06

157 9 3
                                    

Matapos naming manuod ng sunset ay kumain na kami for dinner at umuwi na sa hotel. Since wala naman akong gagawin, nag tambay nalang ako sa veranda kasama ang kape ko.

Pinicturan ko 'yon with the moon, ang instagramable non kaya inistory ko. Nag tambay rin ako sa twitter, hindi pa naman online si Josh at Erika kay wala akong makausap.

Hanggang ngayon ay trending pa din ang Joseah sa twitter. Nag tweet din naman ako about doon gamit ang official account ko.

Seah Robles

Ilang araw ng trending Joseah n'yo ah, kumalma kayo haha.
#Joseah

Dumami agad ang likes at comment doon.

EthanDedios: Ate Seah, nag dedate po ba kayo ni Josh?

Nag reply agad ako sa kaniya ng "No po, hindi kami nag dedate."

AllyKuro: Ate what's your relationship po with Josh?

Nag reply din ako doon ng "We're friends po."

KurseKentin: Ate if there's a chance na maging kayo ni Josh, paayag ka po ba?

"Sure why not naman diba? Josh Cullen 'yon."

ChachaTin: Ate do you have a feelings po ba kay Josh?

"Yes, I'm Josh biased simula nung inistan ko sila 3 years ago."

MakaJosh: Ate may chance bang maging kayo ni Josh?

"'di mo sure."

Natigil ako sa pag rereply ng comment nang tumawag sa'kin si Josh. Naisave ko na 'yung number niya nung tumawag siya sa'kin kanina.

"Good evening." Bungad niya

"Good evening, kumain ka na?" Tanong ko sa kaniya.

"Bago pa lang, ikaw?"

"Tapos na, nag cocoffee ako now."

"Hmm nasa hotel ka na? Gusto kitang makita."

"Video call tayo." Aya ko sa kaniya.

Pinatay ko ang call namin at nag video call.

"Bakit parang wala ka sa hotel?" Tanong niya nang mapansin ang background ko.

"Nasa veranda ako, look." Ipinakita ko sa kaniya ang view.

"Ang ganda naman d'yan pero mas maganda kung nand'yan din ako." Biglang banat n'ya.

"Mas maganda ako." Biro ko sa kaniya, ang lakas ng confidence ko.

"Ang sexy mo don sa pinost mo sa Instagram, sinong nag picture?"

"Yung Captain namin."

Natahimik siya bigla kaya kinabahan ako, anong nangyare don?

"Hey nand'yan ka pa?" Nag usap ulit ako.

Namatay 'yung video call namin. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi na sumasagot.

Alseah Unice Robles: Hey bakit mo pinatay?

Josh Cullen Santos: Kakain muna ako, I'll call you later pagkatapos.

Hindi na ako nag reply sa kaniya, nag sound trip nalang ako don habang umiinom ng kape. Pagkatapos, bumalik na ako sa loob ng room at hinintay ang tawag niya. Nakatulugan ko na ang pag hihintay. 7 am nang magising ako, chineck ko agad ang cellphone ko. Wala siyang tawag o chat man lang.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now