08

150 11 0
                                    

"Let's go na!" Aya sa'min ni Erika.

"Oo nga, nagugutom na rin ako." Sabi naman ni Stell habang hinihimas ang tyan.

Sinigurado nila na patay ang ilaw bago nilock ang pinto. Sa'kin na sumabay si Josh at Ken, si Seah ay kay Justin daw kasama si Stell, si Pablo ay naka motor.

"Seah ako ulit mag dridrive, turo mo na lang." Sabi sa'kin ni Josh habang nag lalakad kami papuntang parking.

"Kapag si Josh mag dridrive, ibababa mo muna kami ni Seah bago mo ibungo." Natatawang sabi ni Ken kay Josh.

"Hoy marunong ako, ako nga nag drive papuntang tagaytay tsaka pauwi, diba Seah?"

"Oo." Umoo na lang ako.

Nangulit pa si Josh na siya ang mag dridrive kaya wala na akong nagawa, itinuro ko na lang sa kaniya ang daan.

"Josh tigil muna tayo sa harap ng bake shop na 'yan ah, may kukunin lang ako." Sabi ko kay Josh tsaka tinuro yung shop na pinapagawaan ko ng cake.

Inihinto ni Josh ang kotse doon, bumaba naman ako at pumasok sa shop. Andoon 'yung may ari kaya nakuha ko na agad 'yung cake, nabayaran ko na naman ito kasabay nung pera na ilalagay dito sa cake.

"Thank you po." Sabi ko sa kanila bago lumabas ng shop.

"Ano 'yan?" Tanong ni Ken nang makapasok ako sa kotse.

"Cake," Sagot ko at inilagay sa likod.

Nag drive na si Josh papunta sa bahay, doon kami nag park sa tapat, hindi ko na pinapasok 'yung kotse dahil may inuman sa tapat namin mamaya.

"Tara," Aya ko sa kanila habang dala dala 'yung cake.

"Seah, si Jake oh." Tinuro ni Erika si Jake na nag lalakad papunta sa'min.

"Wow ano 'yan cake? Akin na, ako na mag dadala." Kinuha ni Jake ang hawak kong cake tsaka pumasok sa loob.

Sumunod naman kami sa kaniya. Pagkapasok ko ay nakita ko si Papa na nakaupo sa may sala.

"Happy Birthday, Pa!" Bati ko kaagad kay Papa kaya napatingin ito sa'kin.

Lumapit ako sa kaniya tsaka humalik sa pisnge.

"Thank you nak, asaan si Erika?" Tanong niya kaagad.

Tumingin ako sa pinto kung saan nakatayo si Erika tsaka SB19.

"I'm here tito! Happy Birthday!" Bati ni Erika tsaka humalik din sa pisnge ni Papa.

"Pupunta ba ang Mommy at Daddy mo mamaya?" Tanong ni Papa.

"Yes naman tito, hindi makakalimutan ni Dad ang birthday mo." Sagot ni Erika.

"Oh may mga bisita na pala, upo kayo." Napansin ni Papa ang SB19 sa likod ni Erika.

"Upo na kayo doon, kukuha lang ako pagkain natin." Sabi ni Erika tinuro pa ang sofa.

"Wow Erika, bahay mo?" Pang aasar ni Jake kay Erika.

"Hindi, bakit ikaw, bahay mo?" Balik na tanong ni Erika.

"Hoy Jake, tigilan n'yo 'yan ha." Suway ko sa kanila.

"Sino ang boyfriend sa inyo ni Seah?" Napatingin ako kay Papa nang mag tanong ito, SB19 ang kausap niya.

"Ah nililigawan ko pa lang po." Nakangiting sagot agad ni Josh.

"Hmm mabuti naman at pumunta ka ngayon para makilala namin, sinakto mo pa na birthday ko. Shot tayo mamaya." Sabi naman ni Papa.

"Pa bawal, may trabaho bukas 'yan!" Sabi ko kay Papa.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now