41

107 6 0
                                    

"Seah, umuwi ka muna, ako na muna ang mag babantay kay Erika." Nag aalalang sabi sa akin ni Tita. Kanina niya pa ako pinapauwi para makaoag pahinga ako pero umaayaw ako.

Ayokong umalis sa tabi ni Erika. Ilang araw na siyang nakahilata rito at ilang araw na rin na ako ang nag babantay sa kaniya, dinadalhan lang ako ni Sean ng damit dito dahil ayaw ko ng umuwi. Hindi pa rin nagigising si Erika. 

Inaasikaso na ni Tito ang kaso, galit na galit sila. Si Justin ay mukang wala sa sarili dahil hindi pa bumibisita dito matapos ang gabing iyon.

"Hindi na po Tita, nakakapag pahinga naman po ako rito. Ikaw po ang mag pahinga dahil wala pa po kayong tulog. Ako na rin po ang bibili ng umagahan natin."

Pumayag naman si Tita at hindi na nangulit. Lumabas muna ako para bumili ng umagahan namin. May flight ako na cinancelled dahil gusto kong bantayan si Erika pero sa susunod na flight ay lilipad na ako. May pinapatayo akong bahay hindi pwedeng ihinto dahil matatapos na naman.

Matapos kong bumili ng unagahan namin ay dumaan akong starbucks para bumili ng iced coffee, binilhan ko na rin si Tita.

Nag hihintay ako ng order ko nang makita kong pumasok si Josh. Nag tama ang tingin namin, nginitian niya ako at kinawayan, tango lang ang sinagot ko sa kaniya. Umorder muna siya bago umupo sa katapat ko.

"Good morning," Nakangiting bati niya sa akin.

"Morning."

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Ramdam ko ang tingin doon ni Sean.

"Hello, Sean."

"Ate! Bisita ka rito, may ipapakita kami ni Alex sa'yo."

Alam kong nasa bahay ko siya dahil nandoon siya araw araw dahil patapos na iyon.

"Osige, dadaan ako diyan mamaya bago umuwi."

Nag paalam na siya dahil may gagawin pa. Sakto namang tinawag na ako para sa order ko. Nang nakuha ko ang order ko ay tinawag na rin si Josh para sa order niya. Aalis na sana ako ng Starbucks nang biglang hawakan ni Josh ang siko ko.

"Sa hospital ka ba pupunta? Hintayin mo na ako." Mabilis niyang kinuha nag order niya at nag pasalamat sa cashier bago ako sabayan sa pag lalakad. "May dala kang sasakyan?"

"Meron," Sagot ko sa kaniya at dumeretso sa kotse ko na katabi lang din ng kotse niya.

Nag convoy kami papuntang hospital. Nagulat ako nang makita si Justin sa harap ng pinto ng kwarto ni Erika. Halatang halata ang eyebags niya at mukang pagod.

"Justin," Lumingon siya sa amin at nagulat. Hindi pa siya nag sasalita ay binuksan ko na ang pinto. "Pumasok kayo."

Ganoon nga ang ginawa nila. Inilapag ko ang almusal namin ni Tita sa maliit na table. Tulog si Tita sa sofa kaya doon umupo si Josh sa monoblock habang si Justin ay nasa kalapit ni Erika. Nilapitan ko si Tita at ginising ito.

"Nandito pala kayo." Gulat na sabi ni Tita kila Justin. Hindi naman galit ang parents ni Erika kay Justin, galit sila kay Kaira.

"Opo, sorry po ngayon lang ako nakadalaw, tumulong po ako sa mga pulis." Nahihiyang sabi ni Justin.

Hindi ko nakikita ang muka niya dahil nakatagilid ako sa kaniya, nag hahanda ako ng pagkain. Ramdam kong may nakatitig sa akin, nang lingunin ko ito ay agad na nag iwas ng tingin si Josh.

Tinawag ko na si Tita para kumain kami. Inaya pa niya 'yung dalawa kaso ay tumangi ito dahil kumain na raw bago mag punta dito, si Josh ay umiinom ng kape niya.

"Tita uuwi po ako mamaya, may flight po kasi ako mamayang gabi, pupunta naman daw po rito si Mama para mag bantay." Paalam ko kay Tita nang matapos kaming kumain.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now