Chapter 40: I'm gonna kill you

6 0 0
                                    

""Creed""

Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa aking balat, pati na rin ang malamig na simoy nito. Ito ang pinakauna kong ginawa sa sandaling nakatapak ako sa labas ng presinto. Sapagkat sa loob ng ilang taon na aking pagkakakulong, sawakas ay nakalaya na ako.

"Creed," ang pagtawag sa akin ni tito naghihintay sa akin dito sa labas para sunduin ako at ihatid pauwi.

"Tito," ang sagot ko naman kasabay ng isang saglitang pagyakap.

"Malaya ka na. Anong gusto mong gawin? Puntahan na ba natin kaagad ang mama mo?" nakangiting tanong ni tito.

Hindi maalis ang kurba sa aking labi dahil sa pagkatuwa at puno din ng pagkagalak ang aking pagtugon.

"Bisitahin po muna natin si Rebecca."

Tinapik-tapik ni tito ang aking balikat at bumuntong hininga habang patuloy lang sa pagngiti.

Agad naman niyang minaneho ang kotse papuntang sementeryo pero hindi na siya bumaba pa ng sasakyan dahil sinabi niyang mas mabuting bigyan niya muna ako ng espasyo para makausap nang mabuti ang puntod ni Rebecca. Tumango naman ako ng pasang-ayon at mabilis na tumungo sa lugar kung saan inilibing si Rebecca.

"Nakalaya na ako. Hindi lang sa basement kundi pati na rin sa kulungan. Sana nandito ka ngayon para macelebrate natin ito. Magkasama na sana tayo ngayon, namamasyal, masayang nagtatawanan, at sabay na ginagawa ang ating mga pangarap," ang pagbanggit ko sa harap ng puntod.

Kasabay nang pagpatak ng aking mga luha ay ang basag kong boses na patuloy lamang sa pakikipag-usap.

Isinarado ko ang aking mga kamay at mahigpit itong itinikom. Pinaghahampas ko ang lupa at humagulgol na may halong galit.

"Hindi pa sigurado ang mga pulis kung sino ba talaga ang nasa likod ng impyernong yun. Pero wag kang mag-aalala, ipaghihiganti pa rin kita."

Namumugto ang aking mga mata na bumalik sa loob ng sasakyan. At kahit kasama ko ang buong pamilya ni Rebecca at si mama ay tila wala pa ring ekspresyon ang aking mukha.

Iniisip ko kung paano ko aalamin ang lahat ng tungkol sa Jeremiah's Basement.

Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang gabi bago ang 11th month ng pagkalaya namin mula sa basement. Maayos at napakagaan naman sa loob ang pagtanggap sa akin dito sa bahay nila tito. Kahit ganun pa ay plano ko rin namang makaalis kaagad lalo na't ayaw ko silang madamay kapag nagsimula na akong maghanap at tukuyin ang mga tunay na taong nasa likod ng Jeremiah's Basement. Hindi pa rin ako komportable na tunay nang natapos ang laro lalo na't sinabi ni Zephaniah sa akin na noong araw na nakalaya kami ay dahil lamang yun sa kulang ang mga taong dapat ay nasa loob at nagbabantay ng basement nun. Ibigsabihin ay meron pang natitira sa kanila. Meron pang mas malaking taong nagpapatakbo ng lahat bukod kay Zachariah. Siguro'y isa lamang siya sa mga tauhan ng tunay na pinuno nila.

Malalim ang aking mga iniisip at nakatoreteng nakatitig lamang sa dingding nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay si tito pero iba ang pumasok na lalaki.

Mas matangkad siya sa akin, mas malaki ang katawan, nasa 24 years old siguro ang tanda, at sa itsura niya pa lang ay halatang iba ang lahi niya na agad namang nakumpirma ko nang nagsimula siyang magsalita.

"You are Creed. Jeremiah said that you took down a pile of white masked guys, that means your strong."

Napakalalim ng boses niya at tunog Russian ang punto ng kanyang pagsasalita. Napansin ko din na ang kaliwang kamay niya ay putol na at kahit napakaputi ng kanyang kutis ay puno ito ng mga peklat.

"Am I right?" pagpapatuloy niya.

Agad na kumunot ang aking noo at galit na sinumbatan ang lalaki.

"Nasaan sila tito? NASAAN SI MAMA?!"

"I don't understand you. Talk in english."

Inihanda ko ang aking mga kamao pero bago ko siya sinunggaban ay tinignan ko muna ang bukas na pinto sa kanyang likuran. Mula sa isang espasyo ay nasilip ko ang mga nakahilatang katawan nila mama, tito, at iba pa. Kasama nila ay lima pang lalaking iba-iba ang lahi na nakatayo't nakatingin sa akin.

"Anong ginawa niyo sa kanila?"

Napakaseryoso ng aking mukha at puno ng galit ang aking pagtitig sa russianong lalaki.

"I said ta—"

Hindi pa lang niya natatapos ang kanyang sinasabi ay tumakbo na ako palapit sa kanya at nagpakawala ng isang malakasang, mabigat, at puno ng pwersang pagsuntok. Halos tumilapon ang kanyang buong katawan bago bumagsak sa sahig.

"Siguro yan ay naiintindihan mo na," ang tugon ko kasabay ng pagdura ko sa mukha niya.

Habang pinupunasan niya ang kanyang pisngi at nagdurugong labi ay ibinaling ko naman ang pagtitig ko sa mga lalaki sa kanyang likuran.

Kinontrol ako ng aking emosyon at muling nandilim ang paningin ko katulad nung araw na pinatay ko si papa.

Sinipa ko nang dalawang beses ang ulo ng russianong nakahilata na agad namang kinauntog ng ulo niya sa pader malapit sa kanya. Nawalan siya ng malay kaya sinunod ko naman ang iba. Mabilis kong sinunggaban ang mga lalaki. Kahit kulang ako sa bilang ay kinakaya ko naman silang labanan. Nakakailag at nakakapagbato ako ng mga mabibigat ng suntok at pagsipa sa bawat isa sa kanila.

"AAAAARRRGGGHHH!!!"

Patuloy ang pagsigaw ko para mailabas pa ang poot sa aking kalooban. Habang pinagsusuntok ko sila'y hinihingal naman ako pero kahit na pagod na ako ay mas nanghihina pa rin sila. May mga naitatama at dumadapo rin naman sa aking katawan na paghampas pero nagagawa kong tanggapin ang sakit at pwersa.

"GGRWAAAGGHHH!!!"

Nasa ibabaw na ako ng isa sa mga lalaki at paulit-ulit na pinagsusuntok ang mukha niya. Nagdurugo na ang ilong niya't pisngi at mahihimatay na sana nang biglang narinig ko ang boses ni mama.

"Cree… Creed."

Nakadapa siya't iniaabot ang kanyang kamay mula sa di kalayuan. Para bang ang mga mata niya ay nakikiusap na itigil ko ang aking ginagawa sapagkat ako'y nagagagaya na sa aking ama.

Dahil naman kay mama ay huminahon agad ako at medyo natuwa dahil buhay pa pala siya. Agad kong binitawan ang kwelyo ng lalaking binubugbog ko at lumapit ako kay mama.

"Ma… Mama," naluluha't malapit nang mabasag ang boses na pagsambit ko.

Gusto ko pa sanang muling magsalita ngunit bigla akong hinampas ng malaking paso sa likuran ng aking ulo.  Napatumba naman ako't nagpaikut-ikot pa sa sahig dahil sa sakit. Nang muli kong naidilat ang aking mata ay nakita ko ang russian na lalaki.

Dahil sa pagkahina ko'y nalapitan na ako ng mga lalaki at pinagsisipa't pinagsusuntok ng mga ito. Hanggang sa nawalan na lamang ako ng malay pero bago pa ito mangyari ay tumitig ako sa russian na kasama sa gumugulpi sa akin.

"Pa… papatayin ki… kita," ang mahina't huli kong pagbanggit.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon