"Dahan dahan." Sabi sa akin ni Josh habang inaalalayan n'ya akong bumaba.
Kararating lang namin dito sa Daku Island, 2nd destination namin. Ang una ay Naked Island, wala naman kami masyadong ginawa, nag picture at nag video lang.
Inakbayan agad ako ni Josh nang maka baba ako nang tuluyan sa bangka. Sumunod na kami sa mga kasama naming nauna na sa amin. Dito raw kami kakain ng tanghalian.
"Volleyball muna tayo, hindi pa naman daw ready pagkin natin." Aya sa amin ni Vien na may dalang bola.
Sumali ako tsaka sina Alliah, Lujill Erika,Chi, Stell, Carl, Japs, Rj, Justin at Ken. Sakto, boys vs girl mag bakla nga lang sa'min.
"Ako scorer. Ang matalo ay unang tatalon sa gitna ng dagat mamaya ha." Hamon ni Pablo.
"Ang easy naman non!" Angal ni Carl.
"Easy easy ka d'yan e mukang volleyball player dati mga kalaban natin oh, tignan mo nag kakaintindihan sa pwesto." Sabi ni Japs kay Carl.
"Hala lagot kayo." Pang aasar ni Sean.
"Buti na lang pala hindi ako sumali." Tumatawang sabi ni Josh habang nanunuod sa amin.
Hindi naman ako volleyball player pero may alam din naman ako, badminton ang sports ko dati. Kung si Vien at Erika oo, nag champion ang school namin dahil sa kanila.
"Kanino bola?" Tanong ni Pablo.
"Bigay mo sa kanila." Sabi ni Vien, tinuro pa 'yung mga lalaki.
Si Ken ang mag seserve ng bola.
"Kuya Ken volleyball ang laro ha, hindi sepak takraw." Paalala ni Sean, halatang nang aasar.
"Ikaw kanina mo pa ako inaasar ha, Seah ilayo mo sa'kin 'yang kapatid mo." Biro ni Ken kaya nag tawanan naman kami.
Nang iserve ni Ken ang bola ay papunta 'yon kay Alliah, hindi pwedeng ipasa agad agad ni Alli 'yon sa kabila dahil mali ang takbo ng bola kaya sinet 'yon ni Alliah sa akin. Malakas kong inispike ang bola para mapunta sa kabila, hindi naman nila 'to nasalo kaya may one point agad kami.
Sa susunod na serve ay naka puntos ulit kami. Nang kami na ang mag seserve ay si Vein ang pinag serve namin dahil malakas siyang mag spike. Nasalo 'to ni Justin kaya lumipat sa amin ang bola, sinalo 'yon ni Lujill gamit ang paa para umangat at hinataw naman 'yon ni Erika.
"Hoy pwede ba 'yon, paa ang gamitin?" Angal ni Stell.
"Pwede 'yon, pwede nga ulo e." Sagot ni Erika.
"Bawal 'yon, madayaaa." Singit naman ni Carl.
Ang mga nanonood ay hindi na magkanda ugaga sa katatawa.
"Pwede nga 'yon, makikipag talo ka pa sa volleyball player!" Sumigaw na si Chi kaya tumawa na ako.
"'Wag kang magalit, nakakatakot." Itinaas ni Japs ang dalawang kamay n'ya.
"Lima na lamang dre, mukang kayo ang unang tatalon mamaya ah." Sabi ni Josh kila Carl.
"Hanggang ilan ba ang score?" Tanong ni Rj.
"Usually hanggang 20 pero 10 na lang natin." Si Alliah na ang sumagot.
"Hala malapit na, 15 na, malay mo makabawi kami."
Nag patuloy kami sa pag lalaro. Kami ang unang naka 15 kaya sila ang talo. Hindi mapigil sa tawa si Justin dahil ginagawang sepak takraw ni Ken ang laro. Saktong pag tapos naming mag laro ay ready na ang pagkain namin.
Budol fight pala 'to, andaming seafoods ha! Meron ding buko tsaka banana. Nag picture muna kaming lahat bago kumain.
"Love pahimay." Binigay ko kay Josh ang crab ko para mahimay n'ya 'yon, nang marinig ko siyang tumawa ay binawi ko kaagad. "'Wag na pala, kay Sean na lang."
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...