"Omg!" Tili ko kaagad nang makita ang pangalan ng kapatid ko sa listahan ng mga nakapasa sa board exam.
Ilang araw ko ng hinihintay ito, ilang araw na ring kinakabahan si Sean. Gusto kong maiyak sa sobrang pagka proud sa kapatid ko.
Engineer Robles.
Imbis na umiyak sa loob ng kotse ko ay nag drive na pauwi sa amin. Hindi ko alam kung alam na ni Sean ito pero excited ako para sa kaniya. Kalalabas ko pa lang ng airport ay tinignan ko na iyon. Ang sabi ni Sean ay ngayon daw ilalabas.
Nang makarating ako sa bahay ay nag mamadali akong pumasok sa loob.
"Congratsss!!!" Kaagad na sigaw ko nang makapasok pero kaagad akong sinenyasan ni Mama na huwag maingay kaya nag taka ako.
Mag tatanong na sana ako kung bakit pero itinuro niya ang sofa kaya lumingon ako roon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Papa na naroon.
"Totoo 'to, Ma? Si P-Papa narito?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mama.
"Oo, kaninang daling araw lang umuwi. May aasikasuhin lang daw rito. Bakit ka ba sumigaw ng congrats ha? May celebration ba? Anong nangyare?"
Hindi pa nga siguro nila nakikita ang list. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita kay Mama iyon. Habang binabasa ni Mama ay unti unting nanlaki nag mata niya.
"Ahh! Jusko!" Ngayon ay di Mama naman ant tumitili. Malakas iyon kaya napabalikwas ng bangon si Papa at nag aalalang tumingin kay Mama.
"Bakit ka tumitili? Anong nangyare?" Bumaling sa akin si Papa. "Narito ka na pala Seah, kadarating mo lang?"
Lumapit ako kay Papa para humalik sa pisnge at yumakap ng mahigpit.
"May engineer ka na Pa, engineer na si Sean, engineer na ang bunso natin." Bulong ko kay Papa.
Nakita kong nanigas si Papa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Nakapasa ang anak natin! Asaan na ba iyong batang iyon? Nasa kwarto niya ata." Excited na sabi ni Mama.
"Ako na po ang tatawag, Ma." Inunahan ko na si Mamang umakyat.
Kumatok ako sa kwarto ni Sean ng ilang beses. Nang walang mag bukas ay ako na ang pumasok, hindi naman nakalock iyon.
Nakita ko si Sean na nakahiga sa kama niya, tulog. Nag lakad ako papalapit sa kaniya tsska siya ginising.
"Engineer gising na. Engineer Robles." Tinapik tapik ko ang pisngi niya para dumilat siya.
"Ate," Tawag niya sa akin nang magising siya. Humalik muna siya sa pisngi ko bago bumangon.
Nagulat siya sa bigla kong pagyakap sa kaniya. "Congratulations, proud si ate sa'yo."
"Saan? Bakit?" Nag tatakang tanong niya.
"Gaga, anong araw ngayon?"
"Monday- ay! Ngayon nga pala ang labas ng mga nakapasa sa board!" Natataranta niyangk inuha ang cellphone niya para tignan kung nakapasa siya.
Hinayaan ko lang siya roon at pinanuod ang expresyon niya. Maya maya lang ay nabitawan niya ang cellphone niya at tumulala sa kung saan.
"E-Engineer na ako." Hindi pa rin siya makapaniwala roon. Tumingin siya sa akin, kaagad akong ngumiti sa kaniya. Paiyak na siya. "Engineer na ako Ate!"
Hindi na ako nagulat nang yakapin niya ako. Literal na umiiyak siya sa balikat ko kaya hindi ko rin maiwasang umiyak.
"Halika na, nag hihintay sila Mama sa baba. Kailangan nating icelebrate iyan."
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanficGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...