Chapter 26: Helena

7 0 0
                                    

""Use any of the weapons at the top of the table and be creative. Welcome to the Jeremiah's Basement, Battle of the Survivors. Have fun staying and God bless you all"" ang mga huling salitang binanggit ni Jeremiah.

Sa sobrang galit ni Axl kay Jeremiah ay pinagmumura nya ito habang nakatingin sa mga camera sa bawat sulok na mayamaya pa'y pinagbabato nya ng patalim hanggang sa masira ang mga ito. Wala nang natira pang pwedeng pagpanooran si Jeremiah dahil sa ginawa ni Axl. Hindi na rin nya maririnig ang kung ano mang nangyayari dito sa loob. Para bang hindi niya ginawa ito para sa mga nanonood ng show o pera na makukuha nya, ginawa nya to na para sa katuwaan nya lang at parusa sa aming lahat. Eto na siguro yung laging sinasabi sa amin ni Jeremiah na "we're part something much bigger".

Nadismaya kaming lahat sa naabutan namin dito sa loob at walang ibang ginawa kundi ang magpahinga at sumandal sa mga pader.

"There should be another way out. Hindi natin ginawa lahat ng yun just to get stuck again in another room!" pabalikbalik na naglalakad si Coleen at kanina pa nag-iisip.

"Narinig mo naman yung sinabi ni Jeremiah di ba? Gusto nyang magpatayan ulit tayo. Ang pinagkaiba lang ay walang maze dito para makapaglaban tayo sa isa't isa nang mas maayos at mas malawak. Tapos yung mga binigay na gamit sa atin ngayon ay mas madami at mas iba-iba. May pa "be creative" pang sinabi si Jeremiah. T*nginang yan," sagot ni Carl.

Si Axl naman ay nakaupo lamang at nakatingala. Pagod na pagod siya matapos ng ginawa nya at mukha rin siyang nagdurusa pa rin sa pagkawala ng kapatid nya at ni Leona.

Lahat kami ng nasa room ay nakaupo lang. Walang ni isa ang may lakas na loob para lumapit sa lamesa at kumuha ng sandata. Pagod na kaming magpatayan pa at mukhang mas pipiliin na lang naming mamatay kaysa sa makapatay.

~Long ago
Just like the Hearse you die to get in again
We are so far from you~

Kanina pa din tumutugtog ang mp3 player ko na siyang nag-iisang maririnig kapag walang nagsasalita sa amin.

~Burning on
Just like the match you strike to incinerate
The lives of everyone you know~

Sinubukang tawagan ni Coleen sila Christine gamit ang walkie nya.

"Nasaan na kayo?

"Tinataguan ang mga guwardyang palibot libot. Tatawag kami kapag nakaabot na kami doon," sagot naman ni Creed

Ibigsabihin nun ay hindi pa din pwedeng maituloy ang plano namin. Sapagkat hanggat hindi sila nakakapunta sa room na sinasabi namin ay mawawalan na nang tuluyan ng saysay ang pagtakas namin.

~And what's the worst you take
From every heart you break?
And like the blade you'll stain
Well, I've been holding on tonight ~

Napagod rin sa paulit-ulit na paglalakad si Coleen at umupo sa tabi ko bago nya isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Bakit dito tayo sa pinakalikod umupo?" tanong ni Coleen.

"Gusto mo makipag sisikan sa iba doon tapat?" nakangiti kong sagot.

"Wag ka ngang ngingiti-ngiti dyan! May problema tayo," irita nyang sambit.

"Hanggat magkasama tayo, walang problema ang di ko kayang kalimutan," kasabay ng pagtawa naming pareho.

~What's the worst that I can say?
Things are better if I stay
So long and goodnight
So long and goodnight~

"Sila Creed na lang pag-asa natin ngayon," biglang banggit ni Coleen habang mas humihigpit ang yakap nya sa aking braso.

"Paano kung hindi sila makarating sa room sa sinasabi nyo?" tanong ni Carl.

Jeremiah's BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon