Chapter 27: Unmasked

14 0 0
                                    

""Jeremiah""

"…at yung malaking pintuan sa bandang dulo, dun lang sila makakalabas dahil ang pader doon ay pwedeng buksan mula sa controller room," ang sambit ko habang kausap si Doc.

Pagkalabas ko ay agad akong bumalik sa aking opisina at pinanood ang mga CCTV sa basement. Madalas na walang nangyayari sa baba pero may mga araw na gustong-gusto ko.

"Aaaahhh. It's been a long time since someone tried to escape, namiss ko na ding magparusa, buti na lang sinubukan mo," pinipisil ko ang pisngi at mukha ng isang lalaking nahuli ng mga guwardya kagabi na nagpumilit tumakas.

Pinabalot ko ng duct tape ang lalaki habang sumisigaw sya ng pagmamakaawa.

"The scream of terror and pain, music to my ears."

Sa mga ganitong araw ako napupuno ng saya.

Habang ang ibang survivors ay nakakadena at nanonood sa amin ako nama'y napakalawak ang ngiti sa likod ng maskara.

Parang ako lang ang tao sa buong kwarto. May hawak na laruan at katulad ng isang bata ay sinisira ko ito. Pero hindi ako iiyak dahil nasira na ang nilalaro ko, matutuwa ako dahil ang pagkasira ang dahilan ng pagiging perpekto nito. Kapag mas madami itong sugat, mas gumaganda lang to lalo. Kapag mas masakit ang nararamdaman nito, mas nagiginhawaan ako. Kapag mas madaming dugo ang dumadanak sa katawan nito, mas nagiging malinis. Napakasarap sa pakiramdam ang mahawakan ang malalalim nyang sugat. Walang humpay na kaligayahan ang dumadaloy sa bawat ugat ko lalo na kapag sumisigaw na siya't humihingi ng pagpapatawad o tulong, pero walang tatalo sa musikang binibigay ng paghihingalo't huling paghinga ng laruan ko.

Malapit nang mamatay ang lalaking itinali namin ng patiwarik. Ang kailangan na lang ay maubos ang dugo nyang bumubuhos mula sa malalalim at hilaw nyang sugat na aking iniukit sa kanyang balat.

Pagkatapos ng araw ng aking pagpaparusa, muli nanamang nakakabagot ang mga susunod. Magbabantay sa opisina, manonood sa mga monitors ng CCTV, babasahin ulit ang lahat ng pahina ng cult book namin para mas maging bihasa sa pagsasamba kay Dominus Daemonium lalo na't nalalapit na ang pagsisimula ng season 10. Kaya pinahanda ko na ang lahat ng aking utusan sa pangunguha ng mga biktima ngayong taon.

At sa gabi bago ang hinihintay kong araw ay nagkaroon ng pagbabago sa mga nangyayari sa basement. Lumabas si Zephaniah sa kanyang kwarto kaya agad kong tinawagan ang isa sa mga guwardyang nakakakita sa kanya.

"If he tries to run, take him into the room."

Akala ko'y kakaripas siya ng takbo nang naiapak na nya ang kanyang mga paa sa sahig ng hallway, pero hindi. Pumunta siya sa harap ng pinto ng babaeng kamukha ni Shina, hinawakan nya ang kamay nito at sabay silang dahan-dahang pumasok sa kwarto nya.

Ano kaya ang mga nangyari sa gabing yun?

Naalala ko tuloy ulit si Shina noong kami'y magkasama pa.

Kinaumagahan nang matapos kunin ang mga manlalaro sa taong ito ay ipinapasok ko na sila agad sa maze at pinapwesto sa gitna ng kitchen. Ilang minuto pa lamang na nagsimula ang reality show ay naabot agad namin ang pinakamataas na rating sa dami ng mga viewers.

Abot tenga ang ngiti ko sa panonood sa aking mga laruan na nagpapatayan para sa kanilang mga buhay. Kahit ano pa ang paraan ay ginagawa nila para lamang makalaya. Lalo na si Leona na mukhang sabik na sabik pumatay upang makaalis lamang dito kasama ang bata sa kanyang sinapupunan. Pagsaksak, paghiwa, pananakal, pagbasag ng bungo, pagputol sa iba't ibang parte ng katawan, at napakadami pang iba ang napagmamasdan ko. Para bang isang fiesta ang nangyayari sa maze ngayon. Nagsisitayuan ang aking mga balahibo sa kagalakan na nararamdaman.

Damihan nyo, damihan nyo pa. Magpatayan pa kayo.

Mayamaya pa'y sa isang monitor ay makikita ang mga nakakulong na lumabas sa kani-kanilang kwarto at naglibot sa buong lugar para isa-isahing sirain ang mga CCTV.

"Silly me. I forgot to play the music," ang aking sambit bago binuksan ang pintuan ng aking opisina.

Sa aking pagbalik ay nasa loob na ang mga natitirang survivors sa kwarto na nasa ibaba ko lamang.

"Welcome to Jeremiah's Basement, Battle of Survivors," ang aking sambit nang napansin na nilang wala silang dadaanan palabas.

"Isn't this fun? A reunion of survivors from different seasons. Now we'll get to know who's more willing to live," tumawa muna ako nang bahagya bagi nagpatuloy.

"Kill each other. Use any of the weapons at the top of the table and be creative. Welcome to the Jeremiah's Basement, Battle of the Survivors. Have fun staying and God bless you all," pagtatapos ko.

Agad na humarap si Axl sa mga camera at nagsisisigaw sa akin. Galit na galit siya at hindi makontrol ang kanyang emosyon.

"YOU F*CKING PSYCHO! JUST LET US GET OUT OF HERE! I'M SICK WITH THIS SH*T. I CAN'T KILL ANYONE AND I CAN'T TAKE SEEING ANOTHER OF MY FRIENDS DIE ANYMORE! SO JUST LET US GO."

Pinagbabato nya ang mga camera hanggang sa wala na akong nakikita at naririnig pa sa mga monitor. Mabuti na lamang na kahit ganon ay maririnig ko pa rin ang kanilang sigaw sa pamimihagti at sakit sapagkat sila'y nasa ilalim ko lamang.

Dinig na dinig ko mula sa ibaba ang iyakan at pagkadismaya ng mga nakulong sa kwarto. Ang sarap pakinggan. Pero kahit pa ganon, mga iyak at sigaw lamang ang naririnig ko, hindi ang kanilang mga usapan.

Mga ilang minuto din akong paikut-ikot habang nakaupo sa aking upuan. Tumatawa at masayang naghihintay ng mga hiyawan at paghagulgol, ngunit hindi ko ito narinig. Hanggang sa nakita ko ang patalim ng isang chainsaw na lumalabas sa sahig ng aking opisina.

Nataranta ako at agad na inutusan ang mga guwardya upang magpunta sa kinakukulungan nila.

"ALL GUARDS AND PERSONNEL, PUNTAHAN NIYO ANG MGA SURVIVORS. THEY ARE TRYING TO ESCAPE!!!"

Nakahawak ako sa aking nananakit na ulo at maglalakad na sana palabas nang nakaakyat si Zephaniah.

"Coleen! Pull yourself together. Hindi inialay ni Carl ang buhay nya para mamatay tayong lahat dito," ang sigaw ni Zephaniah kay Shina.

"Sabi ko sayo, sabay tayong  makakalabas dito eh," kasunod nyang banggit.

Nakita ko ang pagkapit ng kanilang mga kamay at ang malawakang pagkagulat ng mukha ni Zephaniah. Nang itinaas na nya ang katawan ni Shina ay nahiwa na ang kanyang pang-ibabang parte at puno ng dugo. Niyakap nya ito't sumigaw habang umiiyak. Puno ng hinagpis si Zephaniah habang hinahalikan si Shina.

MALI. HINDI SIYA SI SHINA,  SIYA SI COLEEN, ESTUDYANTE LANG SIYA NI SHINA.

Nagbalik sa aking alaala ang araw na nawalan ng buhay si Shina sa aking mga braso.

Nanghina ang aking mga tuhod at napatumba. Narinig naman ni Zephaniah ang pagkalabog ko. Mabilis nya akong pinaibabawan at pinagsusuntok. Sa likuran nya ay nakaakyat na din si Axl sa opisina. Napahinto na lamang si Zephaniah sa pagbugbog at paninigaw nang tuluyang nasira ang aking maskara at natanggal ang pagkakatakip nito sa aking mukha.

"ZACH?!" ang gulat na sambit ni Zephaniah.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon