37

86 3 0
                                    

Hi! Isasama ko rito 'yung nasa Prologue pero don't skip this chapter, may idinagdag ako sa huli. :)

——————————————

"Kaya mo ba? Pwede namang ako na lang ang mga bigay n'yan kay Justin." Tanong sa akin ni Erika habang papunta kami sa studio ng SB19.

Birthday ngayon ni Justin, idadaan ko lang 'tong regalo ko sa kaniya dahil hindi ako pwedeng mag tagal doon dahil may trabaho ako tsaka... hindi pa ako handang makausap s'ya. The pain is still here and I don't think that I can see him the way I can before. I really love Josh but this is the fate want.

"Iaabot ko lang naman 'to kay Justin then aalis na ako, ayun lang." Sabi ko sa kaniya habang nag mamaneho, kanina pa niya tinatanong iyan.

"Sure ka ha, sige."

Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tahimik kaming nag park sa harap ng studio nila at bumaba dala dala ang regalo naming dalawa. Dahan dahan kaming nag lakad papunta sa pinto ng studio, nasa likod ko si Erika, naka alalay.

Nang makarating kami ay bubuksan ko na sana iyon nang may nauna sa akin, bumungad sa akin si Stell na may kinakain na.

"Oh Seah, Erika." Nataranta pa si Stell nang makita kami.

"Hi." Bati ko sa kaniya.

"Pasok kayo, hindi n'yo kasama si Alliah?" Tanong niya pero umiling lang ako.

Nang makapasok kami sa loob ay halos maluha agad ako nang madapo ang tingin ko sa lalaking ngayon ko lang nakita simula nung tapusin namin ang namamagitan sa amin. He's happy now, I wish ako rin dahil simula nung mag hiwalay kami kahit sa trabaho ko ay hindi ako masaya.

Nang lumipat sa akin ang tingin niya ay umiwas agad ako at hinanap si Justin. Badtrip, kausap pa niya si Josh. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa kaniya ang regalo ko nang hindi tumitingin kay Josh pero... bahala na.

Nag lakad ako papalapit sa kanila, nalipat agad ang tingin sa'kin ni Justin habang ramdam na ramdam ko ang titig ni Josh. Gosh!

"Oh Seah! Long time no see, buti nakapunta ka!" Bati agad sa'kin ni Justin nang makita ako.

"Ah yeah, happy birthday." Bati ko sa kaniya tsaka binigay ang regalo ko, shoe's lang 'yon na binili ko nung nasa layover ako sa U.S.

"Oh thank you, nag abala ka pa. Kain ka doon." Tinuro n'ya 'yung lamesa na puro pag kain kaya napatingin din ako don.

"Ah hindi na, dumaan lang ako para batiin ka and ibigay sa'yo 'yan, may work pa ako." Pag tangi ko sa kaniya.

Narinig kong napabuntong hininga si Josh kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya, iniwas ko rin agad.

"Halata nga, naka uniform ka e." Biglang sulpot ni Ken habang kumakain ng cake.

"Sure ka ha? Ayaw mong mag baon?" Tanong pa uli ni Justin.

Gusto ko mang kumain ng handa niya ay malalate ako sa trabaho at hindi ko na rin matagalan ang titig sa akin ni Josh.

"Hindi na, una na ako, baka ma late ako sa flight. Happy birthday ulit." Bati ko sa kaniya.

"Sige, thank you ha, ingat." Sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at nag lakad na papunta pinto. Nang makalabas ako ay doon lang ako naka hinga ng maayos, doon lang din tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigil. Halos mang hina na ako.

I was about to walk when someone pulled my arm. Nang tignan ko kung sino iyon ay dumapo agad ang tingin ko sa magandang mata ni Josh, hindi na iyon na alis doon.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now