"Hello this is Josh Cullen." Intro ni Josh sa vlog niya.
Mag vlovlog kasi kami ngayon para sa YouTube channel n'ya. Dito na siya nag intro sa kotse, kaming dalawa lang ang nandito.
"Ang content natin ngayon, nakikita n'yo naman sa tittle." Huminto sa pag uusap si Josh para tumingin sa akin, pinapahiwatig na sabay naming sabihin.
"LETTING INFRONT OF US DECIDE WHAT WE EAT!" Sabay naming sabi.
"Kasama ko si Seah and ngayon naka kotse kami kasi mag dridrive thru lang kami." Pag papaliwanag ni Josh.
"Four fast-food chain 'yung pupuntahan namin wich is Mcdo, Jollibee, Chowking and KFC." Ako naman ang nag sabi non.
"Mag Starbucks na rin tayo." Dagdag ni Josh.
Nag simula siyang mag drive papunta sa Mcdo, ayon ang una naming pupuntahan. Nag uusap kami roon ng random nang tumawag sa akin si Erika.
"Sino 'yan?" Taas kilay na tanong ni Josh.
"Si Erika." Sagot ko sa kaniya tsaka sinagot ang tawag.
"Asaan kayo?" Tanong agad ni Erika.
"Nasa daan, nag vlovlog kami bakit?"
"Sunduin n'yo muna kami dito ni Justin malapit sa Mcdo pwede? Nasiraan kasi kami."
"Sakto d'yan din kami pupunta."
"Sige thank you!"
Binaba ko na ang tawag tsaka tumingin kay Josh.
"Daanan daw natin si Justin malapit sa Mcdo, nasiraan daw sila." Sabi ko kay Josh, tumango naman siya.
Ganon nga ang nangyare, nakita namin sila Justin sa tapat ng Mcdo. Ang sabi ni Josh ay sumama na lang din sila sa vlog, inexplain din ni Josh 'yon habang nag vivideo.
"Hello po pwede po bang orderin 'yung order nung nasa harapan namin?" Tanong ni Josh doon sa staff.
"Ah yes sir, bale one spag—" Hindi na natapos ang sasabihin dahil inunahan siya ni Josh.
"Pwede pong 'wag n'yong sabihin sa'min?" Natatawang sabi ni Josh.
"Okay Sir." Sinabi sa amin 'yung price.
Nag kanya kanya kaming hula kung anong laman noon, feeling ko goods s'ya para sa aming apat gawa ng price.
"Basta ako sundae tsaka burger lang okay na." Sabi ko sa kanila habang nag tatalo sila.
Maya maya ay binigay na kay Josh ang order namin, ayon! Buti na lang at madami 'yon nang tignan ko. Isang spaghetti, dalawang fries, dalawang sundae, isang burger tsaka apat na coke, sakto hehe.
Inangkin nung mag jowa ang fries tapos tig isa naman kami ni Erika sa sundae, akin ang burger at kay Josh ang spaghetti and tig iisa kami sa coke.
Gutom na kami kaya kumain kami habang nag dridrive si Josh, sinbusubuan ko na lang siya.
"Love," Tawag ko kay Josh tsaka itinapat ang spaghetti sa bunganga n'ya.
Ngumanga siya para maisubo ko 'yon. Nag try rin kami sa iba't ibang fast-food chain tsaka sa starbucks. Saktong may iced coffee kaya binigay na nila sa akin 'yon. Nagulat ako nang biglang kuhain ni Josh ang hawak kong drinks at ininuman 'yon.
Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin tsaka kinuha ang drinks n'ya, nag palit kami. Hindi n'ya ako malalamangan. Nag outro na siya nang matapos kami tsaka umuwi sa bahay namin, may mga natira pa kaming pag kain kaya binigay namin 'yon kila Mama at Sean.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
ФанфікиGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...