19

126 9 0
                                    

I dedicate this chapter to gweey_ happy birthday!!

——————————————

"Hoy Josh, mamaya na kayo nag bebe time. Tumulong ka rito!" Sigaw ni Stell kay Josh na narito sa tabi ko, kanina pa nakayakap. Nag iihaw kasi sila para sa dinner namin mamaya.

"Tatlo kayo d'yan, kaya n'yo na 'yan!" Balik na sigaw ni Josh, mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa akin.

"Tumulong ka ro'n, kanina ka pa na dito." Ako na ang nag sabi sa kaniya kaya wala na siyang nagawa.

Nakanguso siyang tumayo at lumapit kila Stell para tumulong. Bumaling kami kay Alliah nang tumunog ang cellphone ni Stell na hawak hawak niya.

"Mahal, tunatawag si Ken!" Itinaas ni Alli ang cellphone ni Stell para ipakita sa kaniya tsaka siya lumapit doon.

"Seah na try mo na bang mag model?" Tanong sa akin ni Lujill, hindi ko alam kung bakit natanong niya bigla iyon.

"Ay nako Jill, model dati 'yan, nung highschool kami." Si Erika na ang sumagot.

"What about now? You should be a model, your body shape and you face are perfect." Puri sa'kin ni Lujill, sinuyod pa ng tingin ang katawan ko.

"May trabaho na ako Jill." Sabi ko kay Lujill.

"If may chance, iiwanan mo ba 'yung trabaho mo para doon?" Tanong n'ya, halatang interesadong interesado s'ya.

"Pwede pero parang hindi na ako pwede e, 26 na ako." Sabi ko sa kaniya.

"Sabagay." Iyon na lang ang sinabi niya at uminom ng juice.

"Si Ken oh," Napalingon kami sa likod nang may ituro doon ai Erika.

Nakita namin si Ken na balot na balot habang nag lalakad kasama si Stell at Alliah. Umupo sila sa bakanteng upuan. Iba ang trip ni Ken, nasa dagat pero balot na balot.

"Ano ba 'yan, parang ako lang partner dito ah. Hindi naman siguro by partner 'to diba?" Tanong ni Ken nang makitang kasama rin si Lujill at Alliah.

"Hindi naman dre, masaya 'to promise." Sabi ni Josh kay Ken, umakbay pa.

"And'yan naman si Kuro, ayon na lang lambingin mo." Tumatawang singit ni Erika.

"Kasama mo si Kuro? Asaan?" Tanong ko kaagad kay Ken nang marinig ang pangalan ni Kuro.

Kinuha niya sa bag na dala dala niya si Kuro at ibinigay sa akin, nilaro ko naman 'yon.

"Ang cute cute, big na ikaw Kuro." Kiniliti ko siya sa may tiyan niya.

Nilalaro niya ang kamay ko, kinukuha nag sing sing doon. Hinalikan ko ang noo niya kaya natigil s'ya.

"Parang gusto ko na lang maging pusa." Biglang sabi ni Josh, natawa naman yung mga kasama namin. "Love ako rin, kiss mo rin ako."

Natawa ako nang yumuko si Josh para mahalikan ko, hinalikan ko rin ang noo niya kagaya nang kay Kuro.

"Babe gusto mo ring maging pusa?" Tanong ni Erika kay Justin.

"Ayaw ko, hahatawin mo ako kagaya nung ginawa mo kay Saorise." Sagot naman ni Justin na nag pinapaypayan 'yung niihaw para hindi masunog.

"Hoy hindi ko sinasadya 'yon! Ang likot mo kasi!" Nag talo na sila.

Nang maluto ang mga inihaw ay nilagay na nila iyon sa dahon ng saging kasama ng kanin, nag luto rin si Stell ng sinigang kanina. Habang hinihintay namin si Pablo at si Lujill na kumukuha ng inumin namin ay binigyan ko si Kuro ng isang hatdog, ang sabi ni Ken ay pwede naman daw.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now