"Happy Valentine's Day." Nagulat ako nang may biglang mag salita mula sa pintuan.
Bumangon ako mula sa pag kakadapa ko sa higaan ko para tignan ko kuung sino iyon. Sumama agad ang tingin ko nang makita ko si Josh doon. Sino ba namang hindi mag tatampo kung sa buong araw ay ngayon lang mag paparamdam? Tapos ngayon bigla lang siyang susulpot tapos babatiin ako ng ganiyan?
Halos umiyak na ako kanina at nakatulog na sa kakahintay sa bati niya! Tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot. Umabot pa sa punto na sinugod ko siya doon sa condo niya pero wala akong naabutan! 7:30 pm na, ngayon lang siya mag paaramdam? Multo ba siya at sa gabi ng paramdam?
Bumalik na ulit ako sa pagkakahiga ko at nag taklob ng kumot. Ramdam ko namang nag lakad siya papalapit sa kama ko, lumubog ang kama ko sa bakanteng side kaya malamang ay nandoon siya, buti na lang at nakatalikod ako doon.
"Love," Pag tawag niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Hey, anong problema?"
Ikaw! Ikaw ang problema ko!
"Seah, talk to me." May bantang sabi niya, inalis pa yung kumot na nakataklob sa akin
"No, ayaw ko!" Kumuha ako ng isang unan at ayon na lang ang itinaklob.
"Love naman, may dala ako for you." Bulong sa akin ni Josh.
Ayan! D'yan siya magaling! Palibhasa alam niya 'yung kahinaan ko e, isang ngiti niya lang, isang sorry lang, wala na umiikot na ulit yung mundo ko! Charot!
"Love, alam kong gusto mo 'to. Hinihintay ka na ni Zia sa baba."
Oo nga pala, dala niya pala si Zia. Nang chicks ba sila ng tatay niya? Kabuong babae nitong pusa ko napaka babaero!
Inalis ko na ang unan sa muka ko at tumayo. Walang salita akong lumabas ng kwarto at iniwan siya doon. Nag taka ako nang hindi ko makita sila Mama at Papa sa sala, si Sean kasi ay nasa date pero baka nag date rin sila Mama. Oh 'di ba? Sana all may date!
Si Zia lang ang naabutan kong kumakain ng cat food doon sa kainan niya, ang ganda pa ng pagkakahiga.
"Hello, baby!" Masayang bati ko kay Zia.
Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang tumingin sa akin, nag mamadali pang tumakbo. Kinarga ko siya at umupo sa sofa, naabala ko ata ang pag kain niya pero hindi naman 'to pupunta sa akin kung gutom pa siya.
"You miss Mommy, hmm?" Tanong ko sa kaniya habang hinahagod ang likod niya.
Hinalikan ko ang ulo niya bago siya inilapag sa kalapit ko. Lumingon ako sa hagdan namin nang bumaba si Josh, nakabusangot ang muka. Deserve!
"Love," Malambing na tawag niya pero hindi ko pinansin.
Nag lakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko, paharap sa'kin. Tumingin ako sa mata niya, ramdam ko ang pagod doon. Ano ba kasing pinag gagawa nitong lalaking 'to? Naguilty tuloy ako!
"Sinong kadate mo kanina?" Sarkistong tanong ko sa kaniya. Dumaan ang pagkagulat sa muka niya pero agad ding natawa.
"Wala akong dinate kanina, promise!" Itinaas niya pa ang kanang kamay niya.
"Anong wala? Wala ka nga sa condo mo kanina!" Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil nasusura ako sa mapang asar niyang muka.
"Wala nga po, dinalhan ko lang si Mama at Ate ng flowers tsaka ipinasyal ko si Zia."
"Maghapon mong ipinasyal si Zia? Bakit hindi kita matawagan? Hindi mo man lang ako nagawang itext kung nasaan kayong dalawa!"
Buti pa si Zia naipasyal niya!
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
Fiksi PenggemarGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...