Dumaan muna kami sa isang restaurant para mag lunch bago tumuloy sa byahe. Seafood restaurant ang pinili nila Erika dahil miss na raw nila ang seafood.
"Let's go, nagugutom na ako!" Sigaw ni Erika bago bumaba.
Inayos ko muna ang gamit ko na iiwan sa van at kinuha ang sling bag ko at iyon ang dinala. Kinuha ko na rin si Zia tsaka bumaba. Nag hihintay pala si Josh sa amin sa labas ng van, kinuha niya agad sa akin si Zia.
"Let's go."
Sumunod na kami sa kanila. Pinag buksan ako ni Josh ng pinto kaya pumasok na ako. Nakita ko sila Erika na nasa mahabang lamesa, nakaupo na at kami na lang ni Josh ang hinihintay.
"Ayan na pala sila e, doon kayo." Itinuro ni Erika ang bankanteng dalawang upuan na magkalapit.
Tumango na lang ako at umupo sa upuan na tinuro niya, sumunod naman sa akin si Josh. Nag order na sila Erika, nag ambag ambagan din kami sa bayad.
"Kuha ka isang upuan tapos doon mo lagay si Zia para maka kain ka ng maayos." Mahinang sabi ko kay Josh.
Nang dumating ang pagkain ay ganoon ang ginawa ni Josh. Kumuha agad ng crab si Josh at hinimay iyon at nilagay sa plato ko. Agad akong namula sa ginawa niya.
Hanggang ngayon ba ay alam niya pa rin na hindi ako narunong mag balat ng crab?
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nilapat ang tingin sa plato ko. Nang matapos siya ay kumain na ako. Binibigyan ko ng paunti unti si Zia ng kanin.
"Pahimay pa ng crab," Tumingin ako kay Josh. Walang sabi sabi ay kumuha siya ng crab at hinimay iyon tsaka nilagay sa plato ko.
Nangiti ako nang hindi ko namamalayan. Feeling ko ay bumalik lahat sa dati, iyong una kilala namin sa isa't isa.
Nag patuloy lang kami sa pagkain. Nang matapos ako ay tumayo ako para mag hugas ng kamay at mag cr na rin.
Nang makabalik ako ay okay na ang lahat at si Alliah na lang ang hinihintay na nasa cr din. Umupo muna ako sa tabi ni Josh habang hinihintay si Alli.
Maya maya ay sabay sabay na kaming nag lakad papuntang van. Nagpahuli agad ako sa pag sakay at nasa likod ko rin si Josh. Doon ulit ako umupo sa hulihan. Nagulat ako nang umupo si Josh sa tabi ko bitbit si Zia.
Hindi na lang ako nag salita at tumingin sa labas. Iniisip ko ang naramdaman ko kanina, bakit nakakaramdam nanaman ako ng kilig sa kaniya? Tama pa ba 'to? No, Seah, idol siya at ex mo na.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako na nakahilig sa balikat ni Josh na tulog din. Napansin kong wala si Zia sa kandungan ni Josh kaya hinanap ko siya.
"Alli nakita mo si Zia?" Tanomg ko kay Alliah na nasa harapan ko, lumingon naman siya sa akin.
"Ah nakay Erika sa unahan." Sagot niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag at sumandal na ulit. Maya maya ay naramdaman ko ang ulo ni Josh sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Tulog pa rin siya kaya inayos ko ang ulo niya sa balikat ko.
Kinuha ko ang phone ko at nag scroll na lang sa Instagram. Nag messege sa akin doon iyong kaibihan ko na kausap ko kahapon sabi niya ay naschedule niya na raw.
"Nasaan si Zia?" Nagulat ako nang mag salita si Josh. Mahina pa ang boses dihal kagigising lang.
"Nakay Erika, kinuha raw kanina." Sagot ko.
Tumango lang siya. Tahimik kami dito sa likod hanggang sa makarating kami. Nag stay muna kami sa lobby dahil nag may aasikasuhin muna si Lujill para makuha ang key room.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...