"'Wag ka munang magpakabusog hindi pa ito ang dinner natin." Paalala ni Josh sa akin habang kumakain ako nung cake na inorder namin.
"Yeah," Sagot ko sa kaniya.
Dito kami naka upo sa pang dalawahang upuan pero mag katabi kami, nasa harap namin ang bulkang taal.
Naalala ko nanaman 'yung kanina, hanggang ngayon ay hindi pa ako maka get over doon. Nag confess siya sa akin sa ganoong sitwasyon.
"Seah smile," Napatingin ako kay Josh nang tawagin ako nito.
Pipicturan n'ya daw ako. Umayos ako ng upo at ngumiti sa camera. Inutusan n'ya ako na ibang post naman, kinuha ko ang cellphone niya para kaming dalawa naman ang mag picture.
"Ang ganda mo naman dito." Puri niya sa'kin, zinoom pa 'yung muka ko.
"Maganda naman ako araw araw." Sabi ko sa kaniya.
"Kaya nga ako nahulog sa'yo e, ambait mo pa." Hindi ko inaasahang sabi niya.
"Josh seryoso ka ba? Nakakagulat lang kasi." Tanong ko sa kaniya. Hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Totoo lahat ng sinabi ko Seah, ewan ko nga kung bakit hindi mo pa napapansin nitong mga nakaraang araw e, manhid ka ba?"
"Napapansin ko iyon kaso ay ayaw kong mag assume, ayaw kong umasa." Sabi ko sa kaniya.
"Ahh hayaan mong ipadama ko sa'yo araw araw. Liligawan kita," Sabi niya sa'kin na ikinangiti ko.
"Ayan mag seset na 'yung sun, ang ganda!" Sabi ko sa kaniya, turo turo pa 'yung araw na palubog na.
"Let's take a picture." Tumayo siya ay inalok ang kamay ko.
Pinasandal niya ako sa railings doon at pinicturan, naka ilang shots din siya. Ang ganda ng kuha niya, mas lalong gumanda dahil sa sunset. Siya naman ang sunod kong pinicturan, napakaangas n'ya at syempre hindi mawawala ang kagwapuhan niya.
"Ah excuse me, pwedeng pa picturan kami?" Tanong ni Josh don sa isang lalaki.
"Sure," Nakangiting sagot nung lalaki. Binigay ni Josh ang cellphone niya sa lalaki para ma picturan kami.
Umakbay siya sa'kin, ako naman ay naka hawak sa bewang niya. Parehas naman kaming naka ngiti sa camera. Sabi nung lalaki ay tumalikod daw kami at tumingin sa isa't isa kaya sinunod namin 'yon.
Nang isauli sa'min nang lalaki 'yung phone ay nag thank you kami. Photographer siguro 'yung boy dahil ang ganda ng mga shots n'ya, halatang kuha ng propesyonal.
"Ang ganda ng kuha n'ya." Sabi ko kay Josh.
"Hindi naman gaganda 'yan ng ganyan kung wala ka." Nakangiting sabi niya.
"Kanina ka pa nambobola ha! Tama na Josh Cullen, hulog na hulog na ako sa'yo!" Suway ko sa kaniya.
"Edi maganda," Sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin at kinuha nalang 'yung drinks ko. Ininom ko 'yon habang pinapanuod ang araw.
"Seah look here." Napalingon ako ng tawagin ako ni Josh. Vinivideohan niya ako, ngumiti ako sa camera at nag wacky.
Maya maya lamang ay naramdaman ko na pumwesto sa likod ko si Josh at kinulong ako sa bisig niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang sunset. Nag picture din kami ni Josh sa ganong ayos. Inistory ko 'yung sunset sa instagram.
"Sa susunod na manunuod tayo ng sunset ay sa beach na, pangako." Nagulat ako nang mag salita bigla si Josh habang nakatingin sa araw.
"Hmm mag hihintay ako," Nakangiting sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanficGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...