Chapter 29: Season 8

7 0 0
                                    

Nilinisan nila ako at inalagaan. Ilang beses ko sinubukang tumakas pero hindi ako makaalis. Malaki daw ang parteng gagampanan ko dito kaya kailangan kong matuto.

Sa ilalim ng isang tagong kumbento sa Roma, sapilitan nila akong isinama sa kanilang paglipad at doon ay may lihim muli silang pasilidad. Napakalawak din pero hindi kasing aliwalas ng nasa Pilipinas. Para akong nasa loob ng isang lumang kastilyo. Makaluma ang disenyo ng bawat impastraktura tapos walang pintura bukod lamang sa mga pader na may mga nakaguhit na baliktad na krus, gamit ang dugo ng tao. Ang liwanag lamang sa loob ay mga lampara at sulo na sinindihan ng apoy, kaya madilim pa rin ang ibang parte ng lugar. Ang sumalubong naman sa akin ay ang mga taong nakamanto at nakatalukbong ang mga ulo kasabay ng mga sinasabi nilang hindi ko maintindihan. Dahil nga nasa Roma kami, ang salitang gingamit nila ay Latin. Para bang nakatingin silang lahat sa akin at isinasagawa ang isang ritual. Nang nakaabot na kami sa gitna ng lugar ay pinaluhod ako ni Doc sa sentro ng mga taong nagsisimula ng seremonya. Sa sahig kung saan ako napalapag ay may nakaguhit na bilog at bituin sa gitna at iba't iba pang simbolo. Pinahidan nila ng  dugo ang aking noo. Ginuhitan nila ito ng parehas sa baliktad na krus na nasa mga pader. Matapos ang ilang minuto ay dinala naman nila ako sa isang madilim na selda. Ikinulong nila ako at doon ay paulit-ulit na pinatugtog ang iisang ritual. Hindi nila ako pinakain ng ilang araw at yun lamang ang naririnig ko. Akala ko ay doon na matatapos ang hirap na maabot ko pero hindi pa pala.

Pinilit nila akong ipinaniwala sa kanilang kulto, sa kanilang relihiyon. Araw araw akong pinabasa ng mga libro habang may lalaki sa aking likuran upang idililat ang mga mata ko at itutok ang ulo ko sa iisang direksyon para wala akong ibang makita at magawa kundi basahin ang libro nang malakas dahil kung wala silang maririnig ay muli nila akong ikukulong sa loob ng seldang may iisang ingay lang na mapakikinggan. Tinuruan din nila ako ng latin habang nakatali ang mga kamay at pilit na hinihila sa magkabilang direksyon na kung sakali mang magkamali ako ay mas lalo itong lumalala. Ako rin ang inuutusan upang pumatay sa mga batang kinukuha nila upang gawing alay. Pagkatapos ay ipapainom sa akin ang dugo nito at ihahain ang ulo ng bata upang kainin ko hanggang sa bungo na lamang ang matitira. Ang bungong ito ang ituturok nila sa isang mahabang kahoy at itatabi sa iba pang mga bungo.

Ilang taon akong nandoon upang magsamba kay Dominus Daemonium at sa bawat taon na yun ay mas dumadami ang mga patakaran sa Jeremiah's Basement. Mas lalo nila itong inaayos para mas madami pang taong manood ng reality show na yun.

Hanggang sa isang araw, ang lahat ng mga dati kong paniniwala ay nabura na't napalitan ng bago.

Dominus Daemonium ang pangalan ng panginoon ko at wala akong ibang gagawin kundi sundin ang iniuutos ng mga nakakataas sa kulto, kabilang na dun si Doc.

"So Zachariah, are you ready to be the next Jeremiah?" ang tanong sa akin ni Doc.

"Yes," ang walang emosyon kong sagot.

"Think of this as a gift," sambit nya kasabay nang pag-abot sa isang maskarang may voice changer sa loob.

Kaya pala magkaiba ang boses ni Doc kapag nakasuot ang maskara at kapag hindi.

"Ngayon ay may pagkakataon ka nang bumawi sa mga taong nakagawa sa iyo ng kasalanan. You'll be the one to handle the show this year at sa mga susunod pang taon," ang pagpapatuloy nya.

Bumalik kami sa Pilipinas at simula ng araw na yun ay ako na si Jeremiah James, ang tagapamahala ng basement.

Kasama sa pagkakaroon ng pribilehiyong ito ang kapangyarihang lumabas. Tagung-tago ang sarili ko at nakahoodie, habang umiiwas sa mga taong pwedeng makakita sa akin. Ganito lagi ang sitwasyon sa araw araw na lihim kong pagbisita sa dati naming tahanan.

Doon ay nakita kong muli si Shina, nag-aalay ng mga kandila at bulaklak. Sa tuwing pumupunta ako para mapagmasdan ang bahay namin ay nandoon siya. Walang araw na hindi ko siya nakita.

Hanggang sa mas lumalapit pa ang pagsisimula ng season 8 ng Jeremiah's Basement kaya naging abala ako. At nang dumalaw ulit ako para makita ang bahay at si Shina ay huli na ang lahat. Nakit ko siyang may kahalikan. Umalis agad ako at napuno ng galit ang pakiramdam.

ALAM KO NA KUNG SINO ANG MGA MAGIGING BIKTIMA NG LARO NGAYON.

Ilang araw ang lumipas at nagsimula na muli ang reality show. Inutusan ko ang mga tao kong nakamaskara upang pagpapatayin ang karamihan sa recollection kung nasaan si Shina at itira ang iba para gawing housemates ng basement.

Tumungo kami sa lugar ng pinagrerecollectionan nila. Nagsimula na ang pagpatay at nasa loob lamang ako ng kotse, nakikinig sa mga napakagandang sigawan at iyakan. Lumuob na lamang ako nang nakarami na sila sa mga napaslang.

Sa loob ay nakita kong muli si Shina, galit ako sa kanya pero di ko maiwasang tumitig sa kanyang mga mata. Nang pinagsasaksak na sya ng isa sa mga nakamaskara mula sa kanyang likod ay nawala ang lahat ng galit ko.

Nanlaki ang aking mga mata, tumakbo palapit sa kanya, at tinanggal ang maskara ko.

Sa mga segundong yun, pinagsisihan kong nagpadala ako sa aking galit, lalo na't mahal ko pa rin si Shina.

Doon ko lamang napagtanto na tiniis ko ang lahat ng pagdurusa ko sa Roma para lamang sa iisang pangarap, yun ay ang muling makita si Shina at makayakap siya nang mahigpit.

"Gising Shina. Nandito na ako. SHINAAAAAA!!!" ang aking sigaw habang binabalot ang mga braso ko sa duguan nyang katawan.

Binuhat ko siya at dinala sa loob ng kotse ko. Pinalibing ko siya ng maayos sa aking mga utusan habang ako naman ay nagtungo muli sa tapat ng bahay namin. Wala akong pake kung ang puting suit na suot ko ay puro dugo at kung makita man ako ng mga tao sa paligid, hindi rin naman nila ako pinansin.

Napaluhod ako kasabay ng pag-iyak nang nakita ko ang isang pigurin na gawa sa kahoy. Si Shina at ako ang nakaukit dito.

Naalala ko tuloy nung nagtalo kami dati sa kung anong sahig ba ang gagamitin namin kung sakaling nakatira na kami sa iisang bahay.

"Tiles dapat para mukhang sosyal!" pagtatanggol nya sa kanyang argumento.

"No, wooden floor dapat. Mas magandang tignan tapos mas safe kung sakaling madapa anak natin," ang sagot ko naman.

"Fine," napangisi siya saglit at namula ang mukha.

"Anak pala ha. So ilan gusto mong maging anak?" pagpapatuloy nya.

Puno kami ng tawanan nun pero ngayon ay hinagpis na lamang ang nasa kalooban ko.

Matapos ang ilang minutong pagluha ay parang naubos ang aking emosyon. Naging blangko ang aking utak. Nawala ang aking pakiramdam.

Ang gusto ko na lamang gawin ay makabawi sa taong dahilan kaya hindi ko nakapiling si Shina.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon