49

116 5 0
                                    

"Ahhh!" Rinig ko ang tilian ng fans sa buong Araneta.

Narito na kami sa loob at nakaupo kami sa vip section, kalapit ko si Erika, Lujill, Alliah, Alex, at Sean. Sila Mama ay humiwalay sa amin, naroon sila sa bandang sulok habang kami ay narito sa gitna.

"Nakita mo na ipeperform nila?" Lujill asked me.

"Hindi pa, hindi ako nasasama kay Josh sa studio eh." I feel bad. Hindi ko na siya nasasamahan sa studio.

Lagi na lang kaming sa bahay at kung lalabas man ng bahay na mag kasama ay mag dadate o kaya ay pupunta kila mama o kaya kila Tita Aldrene.

"Iyon Bazinga lang ang napanuod ko dahil kinabukasan no'n ay umalis na ako." 

Tumango na lang ako at nag hintay na lang din. Maya maya ay may nag flash na sa tv screen na nasa harapan. Video iyon ng journey ng SB19. Wala pa atang 5 minutes ang video na iyon nang tumugtog ang Alab na kanta nila at maya maya lang ay lumitaw na ang lima kasama ang mga back up dancers.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng fans kasabay ng pag kanta at pag sayaw nila. Nakikisigaw din kami, nakatingin lang ako kay Josh habang sumasayaw sila. Nang mag tama ang mata namin ay bigla niya akong kinindatan, nagulat ako sa ginawa niya. Hindi pa alam ng fans ang pag babalikan namin, minabuti naming ilihim ito.

"I love you, babe!" Malakas na sigaw ni Erika habang nakatingin kay Justin.

Nang tumingin ako kay Justin ay bigla itong ngumiti at tumingin sa baba, mukang kinikilig. The crowd was hype. Hindi sila nauubusan ng energy pag dating sa boys.

After ng alab ay nag perform sila ng Love Goes at Go Up. Enjoy na enjoy ko ang pagiging hyper ng a'tin lalo na ang mga kaibigan ko. Nag vivideo rin ako at kumukuha ng picture gamit naman ang cellphone ko.

"Josh Cullen kinulang ka sa tela!" Nag tawanan nang marinig iyon, kakatapos lang din ng Go up.

"Andito si Seah, ipatahi mo!" Agad kong nahampas ng mahina si Erika nang isigaw niya iyon.

Nang tignan ko si Josh ay tumatawa ito. Tinignan ko ang suot niya, kinulang nga sa tela ang suot niyang pantaas pero bumagay iyon sa fit niya.

"Watsup Ara...netaaaaaaa!!" Malakas na pag bati ng lima gamit ang mic nila.

"I'm happy to see you again here a'tin!" Kumaway si Stell tsaka kumindat kaya nag ingay nanaman ang crowd.

Kapag talaga si Stell ang ihaharap mo sa mga 'yan nag sasalita pa lang grabe na ang sigaw.

"Namiss ko nag intro natin, hindi n'yo ba namiss?" Biglang tanong ni Josh sa mic habnag nakatingin sa mga kasama niya.

"Syempre naman miss ko kaya GET IN THE ZONE, BREAK!"  Paninimula ni Pablo.

"Hi, we are SB19!" Sabay sabay na sabi ng lima.

"Hi I'm the leader of SB19, I'm Pablo with my hatdogs!" Pag papakilala ni Pablo at binuka pa ang dalawang kamay para iwelcome ang sigawan ng mga taga freezer.

"Hatdog dance nga Hon!" Birong sigaw ni Lujill.

"Ay kailangan ba pati houses?" Tanong ni Stell.

"Oo naman." Sagot ni Josh. "Watsup mga hayop! I'm the charismatic gamer and rapper of SB19, I'm Josh!"

Hindi pa natatapos mag salita si Josh ay may malakas na sigawan na agad ang sumabay sa kaniya.

"Mga hayop talaga eh noh." Tumatawang sabi ni Stell habang nakatingin kay Josh.

"I'm Justin and of course I have my JAHanan and my tahanan!" Nilibot ni Justin ang tingin niya at huminto iyon kay Erika. Gumawa ng finger heart si Justin habang nakatingin may Erika.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now