09

130 9 0
                                    

"Ang agap mo ah." Sabi sa'kin ni Josh nang buksan niya ang pinto ng condo niya.

"Walang tao sa bahay e, wala akong kasama." Sagot ko sa kaniya tsaka pumasok sa loob.

"Upo ka muna d'yan, hindi pa ako naliligo e."

Umupo ako sa sofa niya, lumapit naman siya sa'kin.

"Bakit hindi pa? Anong oras na ah." Tanong ko sa kaniya.

"Mamaya pa naman tayo aalis diba? Matutulog muna ako." Sagot niya tsaka nahiga sa hita ko.

Kukunin na kasi namin 'yung kotse na binili niya and titingin na rin ako ng kotse na pang reregalo ko kay Sean sa graduation niya.

"Josh doon ka sa bed mo." Utos ko sa kaniya.

"Samahan mo 'ko."

"Tara."

Tumayo siya at nag punta doon sa kama niya, nahiga siya don.

"Come here." Aya niya, pinag pagan pa 'yung tabi niya.

Humiga naman ako sa katabi niya, yumakap siya sa akin at sumandal sa dibdib ko. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko para mabilis siyang makatulog. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako.

Nagising ako nang humigpit ang pagkakayakap sa'kin ni Josh, tulog pa naman siya. Unti unti kong inalis ang pagkakayakap sa'kin ni Josh pero binabalik n'ya pa din.

"Yah Josh wake up." Pag gising ko dito.

Nakakailang tawag na ako sa kaniya pero ayaw n'ya pa ring gumising. Nag simula akong halikan ang pisnge niya para magising siya, hindi naman ako nabigo, nag mulat siya ng mata niya.

"Isa pa, dito naman." Request ni Josh, tinuro pa ang labi niya.

Dinampian ko siya ng halik doon tsaka tumayo. 3 pm na pala, 12:30 ako nang pumunta dito.

"Maligo ka na para makaalis na tayo." Utos ko kay Josh na bumangon na sa higaan n'ya.

Lumapit siya sa akin tsaka niyakapa ako at isiniksik ang muka niya sa leeg ko. Ganito siya lagi, clingy.

"Ligo ka na." Sabi ko sa kaniya.

"5 minutes po."

Siya na ang kusang bumitan at nag punta sa cr. Nag hintay lang ako sa kaniya hanggang matapos siyang maligo ay kinuha niya ang camera niya para mag video.

"Hi guys, this is Josh Cullen. So ngayon, sasamahan n'yo kami ni Seah na kunin 'yung car ko and kami lang dalawa ni Seah. So paalis na kami and update ko na lang kayo. Seah say hi." Tinutok niya sa'kin ang camera n'ya.

"Hi!" Kumaway ako doon.

Pinatay na niya ang camera niya. Nag book kami ng grab at hinintay iyon. Nang makarating kami ay sinalubong agad kami ng staff. Vinidyohan ko si Josh na tuwang tuwa sa kotse niya. Gusto daw niya ng white kaya ayon ang pinili niya.

"Anong masasabi mo?" Tanong ko kay Josh nang sakyan niya ang kotse niya.

"I love you." Biglang banat niya kaya namula tuloy ako.

"Ayusin mo." Sabi ko sa kaniya.

"Syempre masaya ako, may kotse e. Thank you sa a'tin dahil hindi ko naman makukuha 'to kung wala kayo and kay Justin na nag tinulungan akong mamili. Si Justin kasi 'yung kasama kong bumili nito, wala si Seah non e." Masayang sabi ni Josh. "Hindi ko alam kung ano sasabihin ko pero thank you talaga. Syempre thank you rin kay Seah na nag vivideo sa'kin ngayon."

"Thank you lang?" Birong tanong ko kay Josh.

"Edi I love you na rin." Ayan nanaman siya sa mga banat n'ya!

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now