Chapter 33: Getting out from the basement

5 0 0
                                    

""Christine""

I will never forget this moment.

The gate creaked, the wind touched my cheeks, and the grass rustled. Finally, nakalabas na din kami.

"Susunod din ako. May kailangan lang akong gawin," biglang sabi sa amin ni Axl.

He went back sa malaking bahay at hindi na rin namin siya pinigilan. We know that it's hard for him to know na ang kuya niya ang nasa likod ng lahat ng ito. Dumiretyo na rin kami at nagmadaling makalayo dahil malamang... Axl won't come back anymore.

Para kaming nasa gitna ng isang gubat. Puno ng matatayog na trees, different plants, dried leaves, at mga naghiwahiwalay na twigs. Yun na rin siguro ang rason kaya mahangin at walang ibang mga taong nakakaalam ng lugar na ito. Kahit paika-ika si Zeph at puno ng sugat si Creed ay binilsan pa rin namin ang paglalakad. Kahit tapos na ang game at nasa labas na kami ng malaimpyernong basement na yun ay feeling pa rin namin na kahit anong saglit ay may makakahabol sa aming nakamask.

"Sooo... what are your plans?" ang tanong ko sa kanilang dalawa habang tinatapakan namin ang mga nadudurog na tuyong dahon sa aming nilalakaran.

"Anong ibig mong sabihin?" sumagot ng patanong si Zeph.

"Ngayong nakalabas na tayo at tapos na ang lahat, ano ang una niyong gagawin?" pag-uulit ko sa question ko.

"Bukod sa magsumbong sa mga pulis at idagdag sa schedule ang mahabaang therapy from a psychiatrist, ano pa ba?" muling kasagutan ni Zeph habang patuloy pa rin kami sa paghahanap ng malalabasan sa napakalawak na kagubatang ito.

"Siguro imimeet ko yung parents ni Coleen. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyari," pagpapatuloy niya.

"How about you Creed?"

Hindi sumagot siya at lumingon lang saglit sa akin bago yumuko.

Ilang segundo ding tumahimik ulit ang paligid bago nagsalita si Creed.

"Sa oras na makapunta tayo sa pinakamalapit na lungsod dito, panigurado ibabalik kaagad nila ako sa presinto."

That's when I realized na yung suot ni Creed—kahit puno ng dugo—ay uniporme pala ng isang prisoner.

Nagulat kaming pareho ni Zeph kaya agad namang kwinestyon ni Zeph si Creed.

"Oo nga noh. Bakit ka naman nakulong?"

"Pinatay ko ang tatay ko habang pinapatay niya ang nanay ko," seryosong sagot ni Creed.

Tumigil saglit ang usapan bago muling sumagot si Zeph.

"Wag ka mag-alala, alam ko yung sakit," Zeph replied nang may halong pagkalungkot sa mukha.

Bago nagsimulang magkwento si Zeph ay binagalan muna namin kahit papaano ang paggalaw para mas maintindihan ang mga sasabihin niya.

"Jeremiah has been abducting different people since 2001. Iba't ibang age, sa iba't ibang lugar, at kada taon iba't iba ang amount ng victims. Sa season ko? Isang buong fast-food restaurant ang biniktima nila, including my whole family," kahit namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata ay nagpatuloy siya.

"Nang nasa basement na kami, lahat ng mga bata ang ginamit nila sa ritual. Kasama doon ang bunso kong kapatid. Halos malunod sa sariling pag-iyak si mama nun. Tapos si papa ay natunganga habang nakatitig sa pugot na ulo ng anak niya. By the way, birthday pa ng kapatid ko nun kaya kami nagsama-sama sa labas at kumain sa restaurant. Ginawa yun ng magulang ko para magmukhang ayos lang ang lahat  sa pamilya namin kahit ang totoo ay sirang-sira na ang lahat. Hindi ako gusto ng magulang ko, ang atensyon lang nila ay para sa kapatid ko. Pero ni minsan hindi ako nagalit o nagselos sa kanya, mahal na mahal ko yun. Ang totoong magkagalit sa amin ay ang nanay at tatay ko. Lagi silang nag-aaway at nagsusumbatan. Nagfile nga ng divorce papers si mama at ilang linggo na lang ay maghihiwalay na sana sila. Pero hindi natuloy yun kasi kami ang naging season 5 housemates. Tapos nung nakita nila na patay na ang paborito nilang anak at narinig na kailangan nilang pumatay para makalabas sa maze, agad na sinuntok ni papa si mama na agad nitong ikinatumba. Kumuha siya ng kutsilyo na itutusok na sana niya sa dibdib ng nanay ko pero agad ko siyang nasaksak at naitulak. Nung tutulungan ko nang tumayo ang mama ko, sinunggaban niya ako bigla at sinakal na parang hindi niya ako anak—na para bang nakikita niya sa akin ang itsura ni papa. Wala akong nagawa kundi patayin ang sarili kong magulang at ang iba pang housemates nun para mabuhay," pinunasan ni Zeph ang luha niya at lumingon kay Creed.

"Kaya Creed, hindi kita huhusgahan, ako nga dapat ang husgahan niyo eh," ang pagdugtong ni Zeph.

Pagkatapos magsalita ni Zeph ay pinilit na lang niyang ngumiti nang bahagya at itigil ang pagpatak ng mga luha niya.

"No. Si Jeremiah, si Zachariah ang dapat na sinisisi natin ngayon. Siya ang nasa likod ng lahat ng ito," pagpapalubag loob ko sa kanila.

Isang pilit na ngiti ang isinagot nilang dalawa.

Binilsan muli namin ang paglalakad hanggang mula sa malayo ay nasisilayan na namin ang kalsada. May mga kunting truck din na dumadaan. At ang pilit na ngiti namin ay naging totoo. Naexcite kaming tatlo at mas nagmadali sa paggalaw. Kahit na papipilay-pilay si Zeph na nakaakbay sa amin ni Creed ay para bang nabuhayan siya at nagkalakas nang nakaramdam siya ng pagkatuwa sapagkat sawakas ay magiging malaya na kami.

Nag-iyakan kaming lahat dahil sa sobrang saya lalo pa nang nasa gitna na kami ng kalsada at iwinawagayway ang aming mga kamay upang makatigil ng mga sasakyang dadaan.

"Hahahahahahaha," tawa kami nang tawa habang patuloy lang sa pagluha lalo na't ngayon ay nakakaramdam na kami ng kaligtasan.

Mga sampung minuto rin ang hinintay namin bago may muling dumaan na truck. Nagmabuting loob ang driver at isinakay kami.

"Anong nangyari sa inyo?" pagtatakang katanungan ng driver.

Nagpakawala lamang kami ng isang malalim na buntong hininga at mas nilawakan ang ngiti.

"Salamat po sa pagsakay sa amin," ang mahinang banggit ni Zeph habang binabandage ko naman ang sugat niya.

"Thank you rin po dito," ang pasasalamat ko naman sa driver para sa first aid kid box na ibinigay niya sa amin.

Tumawa naman nang bahagya ang driver at mas binilsan ang pamamaneho papunta sa pinakamalapit na hospital.

"Alam mo naaalala ko sayo si Doc," sambit sa akin ni Zeph.

"Sino yun?" pagtataka ko.

"Nung nakakulong ako sa lugar na yun, siya ang doktor na laging naggagamot sa mga sugat at sakit ko. Siya rin ang nag-iisang tao sa basement na napakabait. Nasaan na kaya siya ngayon? Sana walang masamang nangyari sa kanya," ang eksplenasyon ni Zeph.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon