12

146 10 0
                                    

"Tara na." Aya ko kila Mama.

Sinigurado namin na naka lock ang bahay bago kami umalis. Driver nila ate Sam ang nag dridrive, hindi raw nila kayang ipagkatiwala sa iba itong van nila dahil may sentimental value raw ito sa kanila.

Una naming dinaanan ay si Erika, sumunod naman ay si Josh, nang makarating kami sa tapat ng lobby ay ako na lang ang bumaba. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasan ang condo ni Josh. Nang makarating ako sa tapat ng condo niya ay kumatok ako. Si Ate Yuna ang nag bukas ng pinto.

"Oh Seah, good morning." Bati niya sa'kin.

Binuksan niya nang tuluyan ang pinto para makapasok ako. Nakita ko si Josh na pinapatay ang pc niya.

"Good morning po, nand'yan na po 'yung service sa baba." Bati ko sa kanila.

"Good morning iha, Josh dalian mo d'yan." Balik na bati ni Tita .

Tumayo si Josh para salubungin ako ng halik.

"Good morning," Bati niya.

"Good morning,"

Tinulungan ko sila na dalhin ang mga gamit nila, sabay sabay kaming bumaba. Umingay kami nang makasakay ng van dahil nag kwekwentuhan sila Mama at Tita. Si Erika ay mukang inaantok kaya tahimik pero kapag nandito na si Justin, for sure ay gising ang diwa n'yan.

Dinaanan namin si ate Rose, kasama siya, hindi pwedeng hindi. Doon siya umupo sa harapan, kalapit ng driver, ituturo niya sa driver kung sino nag next na susunduin namin. Sumunod naming sinundo si Ken at Stell, pumunta na si Stell sa condo ni Ken para isang sunduan na sila. Sunod ay si Pablo at Alex, sa kalapit ko pinaupo si Alex, nasa likod kami kaya kaming tatlo nila Josh at Alex ang nandito. At dahil Malabon pa si Jah, sa studio na namin siya sinundo, hinatid siya do'n ni Kuya Yani.

Umingay na kami dahil gising na si Erika, mag kakwentuhan sila ni Justin at Stell, halatang nabibingi na si Ken dahil nag headset na.

Hindi nag kasya 'yung mga bagahe namin sa van kaya nilipat namin ito sa kotse ni Kuya Yani, naka abala pa kami. 2019 Mercedes-Benz 170" wheelbase kasi 'yung van na sinasakyan namin kaya sakto lang for 15 people inside.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kwekwentuhan ni Alex nang sumandal si Josh sa balikat ko.

"Gisingin mo na lang ako kapag nasa airport na." Sabi sa'kin ni Josh, tumango lang ako at inayos ang pagkakasandal niya.

Nag tuloy naman kami sa pag kwekwentuhan ni Alex hanggang sa makarating kami sa airport.

"Josh, wake up," Tinapik ko ang balikat ni Josh para magising siya.

Nag simula na silang bumaba ng van.

"Love, gising na," Ulit ko sa kanila.

"Josh, gising na, sinabi ko kasi matulog ka kagabi,  nag laro ka lang hanggang umalis, ayan." Si Tita na ang gumising sa kaniya.

Nag laro? So ibig sabihin nung nag end ang call namin ay nag laro siya at hindi natulog? Kaya pala nung tinawagan ko siya kanina gising na gising ang boses niya. Sabi matutulog na ha, sige bahala ka d'yan.

Nag mulat kaagad si Josh nang marinig ang boses ni Tita. Ako naman ay kinuha na ang bag ko at bumaba na ng sasakyan, hindi ko na siya hinintay. Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin pagbaba ko.

"Sean paabot nga nung maleta ko." Utos ko kay Sean.

Inabot niya 'yon at ibinigay sa'kin. Kinuha niya rin 'yung kay Alex at ibinigay dito nang malawak ang ngiti, delikado ka na kapatid.

"Love bakit hindi mo ako hinintay?" Tanong ni Josh sa'kin pero hindi ko siya pinansin.

Bahala siya d'yan, ang sabi niya ay matutulog na siya pag tapos nung call namin kagabi, hindi pala. Nag laro lang hanggang madaling araw.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now