Chapter 24: ROOOAAARRR

6 0 0
                                    

""Zephaniah""

"At the top of my lungs in my arms she dies, she dies. At the end of the world or the last thing I see, you are never coming home, never coming home. Could I? Should I?" katulad ng lagi kong ginagawa ay kumakanta nanaman ako ng My Chemical Romance song sa loob ng clinic kasama si Doc.

"And all the things that you never ever told me. And all the smiles that are ever gonna haunt me. Never coming home, never coming home. Could I? Should I?"

"Ang ganda ng boses mo pero wala ka bang ibang alam bukod sa mga pangrakistang kanta?" tanong sa akin ni Doc habang isinusuot ang stethoscope nya.

"Ang ganda kaya Doc. Ang boring boring ba naman dito, syempre yung nakakalift up tapos maeenergize ako di ba?" sumasayaw sayaw pa ako at gumigiling habang sumasagot sa kanya.

"Wag kang magulo," sambit naman ni Doc nang biglang bumukas ang pintuan at may ipinasok ang isang guwardya na batang babae.

"Nandito na ang season 9 survivor natin."

Nagulat ako sa sinabi ni Doc at nacurious agad sa kung sino ba ang nanalo this season. Mukha siyang fourteen or fifteen years old tapos takot na takot. Halos hindi pa siya lumapit kay Doc at nanginginig ang mga braso nya.

Agad naman akong nagpakilala para kahit papaano'y maging komportable siya.

"Hello. Ako si kuya Zephaniah mo, kuya Zeph na lang for short. Wag ka matakot sa akin, nakakulong din ako dito. I'm the season 5 survivor ng game. Yun na lang muna sasabihin ko sa sayo ah," kasabay ng aking pagngiti.

Kahit papaano ay napatingin na siya sa amin at ngumiti nang bahagya.

"Wag ka din matakot kay Doc. Pwede mo siyang tanungin ng kahit anong gusto mong malaman, except sa pagmumukha ni Jeremiah kasi hindi nya rin alam. Hindi din yan nananakit, tuturukan ka lang ng ganitoooooo kahabang injection," pabiro kong pagpapatuloy.

"Itigil mo yan Zeph, baka hindi na bumalik yang bata dito sa clinic kasi tinatakot mo," sagot ni Doc na tumawa pa nang kaunti.

"Kantahan na lang kita, gusto mo? Para hindi ka na matakot," muli kong sambit sa bata.

"Pero teka teka nga lang, anong pangalan mo?"

"Le—Leona," ang sagot nya habang dahan-dahan siyang pinapaupo ni Doc sa kabilang kama.

"Nice to meet you Leona," sabay naming sinabi ni Doc.

Nagsimula ulit akong kantahin yung kinakanta ko kanina hanggang sa natapos na si Doc sa pagcheck up kay Leona. Hindi siya pumiglas at mukha namang nabawasan ang takot niya dahil sa maluwag na pagtanggap namin ni Doc.

Naalala ko ang kapatid ko kay Leona. Mas bata yung kapatid ko pero parehas sila kung matakot, nanginginig lagi yung mga braso. Lagi ko siyang niyayakap noon sa tuwing ganun ang nararamdaman nya kaya naman sa mga sumunod pang araw, tuwing nakakasabay at nakikita ko si Leona sa clinic ay sinisigurado kong napapagaan ko ang loob nya at napapangiti siya.

Hindi ko alam kung mabagal ba o mabilis na dumadaan ang araw dito basta feeling ko sobrang tagal na simula nung unang beses na nakausap ko si Coleen at ngayon ay napakakomportable na nyang makipagusap sa akin. Nasabi na nya sa akin ang halos lahat ng bagay tungkol sa kanya. Kung gaano siya kasikat sa school nila di lang dahil maganda siya kundi dahil kamukha nya rin ang teacher nya, at madami pang  ibang bagay na konektado sa kanya.

Isang araw, nang nakabalik si Coleen pagkatapos nang pagpunta nya sa clinic ay ikwinento nya agad sa akin ang mga sinabi sa kanya ni Doc.

"Sa araw kung kailan magsisimula ang season 10 ay magkakaroon daw ng international gathering ang lahat ng members ng cult, that includes most of the guards here," ang ekplenasyon sa akin ni Coleen.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon