Chapter 22: Rebecca!

5 0 0
                                    

"REBECCAAAAAA!!!!" ang aking pagsigaw sa muling pagdilat ng mga mata ko.

Nasobrahan yata ang ginamit na gamot sa akin dahil napatagal ang pagtulog ko at medyo nahihilo't malabo pa ang aking paningin nang nagising ako. Halos matumba ako nang sinubukan kong tumayo.

Nang nakabawi na ako ng lakas ay tumambad sa aking harapan ang mga pinaghiwahiwalay na parte ng mga tao at nagkalat na mga maskara sa sahig. Sa isang lamesa naman ay nakapatong ang mga babaeng nakahubad. Ang mga ito ay nakahilata at nakaayos na magkakatabing ipinahiga. Ang mga ari ay wasak dahil sa mga kutsilyong ipinasok sa loob nito. Ang lahat din ay nakatakip ang labi gamit ang pulso nilang may hiwa at naglalabas ng madaming dugo. Pinutulan din ng buhok ang karamihan sa kanila habang inaamoy ito ng matabang lalaking nasa harapan. Pilit nyang hinihiwa ang dibdib ng isang babae at tinutuklap ito mula sa pagkakadikit. Hiniwa-hiwa nya ito sa maliliit na piraso at pilit na pinagkasya sa kanyang bunganga at ninguya nang ninguya. Nang medyo nadurog na ang dibdib sa kanyang bibig ay iniluwa nya ito sa butas ng mga mata ng babae. Makikita pa ang utong na hindi tuluyang nawasak. At kahit nakatayo lamang ako hindi kalayuan mula sa kanyang harapan ay parang wala siyang pake at patuloy lang sa ginagawa nya.

Nagpagulung-gulong ang isang mata sa paa ko. Nakatapat ito sa akin at naalala ko ang titig ni Rebecca. Nanlaki ang aking pagtingin dito at tumakbo palapit sa mga babaeng nasa lamesa. Inisa-isa kong tinignan ang mga mukha nila at doon ay natagpuan ko si Rebecca na nakahilata't wala ng buhay. Binaboy pa ang kanyang katawan at malayung-malayo na sa itsura ng babaeng minamahal ko.

Doon lamang ako pinansin ng matabang lalaki.

"Wag mong hahawakan ang collection ko," ang sambit nya.

Sa galit ko'y agad akong kumuha ng patalim mula sa ari ng isa sa mga babae at sinugod ang lalaki. Nakaiwas naman siya at inihawi ang kutsilyong hawak sa aking mukha. Mabuti na lamang at daplis lang sa pisngi ang natamo ko.

Kahit ganun pa kalaki ang kanyang katawan ay mabilis siyang nakakagalaw. Ni hindi ko napansin ang muling pagtangka nyang pagsugod. Dumaplis ulit ang patalim sa balikat ko. Hinahawakan ko ang braso nya at hindi na pinakawalan pa bago ko isinaksak ang gamit kong kutsilyo sa kanyang leeg. Biglang nandilim ulit ang mga mata ko at nag-iba ang mga nakikita ko. Naging mukha ni papa ang pumalit sa matabang lalaki na mas lalo kong ikinagalit. Nakahawak na siya sa kanyang leeg at pinipilit huminga nang pinagpatuloy ko ang pag-atake at paglubog ng patalim sa kanyang buong katawan.

Paulit-ulit ko lang siyang sinasaksak hanggang sa nadurog ang karne, taba, at balat ng kanyang tiyan. Ipinataas ko ang pagsaksak at isinunod na dinurog ang kanyang dibdib papasok sa puso nyang ilang beses ng natutusok. Gamit ang dalawa kong kamay ay pinilit kong buksan at wasakin ang kanyang dibdib hanggang sa maluwang na itong nakahiwalay sa isa't isa. Kung saan-saan dumapo ang kanyang dugo maging sa aking mga mata pero hindi ako tumigil na saksakin siya. Halos hindi na matukoy kung puso pa ba ang nasa loob ng kanyang katawan dahil ilang beses ko itong hiniwa-hiwa at pinagtutusok hanggang sa madurog sa maliliit na parte. Kinuha ko pa ang pagkahaba-habang bituka nya saka itinali ng mahigpit sa kanyang leeg. Sa katotohanan ay kanina pa na walang buhay ang lalaki pero sa mga mata ko'y naghihingalong tatay ko lamang ang nakikita ko. Nilaslas ko din ng napakadaming beses ang kanyang buong balikat at braso pati na rin sa kanyang mga binti. Hinila ko ang kanyang ari hanggang sa mabanat ito at unti-unting humiwalay sa kanya. Nang naputol ko na to'y isinubo ko sa kanyang bibig. Tuluyang nadurog ang mga laman loob at iba pa nyang parte dahil sa walang tigil na pagsaksak ko dito. Pagkatapos ay buong lakas ko siyang binuhat at iniangat sa aking ulo dahilan para maitapon ang napakadami nyang dugo sa buo kong katawan. Habang ako'y umiiyak, malungkot, at galit ay biglaan kong ibinagsak ang katawan sa aking mga tuhod na para bang pumuputol lamang ng isang mahabang kawayan. Narinig ko ang malutong na pagkahiwalay ng kanyang buto sa kanyang likod. Itinapon ko ang lalaki sa isang gilid at nagtungo agad kay Rebecca.

Ibinaba ko ang kanyang katawan mula sa lamesa at sa sahig ay nakayakap ako sakanya't umiiyak. Ang matindi kong paghagulgol ang tangi kong naririnig. Kahit pa duguan ang kanyang dibdib at ibang parte ng katawan ay pahigpit lamang nang pahigpit ang aking pagyakap.

Muling bumalik sa aking isipan ang kanyang itinanong.

"Paano kapag bigla akong mawala isang araw? Anong gagawin mo?"

"Papatayin ko yung dahilan kaya ka nawala," ang sagot ko sa kanya noon.

Ngayo'y hinahawi ko at iniaayos ang kanyang buhok na dati'y napakalambot at inililipad lamang ng hangin. Hinalikan ko ang kanyang noo na dati'y puno ng pawis pero ngayo'y nababalutan na ng dugo. At sa huling beses ay hinawakan ko ang kanyang naninigas na kamay na hindi na nya maigalaw pa katulad ng dati.

Napuno ng galit ang mga ko at humigpit ang pagkakahawak.

"Papatayin ko!"

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon