Chapter 47: What they did to me

6 0 0
                                    

""Axl""

Nagising ako na nakahiga na sa isang hospital bed. Kakatapos lang na tinahi ang malaking sugat sa leeg ko. Nasa ibang lugar na ako ngayon pero halos parehas lang ang itsura nito sa basement. Lahat ng nakapaligid sa akin na doctor at nurses ay nakamaskara ng puti. At mula sa pintuan ng kwarto ay pumasok ang isang lalaking naka-white suit at nakatakip din sa mukha niya ang isang puting maskara. Agad niya din namang tinanggal ito at nagpakilala sa akin.

"I'm Jeremiah Docile James, but you can still call me Doc."

Nagulat ako nang inalis niya ang maskara. Ang tunay pala na taong nasa likod ng lahat ay ang nag-iisang napakabait at makapagtitiwalaang lalaki sa loob ng basement dati.

"Kapag gumaling ka na, wag mo na ulit susubukang patayin ang sarili mo. We put so much effort trying to save you, don't waste your second chance. And also, it's because you're a good player, so heal. I'll be needing you pa. May silbi ka pa rin kahit papaano," kasabay ng nakakagalit na pagngiti niya nang malawakan pagkatapos ay naglakad siya palayo.

Gusto kong sumigaw at magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi ako makapagsalita dulot ng paggilit ko sa aking leeg. Hindi ko na din nagawa pang magpumiglas at tumakas dahil nakaposas ang mga kamay ko sa higaan.

Tatlong buwan akong nagpagaling at sa mga panahong yun ay walang kumausap o pumansin sa akin bukod sa araw-araw na pagcheck up nila sa tahi ng leeg ko. Humilom din naman ang sugat at tuluyan akong nakapagsalita ulit. Nang naging maayos na ang kalagayan ko ay inilipat nila ako sa ibang kwarto. Hindi na kasing lawak ng room ko kagaya sa basement dati dahil sa sobrang sikip nito. Para akong ipinasok sa isang bartolina at madalas na hindi binibigyan ng ilaw. Its walls, ceiling, door, and even the floor is made of pure steel. Wala nang pagtinginan sa pintuan at halos kaunting hangin lang ang pumapasok sa loob.

Halos araw araw ay sobrang dilim at wala akong ibang mapakinggan kundi ang paulit-ulit na ritwal na hindi ko maintindihan. Hindi rin nila ako pinakain. Sobra akong nagutom, napuyat, nanghina, at napagod din dahil sa pilit na pagtulak at pagsuntok ko sa pinto.

Until one day, the door finally opened again. Isang naka-white mask ang may hawak na batang babae. Pilit itong pumipiglas pero hindi siya makawala. Sobrang namumugto na din ang mga mata niya kakaiyak dahil sa sobrang takot. Kahit tumili at sumigaw pa siya o magmakaawa ay para bang walang napakikinggan ang nakamaskarang pilit siyang iniloloob sa kwarto ko. Wala na rin naman na akong lakas pa para tumulong dahil napakatagal na akong hindi nakakakain.

Nang naitulak na ang bata papasok ay agad na sinarado ang pinto. Pagkatapos ay pumalibot sa buong kwarto ang isang pamilyar na boses.

Ang boses ni Doc.

""I know that you're hungry Axl, so I'm giving you food. Kill her. Eat her. Drink her blood. If you won't, then you'll die,"" pagkatapos ay tumawa siya na para bang nakakabingi sa aking tenga.

Sobra akong nakaramdam ng galit. Nagsisisigaw ako kahit halos wala na akong lakas pa.

Ang bata naman ay nasa pinakasulok ng kwarto, nakaupong nakakukot habang nanginginig. Umiiyak siya at halatang natatakot sa akin. Mukha siyang five years old. Maliit pa lamang at hindi makontrol ang emosyon.

Lalapitan ko na sana siya para sabihing wala akong masamang balak na gagawin nang nakakaisang hakbang pa lamang ako ay agad na siyang humagulgol at nakiusap.

"Wa… wag po. Hinahanap na ako ni… ni mommy. Gu… gusto ko lang pong makauwi."

Hindi na lamang ako lumapit at mula sa pwesto ko'y sinabi kong, "Wag ka mag-aalala. Magkikita pa kayo ni mommy mo. Makakalabas tayo dito."

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon