang araw? Anong gagawin mo?" seryosong tanong nya habang nakatitig sa aking mga mata.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon