"Ang ganda naman nito." Sabi ko nang makita 'yung phone case na pina customize namin.May strap pa ro'n, kulay itim at puti rin, may nakalagay na apelyedo namin.
"Bakit hindi Santos ang nakalagay d'yan? Dapat Santos din! Palitan natin." Reklamo ni Josh nang makitang Robles ang nakalagay sa strap sa phone case.
"Robles naman apelyedo ko ah, anong inerereklamo mo riyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Mapapalitan din naman ng Santos 'yang apelyedo mo kaya dapat Santos na ipinalagay mo. Sandali palit tayo." Tinangal niya ang strap ng case ko at pinalit ang nakalagay sa phone niya.
"Ayan. Kapag may nag tanong sa'yo kung may boyfriend ka na, ipakita mo 'yan. Sabihin mo may asawa ka na." Turo niya sa'kin.
"Andami mong arte, kahit naman wala 'to ayon ang sasabihin ko." Sabi ko sa kaniya.
"Tara na, swimming na tayo, kanina pa ako ligong ligo."
Nag palit agad akong one piece and yung pang baba ko ay maong na shorts, si Josh ay naka board shorts lang, walang damit pang itaas kaya kitang kita abs n'ya.
"'Yun oh, may pa pandesal si Josh." Hirit ni Stell nang makita kaming nag lalakad ni Josh papunta sa kanila.
"Tey ikaw din, 'wag kang papatalo." Kantyaw naman ni Erika kay Stell.
"Justin, ilabas ang pandesal!" Biro naman ni Stell kay Justin na kunyareng itataas ang damit.
"Balita ko si engineer may pandesal din daw ah, Sean patingin nga." Baling naman ni Pablo kay Sean.
"Nahihiya kay Alex, baka daw mag crave si Alex sa pandesal kapag nakita 'yung sa kaniya." Pang aasar ni Erika kay Sean.
"Tigilan n'yo nga 'yang kapatid ko, 'wag n'yong galawin 'yan, inlove 'yan." Patagong pang aasar ko kay Sean.
"Nako 'tong mga batang ito. Bakit ngayon lang kayo nababa Seah?" Tanong sa'min ni Papa.
"Sinuyo pa ni Kuya Josh si ate Seah." Si Sean na ang sumagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ibang suyuan ata 'yung nangyare kaya natagalan." Hirit naman ni Ken, talaga 'to aba.
"Mag kaka apo na ba kami?" Biglang tanong ni Tita.
"Ma! Hindi iyon ang ginawa namin, 'wag kayong maniwala sa kanila." Depensa agad ni Josh, tinuro pa sila Stell na nag tatawanan.
Matapos nilang mag tawanan ay lumangoy na rin kami. Maya maya ay umahon si Pablo at Josh, nag usap sila roon sa buhanginan, hindi ko alam kung ano 'yung pinag uusapan pero mukang tungkol sa trabaho. Bago mag 6 ay nag aya na silang umahon.
"Love kulay white suotin mo ha." Sumigaw si Josh sa labas ng cr habang nag babanlaw ako.
"Oo!" Sagot ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong meron, mag didiner lang naman bakit kailangan pang puti ang ipasuot n'ya sa'kin? Para parehas kami?
Nang makalabas ako ng cr ay naka bihis na ako. Siya naman ang nag banlaw. Pagkalabas na pagkalabas niya ay inutusan niya ako na mag make up kaya sinunod ko siya.
"Dinner lang naman ang gagawin natin bakit kailangang may make up pa?" Tanong ko sa kaniya.
"Basta," Ayon lang ang naisagot n'ya.
Tinuloy ko na nag pag mamake up ko habang nag aayos siya ng buhok. Nang matapos ako ay tumayo ako at humarap sa kaniya, awtimatikong napatingin naman siya sa'kin. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
"Ang ganda mo." Sabi niya sa'kin.
Napatingin kami sa pinto nang may kumatok doon, si Josh ang nag bukas.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
Fiksi PenggemarGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...