01

210 11 1
                                    

"Oh Seah, Erika!" Napalingon kaming dalawa ng kaibigan ko nang may tumawag sa'min. "Buti naka abot kayo, nand'yan na si Captain."

"Gosh ang traffic kasi, look oh nahagard ako sa pag dridrive." Reklamo ng kaibigan kong si Erika.

Siya kasi ang nag drive mula sa bahay hanggang dito sa airport, kotse niya ang gamit. Flight attendant kami dito sa Philippine Airlines. Ngayon, may flight kami papuntang Japan, may layover kami ng tatlong araw.

"Hindi naman, arte lang 'yan. Tara na." Ani ni Lyn tsaka nag simulang lumakad papunta doon sa ibang kasama namin.

Sumunod nalang kami ni Erika. Wala ako masyado sa mood ngayon, hindi ko alam kung bakit pero sana mamaya sa flight ay maayos na.

Nag discuss lang ang piloto kung ano ang dapat gawin at ibang importanteng bagay bago kami pumasok sa loob ng eroplano. Kanikaniya kaming gawain.

"Tahimik ka? Anong meron? May problema ka?" Tanong ni Lyn sa'kin nang makalapit siya.

"Jusko, wala lang siya sa mood." Singit ni Erika.

Maya-maya ay pumasok na ang mga pasahero, ako ang naka assign na mag welcome sa kanila.

"Good day Ma'am, Sir, welcome on board." Binati ko sila ng may ngiti sa labi, hindi iyon peke.

Kapag talaga nag wewelcome ako ng mga pasahero kahit anong pagka wala ko sa mood, sumasaya ako.

"Look Mommy, flight attendant." Napatingin ako don sa batang nag salita, naka turo siya sa'kin habang nakangiti sa Mommy n'ya.

Cute.

"Hello baby, welcome. Welcome on board Ma'am." Bati ko sa kanila.

"Thank you Miss." Ngumiti sa'kin ang Babae tsaka yung anak niya bago tuluyang pumasok ng eroplano.

Nang makita ko ang susunod na pumasok ay para akong naestatwa, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang ngiti at saya sa muka ko ay napalitan ng gulat. Sino ba namang hindi magugulat kung siya ang makikita mo?

"Hindi mo ba ako babatiin?" Natatawang tanong n'ya nang makita ang muka ko.

"Welcome on board Sir." Bati ko sa kaniya tsaka magandang ngumiti.

Nagulat pa ako nang makitang kasunod niya ang ibang member at staff. Gez, SB19 'yon. Omg kinikilig ako.

Nang makapasok na lahat ng pasahero ay tumingin ako kay Erika na halos mapunit na ang labi sa lawak at ganda ng ngiti. Parehas kasi kaming A'tin, fan kami ng SB19.

"Bakla totoo ba 'to? Sampalin mo nga ako." Sabi sa'kin ni Erika, hindi ko siya kayang sampalin kaya kinurot ko nalang siya.

Maya maya lamang ay nag salita na ang piloto upang mag handa na kami para sa take off. Magkalamit kami ni Erika ng upuan, lagi naman kapag mag kasama kami sa flight.

My favorite thing kapag nasa eroplano ako is take off, parang may butterfly sa tiyan ko. Habang nag tatake off ay nakita ko 'yung bata kanina, kinakabahan siyang naka tingin sa Mommy n'ya.  Nang tumingin ang bata sa unahan ay nagkasalubong ang tingin namin, ngumiti ako sa kaniya at ganon din naman siya sa'kin, kinaway pa niya ang kanang kamay niya.

Nang ilibot ko ang paningin ko ay nadapo ang paningin ko kay Josh, kausap n'ya si Justin na kalapit lang niya, nahinto lang ang pag uusap nila nang tumingin sa'kin si Josh kaya agad akong nag iwas nang tingin.

Nag salita ang purser namin kaya agad naman akong pumunta sa galley para mag ayos nang ihahandang pagkain sa mga pasahero. Nag ikot ako para itanong kung may order sila mula sa menu. Nang malapit na ako sa kinauupuan ni Josh ay pinakalma ko muna ang aarili ko tsaka tinulak ang trolley palapit sa upuan nila.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now