Chapter 28: Season 1

7 0 0
                                    

""Welcome to Jeremiah's Basement"" sambit ng isang boses sa maze.

""This is the season 1 of the game. We don't have much rule except for kill each other and the last one to stay alive will leave the basement,"" pagpapatuloy nito.

Madami dami pa siyang ibang sinabi at pagkatapos nyang magsalita at sabihin ang rules para sa laro ay may dalawang taong lumapit sa amin at nagpagitna. Ang isa ay nakamaskara at ang isa ay lumuhod sa harap ng kasama nya. Nagsimulang magchant ang nakaluhod at pilit na tinggal ang kanyang mga mata. Ang nakamaskara naman ay hinihiwa ang leeg nito.

"YEEEESS!!!"

"DEEPER BABY, CUT IT DEEPER!!!"

Sumisigaw pa ng pangsasang-ayon ang ibang housemates at gustong-gusto ang nakikita.

Hindi ko na pinatapos ang nangyayari at tumakbo na ako palayo sa kitchen.

"Sh*t, sh*t, sh*t!" ang natatanging salitang binabanggit ko habang tumatakbo at naghahanap ng pwedeng pagtaguan.

Sobrang higpit ng kapit ko sa kutsilyo, kahit nanginginig ang mga kamay ko ay hindi ko ito binibitawan. Alerto ako sa mga pwedeng mangyari at sa bawat direksyon ng aking pupuntahan ay maiigi kong tinitignan.

"Hindi dapat ako nandito. Sh*t!" muli kong sambit sa sarili.

It's the first season of Jeremiah's Basement kaya hindi pa naayos ang rules. Wala din akong masyadong alam dito sa game pero sigurado ako na ang first eleven persons na nagregister sa link sa deepweb ang mga kasama ko ngayon dito sa loob. Ibigsabihin lahat sila ay ginustong pumasok dito. Malamang ay mga murderer or taong may malalalang kaso ang mga ito. Kung hindi ako lalaban malamang ay mamamatay ako't hindi na makikita pa si Shina, pero kung lalaban naman ako, napakakunting porsyento lamang ang tsansa na mapapatay ko ang kahit isang housemates lang dito.

"Anyone there?" sambit ng boses na nagmumula sa di kalayuan.

"Yoo-hoo," muli akong nakarinig pero sa kabila namang direksyon.

"SH*T! I'M TRAPPED!"

Dahan-dahang naglalakad ang dalawang palapit na sa akin. Hanggang ang anino ng isa ay nakikita ko na. Nabasa na sa pawis ang aking damit  dahil sa kaba, kasabay nang pag-ayos at paghigpit ko sa paghawak sa aking patalim. Nang nakita ko na ang kanyang paa ay sinugod ko siya na dala lamang ng pagkadesperado at takot.

"AAAAAAAHHHH!!!" ang aking sigaw habang mabilis na lumapit sa kanya.

Agad naman siyang nakaiwas dahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Isa siyang babae at may piercings siya sa halos buong mukha nya kabilang ang leeg at kanyang bunganga. Narinig naman ng isa pang palapit ang sigaw ko kaya tumakbo siya sa kinaroroonan namin ng babae. Habang ako'y nakahiga't nakatingin sa babae ay pilit akong gumagapang palayo. Nakarating na ang isa pa at tumayo sa likod ng babae. May napakalaki siyang katawan at nakasuot ng fitted t-shirt na camouflage. Lalaki na dati yatang sundalo. Titingin na sana palikod ang babae nang hinila ng lalaki ang piercing nya sa kanyang bunganga. Mula sa gilid ng pisngi ay pinilit nito hilain ang piercing paharap kaya nahiwa naman kaagad ang pisngi ng babae. Napasigaw sa sakit ang babae pero tumawa din na parang baliw nang di kalaunan. Dinilaan nya pa ang dugong dumadaloy sa baba ng kanyang labi at parang baliw na ngumiti bago nya tinangkang ibaon ang hawak na patalim sa dibdib ng lalaki. Nahawakan naman pero kaagad ang kanyang kamay at napigilan ang kutsilyong halos nakadikit na sa dibdib ng taong nasa likod nya. At kahit anong pilit na paggalaw nya sa kanyang kamay ay wala siyang magawa. Inunat ng lalaki ang braso ng babae bago inihawi dito ang hawak naman nyang butcher knife. Parang hindi nasaktan ang babae nang naputol ang kanyang braso, lalo lang siyang natawa at mas nilawakan ang pagngiti. Isinunod ng lalaki ang ulo ng babae. Buong pwersa nyang ibinaon ang talim ng butcher knife sa bungo ng babaeng nakangiti. Nahati kaagad ang kanyang labi at nadurog pa nang ilang beses nang tinaga ito ng lalaki. Napuno ng dugo ang mukha at t-shirt nya. Binatawan nya ang katawan ng babae at humilata ito sa aking tabi.

Mas lalo pa akong nasindak nang sa akin na ibinaling ng lalaki ang kanyang tingin. Susugurin na nya sana ako nang bigla siyang sumuka ng dugo. Dahil sa mga pangyayari kanina ay hindi na nya napansin ang patalim na nakasaksak sa kanyang tagiliran. Nailubog ito ng babae nang hindi nya nararamdaman. Tinanggal nya ito at itinapon kaya naglabasan ang kanyang dugo. Pero kahit ganun ay may lakas pa rin siyang lapitan ako. Itinutok ko sa kanya ang dalawang kutsilyong hawak ko pero sa isang paghawi lang ng kamay nya ay nagtalsikan ang mga patalim. Tumayo ako kaagad at tatakbo na sana pero nahawakan nya ang damit ko at agad akong nahila pabalik sa kanya. Mahigpit nya akong sinakal sa pagitan ng kanyang mga braso. Sa kapal ng mga muscles nya ay hindi ko maigalaw ang aking leeg at ulo. Sinubukan ko pang abutin ang butcher knife na nilagay nya sa kanyang tagiliran pero nakita nya ito at hinampas agad ang kamay ko kaya pati ang kutsilyo nya ay nasa sahig na rin. Mawawalan na ako nang malay at malapit nang maputol ang buto ng leeg ko nang sinuntok ko ang sugat sa kanyang tagiliran. Naramdaman kong medyo nasaktan sya pero hindi lumuwang ang pagkakasal nya sa akin kaya inulit-ulit ko pa ito. Walang nangyari sa pagpipiglas ko kaya ang ginawa ko ay pinilit kong ipinasok ang aking mga daliri sa kanyang sugat hanggang sa mapunit ang kanyang balat at mas lumaki pa ang hiwa. Naipasok ko ang buo kong kamay paloob at hinugot palabas ang kanyang bituka. Hinila ko ito nang malakas hanggang sa maputol at umagos ang napakadaming dugo. Napabitaw na ang lalaki sa akin. Natumba siya at nadaganan ako. Ang mukha ko ay eksaktong lumapag sa wasak na ulo ng babaeng nakahiga na't walang buhay at sa itaas ko naman ay ang malaking lalaki.

"Ugh!" ang aking pagbuntong hininga matapos maitabi ang nasa likod ko at lumapit sa pader para makasandal at umupo.

Hindi dapat ako nandito.

Hindi.

Hingal na hingal akong naglakad palayo hawak ang patalim ng lalaking napatay ko at dalawa pang kutsilyo sa aking tagiliran at isa pa na nakaipit sa sapatos ko. Kahit medyo wala akong nakikita dahil sa mga dugo sa aking mukha at buhok na unti-unti nang natutuyo ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Kung dalawa na ang napatay ko, may walo pang natitira," sambit ko sa aking sarili.

Madami dami na rin ang narinig kong sigaw at paghihingalo na nageecho sa buong lugar hanggang sa nakabalik ako sa gitna ng maze. Sa kitchen.

Doon ay naabutan ko ang isang mas malaki pang lalaki kaysa sa nauna. Mataba siya at kinakain ang ulo ng isa sa  housemates. Tumakbo siya palapit sa akin, mukha ang nauuna. Para bang gusto niya akong kagatin at kainin at takam na takam sa karne ng tao. Lumayo ako at nakailag. Isinaksak ko ang butcher knife sa tiyan nya pero parang wala lang ito. Sinubukan kong hugutin ito pero di ko na mahila pa. Hinawi nya ang kamay nya sa akin para ako'y mahawakan pero nakalayo ulit ako. Kinuha ko ang dalawang kutsilyo sa tagiliran ko at sinaksak ulit ang mataba sa kanyang likod naman pero kinaya nya pa ring makalakad palapit sa akin. Hindi ko na rin nabunot pa ang dalawang patalim sa likod nya dahil agad nyang tinanggal ito at itinapon. Nanigas ang buo kong katawan nang kumaripas siya ng takbo papunta sa akin dahil nga wala na akong pwedeng gamitin pa, nang naalala ko ang kutsilyong isiniksik ko sa aking sapatos. Yumuko ako para abutin ito at bago pa nya ako nasunggaban ay naitusok ko ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Napahakbang ako palayo at sumunod naman siya pero mabagal na lamang ang paglakad hanggang sa tuluyan siyang napatumba at sumagi sa refrigerator dahilan para matumba ito at bumagsak sa ulo ng lalaki. Napisa ang ulo nya at kumalat ang utak nya't dugo.

Hindi dapat ako nandito.

Hindi.

Sa kabutihang-palad, siya na pala ang huling housemate sa loob.

Habang nagpapahinga ako't nakaluhod ay kinuha ako ng mga nakamaskara. Sa gitna nila ay isang lalaking nakaputi.

Hinila nila ako, dinaan sa isang pader ng maze na tumataas pala at pwedeng daanan, pero hindi ito labasan, dahil ay isang lugar ulit tumambad sa akin na may madaming kwarto. Napinturahan at kulay puti ang bawat sulok.

"Papatayin nyo ba ako?" ang tanong ko nang tumigil sila sa paghila sa akin.

Dinala nila ako sa loob ng isang clinic at doon ay kinausap ako ng lalaking nakaputing suit.

"Of course not. You won. And as promised, you will leave this basement…" tumigil muna siya at sinimulang tanggalin ang suot na maskara.

"…as the new Jeremiah James," ang kanyang pagpapatuloy.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nya.

Nang tuluyan nyang naalis ang maskarang suot ay nagpakilala siya.

"My name is Jeremiah Docile James. You can call me Doc or Jeremiah, anything you want. Kung galit ka, tanggap ko naman kung tatawagin mo akong demonyo," ang sambit nya habang nakangiti.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon