Kinabukasan noon ay graduation ni Sean kaya maaga akong gumising. 1 pm pa naman 'yung start ng ceremony pero kukuhain ko pa 'yung kotse niya. Naabutan ko si Mama na nag luluto ng pagkain, si Papa ay nanunuod ng tv.
"Ma, good morning." Bati ko kay Mama.
"Oh good morning, hindi pa ba gising si Josh?" Tanong ni Mama.
"Hindi pa po,"
Nakakahalata na ako ha, ako ang anak pero si Josh ang bukang bibig.
"Ma, aalis po kami ni Josh, hahabol na lang kami pero malalate po kapag traffic." Paalam ko kay Mama.
"Ha bakit? Graduation ng kapatid mo ngayon anak, ito 'yung hinihintay mo diba?" Takang tanong ni Mama.
"Kukunin po kasi namin 'yung kotseng binili ko para kay Sean." Sagot ko.
Napatingin pa saglit sa'kin si Mama. "Binili mo ng kotse kapatid mo? Tama ba 'yung narinig ko?"
"Oo Ma, graduation gift ko po sa kaniya, deserve naman po niya, Summa Cum Laude naman po siya." Sabi ko kay Mama.
"Aba matutuwa talaga 'yang kapatid mo. Sige pero alam na ba niya?" Tanong sakin ni Mama, uniling lang ako.
"Isusurprise ko siya Ma." Sabi ko kay Mama tsaka tumayo. "Gisingin ko lang po 'yung dalawa Ma."
Umakyat ulit ako sa taas at nag punta sa kwarto ni Sean.
"Yah gising na!" Pag gising ko kay Sean tsaka siya mahinang hinampas ng unan. "Gragraduate ka naaaa!"
"Ate ang ingay mo." Sabi niya tsaka bumaling sa kabilang side.
"Gising na Sean, umaga na." Sabi ko sa kaniya.
Bumangon siya habang kinukusot ang mata, humalik siya sa pisnge ko bago pumunta sa cr. Pumunta naman ako sa kwarto ko kung saan mahimbing na natutulog si Josh.
"Love gising na," Sabi ko kay Josh tsaka hinalikan ang labi niya. "Josh."
"Hmm?" Paungol niyang sabi.
"Gising na, may practice ka pa diba?" Tanonh ko sa kaniya.
"Wala." Sabi niya.
"Gising na."
"Mamaya na, love." Sabi niya tsaka bumaling sa kabilang side.
"Ayaw mo bumangon? Sige, 'wag ka na ulit matulog dito." Biro ko sa kaniya kaya agad siyang bumangon.
"Love naman, babangon na nga. Walang ganyanan." Naka simangot na sabi niya kaya natawa ako.
"Joke lang 'yon, pinapabangon lang talaga kita. Good morning, smile ka na." Sabi ko sa kaniya.
"Good morning." Nakangiting sabi niya tsaka humalik sa labi ko.
Nag punta siya sa cr para mag toothbrush, hinintay ko siya doon para sabay na kaming bumaba. Kami na lang ang hinihintay doon nang makababa kami.
Kumain kami ng umagahan. Matapos naming kumain ay naligo na ako at umalis, dumaan muna kami sa condo ni Josh dahil maliligo siya.
Habang nag aantay ako sa kaniya ay nag cellphone muna ako. Hindi naka online si Erika, malamang ay nasa flight na 'yon pauwi ng Pinas, makakahabol pa siya mamaya. Nang matapos si Josh ay agad naman kaming umalis.
9 na nang makarating kami. Kagaya ng dati, nag drive test kami at nag picture. Nag video din ako ng kaunti, ipinakita ang sasakyan.
"For sure tuwang tuwa si Sean d'yan." Sabi ni Josh.
"Sabi nga din ni Mama, tara na. Baka ma late tayo." Aya ko kay Josh.
Ako na nag drive ngung sasakyan ni Sean at kay Josh naman 'yung sa kaniya. Nabawasan ang ipon ko nung i fully paid ko itong sasakyan pero okay lang, para kay Sean naman ito. Yung ipon ko ay pampagawa ko ng bahay in future pero makakaipon pa naman ulit ako.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...