Chapter 20: Escape

7 0 0
                                    

"Sh*t bakit wala sila Axl at yung batang babae?" tanong ko kay Zeph na kasama kong naglilibot sa lugar.

Nakalabas na kaming mga nakakulong. Bale apat kami lahat, tatlong lalaki at ako. Pinuntahan namin sila Axl sa mga room nila pero wala na sila doon.

"Try natin hanapin sila sa iba," ang sagot ni Zeph.

Paggising namin kanina ay wala na ang mga bantay sa harap ng pintuan namin. Ang sindamakmak na mga nakabantay ay sa hallway nagsilaho. Tama nga ang sabi ni Doc.

Agad din naman kaming lumabas at pinuntahan ang iba pang survivors. Pinasok namin ang isang kwarto na puno ng mga baril at iba't ibang patalim.

"Alam mo ba gamitin to?" tanong ni Zeph sa akin habang iniaabot ang isang pistol.

Agad ko namang hinawakan, tinignan ang bala ng magazine, at ikinasa bago ko sinabing, "Baka mas magaling pa akong umasinta sayo."

Nagngitian kami at dumiretyo kila Axl at sa kasama nya pero hindi namin sila nakita kahit saan.

Nagtaka na ako sa mga oras na yun kung bakit walang humuhuli sa amin kahit kitang kita na kami sa CCTV sa bawat sulok ng hallways.

Mabilis ang bawat galaw namin habang maririnig naman sa maze ang sigawan. Kinakabahan na ako nun at hindi mapakali. Sa isip ko'y nagdadasal na lang ako na sana ay hindi pa patay ang kabigan ko.

"Eto yung daan papunta sa control room di ba?"

"Oo."

Dahan-dahan kaming nagpaliko at lumapit sa pintuan ng control room. Nang malapit na kami ay nakita namin ang paa sa may labas ng pinto at dugo na kumakalat sa sahig.

Biglaan kaming pumasok sa loob at itinutok ang mga baril na hawak namin sa iisang lalaking nasa kwarto.

Kaya pala walang ibang guwardyang humuhuli sa amin dahil iba na ang nakatingin sa CCTVs.

Gulat na gulat sya at napaurong pa ng kunti. Inayos nya ang salamin na suot at ang kanyang kurbata. Para syang lalaking nagtatrabaho sa office dahil sa puting long sleeve na suot nya at neck tie sa leeg.

"No, no, no, no, no."

Iniangat at iniharap nya ang kanyang mga kamay na nagsasabing huminto kami. Itinapon nya rin palayo sa kanya ang isang duguang patalim na ginamit nya pangpatay sa nakamaskarang nakahiga. Pero hindi namin ibinaba ang mga baril na aming itinutok. Hinintay namin syang magexplain bago kami nagdesisyon.

"I'm Zachariah, pero pwede nyo akong tawaging Zach. I was a housemate too from season 1 ng Jeremiah's Basement. Hindi rin ako makaalis sa lugar na ito simula ng pinagtrabaho nila ako dito. And uhmm… my brother, nasa maze sya ngayon. He's name is Axl."

Nagtinginan kaming lahat pero may bahid pa din ng pagtataka ang mga mukha namin.

"Bakit ni minsan hindi ka namin nakita dito?" tanong ni Zeph habang hinihigpitan naman nya ang pagkapit sa baril.

"Simula nang nanalo ako, kinuha nila ako sa taas para magtrabaho. Ako ang isa sa mga nagooperate ng show habang pinapalabas ito. Nung isang araw ay narinig kong kinausap ni Jeremiah sila Axl. They made a deal, na kapag pumayag siyang maging Minotaur at napatay ang lahat ng housemates ngayon ay hahayaan ni Jeremiah na palabasin yung mas batang babae," sagot naman ng lalaki.

"Leona, her name is Leona," paglilinaw ni Zeph.

"But we have a plan?" sambit ko.

"You have a plan but you don't have his trust. Sa tingin niya ay mas madali ang deal na inoffer ni Jeremiah, lalo na't itong pagtakas nyo ngayon ay pwede nyong ikamatay lahat. Mabuti na lang at  pinapunta ko lahat ng guards na natitira sa taas. "

"Si Axl ba yun?" biglang nasira ang tanungan namin nang nakita ni Zeph sa isa sa mga monitors si Axl na may kasama pang dalawang tao.

Mas inilapit ko ang pagtitig sa monitor at doon ko lang nakilala na si Carl ang isa sa kasama nya. Lalo pa akong nasindak nang napanood ko siyang tumayo sa harap ni Leona na may dala-dalang chainsaw at handang ihawi kay Carl.

"Anong nangyayari?!" pagtataka ni Zeph.

Itinulak ni Axl si Carl palayo bago isinaksak ang patalim na hawak nya kay Leona.

"A—Axl!" banggit ng lalaking kasama namin sa kwarto.

Ibinaba namin ang mga baril na itinutok at hinayaan siyang kontrolin ang maze. Pinindot nya ang button pangbukas sa pader. Kami naman ay agad na nagtakbuhan papunta sa bumubukas na wall upang salubungin sila Carl.

Nang nakarating na kami ay hindi na namin naabutan pang humihinga ang batang babaeng nakahilata na lamang sa mga braso ni Axl.

"Coleen?!" gulat na sambit ni Carl bago kami nagyakapan nang mahigpit.

Ipinakilala ko sila Carl at Christine sa aking mga kasama at kung ano ba ang nangyayari ngayon. Mayamaya pa'y may isinambit ang lalaki mula sa Controller room.

"Axl, let go. She's dead."

Bukod sa galit at sakit ay bumahid din sa mukha ni Axl ang pagkagulat nang marinig ang boses.

"Zach?! Kuya?" mahina nyang banggit.

Binuhat ni Axl ang katawan ni Leona at pumasok kasabay sila Carl.

Muling nagsalita ang boses.

"Other housemates, go to the east part of the maze. Nakabukas ang daan nyo palabas. Stop killing each other and help us escape."

Sa tapat ng pader ay nakatayo kami't hinihintay ang iba.

"Kilala mo nyo ba siya?" tanong ko kay Carl at Christine nang napansin ko ang lalaking puno ng dugo ang buong ulo't katawan pababa sa kanyang sapatos na lumalapit sa amin.

Sa bawat kamay nya ay may hawak siyang dalawang kutsilyo na nababalutan din ng dugo. Puno ng galit ang mga mata nya't dirediretyo lamang sa paglalakad. Huminto sya sa amin at nakitabi. Napaurong naman ang mga pinakamalapit sa kanyang pwinestuhan.

"Definitely not," sagot ni Christine.

"Ikaw ba yung may gawa ng nasa kitchen kanina?" tanong ni Carl.

Tumingin siya sa aming direksyon bago sumagot.

"Etong dugong nakikita nyo ngayon? Sa kanya to."

Doon ay napatigil ang usapan nang nagsidatingan na ang lahat ganun na rin ang lalaking iniwan namin sa controller room.

"Axl?"

"Kuya," kasabay ng pagtingin ni Axl na nakaupo at nakasandal sa pader habang hagkan pa rin ang katawan ni Leona.

"Kuya ka nya?" tanong ni Christine.

"Oo. Axl is my little brother," sagot ng lalaki.

"Ilang taon ka na ba?" muling katanungan ni Christine.

"31."

"THIRTY ONE?!"

Sabay-sabay kaming nagulat nila Christine at iba pang mga babae na nakarinig.

"You look like 25 or less than 25. Mas mukha ka pang bata kaysa kay Carl," pabiro kong sambit.

"T*ngina mo Coleen. Nice meeting you again," iritang sagot ni Carl.

Tumawa muna ako nang bahagya bago muling nagsalita si Christine.

"Kung meron si Minalyn ngayon, siguradong masaya siya. Isang 31 years old na singkit at matangkad, hindi man ganun katipuno ang katawan pero bagay naman sa height nya. Si Axl na pinagpapantsyahan nya. Lalaking puno ng dugo pero mukhang gwapong antagonist ng mga pinapanood nyang anime. At yang katabi mo Coleen na maputi't may itsura din pero mukhang hulog na hulog na sayo."

Para bang ito na yung dulo ng paghihirap naming lahat at sa pagkakataon lamang na yun ay pare-parehas kaming nakangiti at tumatawa, bukod kay Axl na dahan-dahang naglakad palayo sa amin.

Sumunod naman kami at sumabay sa pagpasok ni Axl sa clinic. Wala doon si Doc. Inihiga nya ang katawan sa puting higaan at tinakpan ito ng puting tela.

Tahimik lang ang lahat. Ang ibang galing sa maze at hindi sumama ay dumiretyo sa iba't ibang kwarto at daanan.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon