Chapter 3: What is happening?

35 3 0
                                    

I'm Kyla Alviar. 19 years old. And last October 20, 2019, I joined a random gc, the "JRMH11:11". It was fun being a member of that gc but later on, it turns out that most of the members are a bunch of psychos. They pulled their eyes off and was decapitated by the guys in white masks. And now it's November 11, my whole family is dead and…

"Paano mo naman nalaman na ako yung user ng dummy account Axl?"

…I'm stuck here in this basement with Axl. He's 20, nakilala ko siya sa same gc. Matangkad, maputi, brown eyes, dark hair, may magandang katawan, at…
"Cause you keep on looking at me in the kitchen… until now! And can you please look straight to my face, wala sa ibaba ang mukha ko! Geez, pervy girl," ang pagsagot niya sa akin habang hila hila ang kamay ko at tumatakbo palayo.

"What?! I'm not looking at… at your… Arrgh! Wag ngang kung anu-ano iniisip mo! Tignan mo yung sahig, yung walls, at yung ceiling. Lahat may tatak ng white mask. The same white mask na suot ng mga lalaki sa video at mga lalaking pumatay sa family ko," ang sambit ko sa kaniya.

"They're using that mask since November 11, 2011. The date when this reality show started."

Nagtaka ako sa sinabi niya, "Kilala mo sila?"

"My kuya has an account on deepweb. Sumali siya sa show na ito and is one of the first housemates of this basement. Akala niya ay walang mangyayari pero isang araw, sinugod ang bahay namin ng mga lalaking nakasuot ng parehas na maskara na nakikita natin ngayon. Nagtago ako sa ilalim ng kama ko. I saw them shoot my dad in his head for ten times and cut off every parts of my mom's body. Kinuha nila si kuya at nanatili lang akong nasa ilalim ng kama. Since then, I've been searching all the things I should know about this reality show. But I never expected na ganito pala kalala ang ginagawa nila," patuloy pa rin kami sa pagtakbo at pasikot sikot sa basement habang ineexplain niya sa akin ang lahat.

"What do you mean? And wha… what reality show?" muling kong pagtanong.

"What I know is that, they trap random people in a basement and let them kill each other. Hindi ko alam na ikukulong pala tayo dito para gutumin hanggang sa kainin natin ang isa't isa. And you're familiar with different reality shows right? All the cameras na nakatingin sa atin ngayon ay kinakailangan nila para makita ang bawat galaw natin at ipalabas sa deepweb para mapanood ng mga mayayamang tao at ibang members ng deepweb na nagbabayad ng malaking halaga sa owner ng reality show na to," agad niya akong sinagot.

"Tch! So they're doing this for the sake of their own entertainment?!"

"Yes. That's how it works. I never tried watching the show bukod sa kailangan mo munang magbayad bago ka makakapanood, hindi rin kasi kaya ng sikmura ko. And also, my research brought me here. Since nung hindi na bumalik ang kuya ko, ako na yung gumamit ng account niya sa deepweb and dun ko nakita ang link ng gc."

"You lied. Ang sabi mo may taong nag add sayo sa gc. Kung alam ko lang, edi sana matagal na akong nagleave dun!"

"It's because I don't want you to freak out! And leave? Sigurado ka may magagawa yung pag leave mo sa gc? The guy kanina na humila ng tela sa lamesa, he left the gc dalawang araw pa lang nung nakasali siya, but he's still here. Now we just need to stay alive and head west," ang mga sinabi niya.

"I'm confuse right now. Let go of my arms!" hinila ko ang aking mga braso mula sa kaniyang pagkakahawak at nagsimulang sigawan siya.

"My family is dead, I'm stuck here with 43 different people and dead bodies, then we need to kill each other in order to get out of here, tapos bigla mo pa akong hinila kanina kasi malakas lang yung hinala mo na ako yung nakakausap mong gumagamit ng dummy account?! Ano ka ba? Manghuhula o genius lang talaga? Tapos… tapos ngayon we're heading west of this basement for what?! Huh?!"

"I know this song. Yung naririnig mong kanta ngayon. Listen to its lyrics. 'The west is the best. The west is the best' yun yung sinasabi ng singer sa ibang part ng lyrics," muli niyang explanation.

"Aarrgh! So pupunta tayo doon kasi yun yung hinala mo ulit?" inis na tanong ko.

"Yes, the last time na nagtiwala ako sa hinala lang nakuha ko yung tamang babae. Tsaka may mas alam ako about sa nangyayari ngayon kaya magtiwala ka na lang," ang mga huli niyang sinabi bago kami nakarinig ng pagsigaw.

"AAAAAAHHH!"

"Nagsimula na sila" ang pagpapatuloy ni Axl.

"Nagsimula?" pagtataka ko.

"Kung tama yung bilang mo na merong 45 members ng gc ang nandito that means madami dami ka pang maririnig na hiyaw at ungol."

"You didn't answer my question. Anong ibig sabihin mong 'nagsimula na sila?'" itinanong ko muli.

"The other members or should I say, housemates na kasama natin, nagsimula nang mag hunt. Malamang lahat tayo dito ay gustong makaalis kaagad, kaya kung desperado ka gagawin mo talaga yung sinabi nung boses, ni Jeremiah kanina," ang kaniyang sagot.

"You mean. Nag… nagpapatayan na sila?"

Agad namang tumango si Axl na nangangahulugang tama ang hinala ko. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig. Pinigilan ang sariling umiyak at napaupo ako sa sahig.

Nilapitan ako ni Axl at yumuko sa harap ko sabay sa paghawak niya sa aking kamay, "I won't let anyone hurt you. So pull your self together dahil wala dapat tayong sinasayang na oras dito."

Inalalayan niya akong tumayo at naglakad kami nang hawak niya ang kamay ko.

Patuloy pa rin ang pagbulyaw, pag-ungol, at paghingi ng tulong ng iba't ibang members ng gc na kasama namin habang kami ni Axl ay nakarating na sa west side ng basement.

"CR?!" pasigaw na pagtataka ko.

"At least now we can pee," ang pabiro niyang sabi.

Tinapik ko ang balikat ni Axl at itinuro ang isang lalaking nakahiga na may suot ring maskara pero may nakalagay na sungay. Natutulog yata sa harap ng pintuan ng CR.

"Minotaur," ang biglang banggit ni Axl.

"Huh?" pagtataka ko.

"Minotaur ang tawag sakaniya. Part siya ng show na to. May iniinject sa kaniya para makatulog. At sa pang 11th day ay nagigising siya para sumama sa paghuhunt ng ibang housemates. We're lucky to find him sleeping. We just need to kill him now before anything else happen," sagot ni Axl habang itinataas niya ang bandang giliran ng kaniyang damit.

"Nakikita mo ba?" ang tanong niya sa akin.

"Calvin Klein?" ang sambit ko.

"Geez Kyla! Not my boxer! I mean the knife. Stop being so pervy!" ang iritado nyang sagot.

"Tch! Di mo nilinaw! Tsaka saan mo nakuha yang kutsilyo?" ang tanong ko.

"Ako ang naunang nakaabot sa kitchen kanina kaya kumuha na ako bago pa kayo dumating," ang malinaw niyang sabi.

"Close your eyes or look away Kyla. Kailangan kong patayin ang taong to."
Agad naman akong tumingin palayo at sinunod ang sinabi ni Axl. Gusto ko sana siyang pigilan pero gusto ko ding makaganti sa mga taong pumatay sa pamilya ko.

Narinig ko ang pagsaksak ni Axl sa lalaki at ang pagbaon ng kaniyang kutsilyo.

"He's not breathing anymore. Pwede na tayong magtago muna sa loob ng CR," sinabi sa akin ni Axl habang tumutulo ang dugo ng lalaking sinaksak niya sa hawak niyang kutsilyo.

Agad na tinggal ni Axl ang suot na maskara nito. Nakita namin ang mukha ng isang lalaking nasa 30's na. At ang sabi ni Axl ay malamang isang retired army ang lalaking yon dahil ang mga minotaur daw ay malalakas at matatalino, bukod dun ay may nakasuot na dogtag sa lalaki.

Kinakapkapan ni Axl ang lalaki at nakita niya ang isang army knife at baril. Kinuha niya agad ito at dumiretyo sa CR.

Binuksan namin ang pinto. Wala pang bakas ng dugo o kung ano mang nakakapagtaka sa loob. Kaya dun muna kami nagtago ni Axl.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon