Chapter 8: What a hellish place to have a reunion

11 1 0
                                    

"Carl, Carl!"

"Gising Carl. Dali!"

Medyo malabo pa ang paningin ko at hindi pa din ganun kalakas ang aking pandinig pero naaaninag ko ang dalawang babaeng pilit akong ginigising. Medyo naririnig ko din ang boses nilang may bahid ng pagaalala. Inalalayan nila akong makaupo upang makabawi ng lakas. Hinawakan ko ang likuran ng aking ulo at nakapa ang sarili kong dugo. Nagkasugat ito dahil sa pagkahampas sa akin.

Nang malinaw na ang mga nakikita at naririnig ko ay nakilala ko na rin kung sino ang mga babaeng tumulong sa akin. Si Minalyn at Donna, ang dati kong mga kaklase. Nakatayo naman sa tabi nila ang iba pa naming kaklase, sila Christine at Yna. Mula sa di kalayuan ay makikita ang iba pang mga kabatch mates namin. Doon ay nagsimula akong magtaka at magtanong sa aking sarili.

"Nasaan ako?"

Isang napakalawak na lugar. Napakadaming pasikot sikot. Pareparehong imahe sa pader, dingding, at sahig.

Yung maze na nasa laro ng phone ko, kamukhang kamukha ng lugar na ito.

"Naaalala ko itong buong lugar. Nasa game ito na bigla na lang na install sa phone ko," biglang sambit ni Mina.

Agad na napalingon si Donna sa kanya at nagtatakang nagtanong, "Game?" 

"Oo. J-Basement Beta," sagot naman ni Mina.

"Naginstall din nang kusa yang game na yan sa akin. Akala ko ako lang ang nakapaglaro nun dito."

Nakakunot ang noo ni Donna at puno pa rin ng kwestyon ang itsura nya bago nagpatuloy, "Wag niyo sabihing, lahat tayong nandito ay…"

"Ay nilaro ang parehas na app. Ibigsabihin nun ay binigyan na tayo ng kung sino man ang namumuno sa lugar na ito ng invitation card para makulong dito," napahinto sa pagsasalita si Donna nang biglang itinuloy ni Christine ang mga salitang nais nya sanang bitawan.

"Ang pinagkaiba lang ay dinownload ko nang kusa yung laro," banggit ko sa kanila.

Nagtinginan silang lahat sa akin matapos kong magsalita.

"Yep. Nakita ko lang yung app. sa Facebook. Pagkatapos ay dinownload ko. Akala ko nung una, lahat ng players ng game ay random people lang na nagdownload nun. Pero ngayon ay mas naging malinaw na ang lahat sa akin."

Nakatitig lamang silang apat sa direksyon ko at nakikinig nang mabuti sa bawat salitang binibitawan ko.

"The second time na nilaro ko yung game, may 70 players na sa loob nung maze. Yung 70 players na yun ay lahat ng mga estudyanteng hindi nakasama sa recollection natin two years ago. 12 students sa mga yun ay patay na dahil bago pa lang natin nilaro yung game ay kilala na nila tayo at kung saan tayo nakatira. Kaya nung pumatay ako ng isang player sa game ay nagawa din nilang patayin at iposisyon ang katawan nito sa totoong buhay. Ang bawat isa sa atin ay plano na talaga nilang dalhin dito. The remaining survivors of batch 2018-2019."

Huminto ako saglit at huminga nang malalim bago nagpatuloy.

"The survivors of the recollection massacre."

""Welcome to Jeremiah's Basement"" 

Naputol ang usapan namin nang biglang may boses kaming narinig. Sa buong maze ay maririnig ito.

""I am Jeremiah James. And all of you are now my housemates. You all will be living in my basement for the rest of your short lives.""

"Basement?" bulungan ng lahat na nasa maze.

Pati rin ako ay nagulat nang sinabi nyang nasa basement lang kami. Masyado naman yatang malawak at malaki ang lugar na ito para maging basement lang.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon