48

133 5 2
                                    

"Love, pakuha nga nung isang box na maliit." Itinuro ko kay Josh ang box na walang laman.

Nag hahakot na kasi ako dito sa kwarto ko sa bahay nila Mama, kinuha kuha ko iyong ibang painting and gifts sa akin. Kahapon ay mga damit, bags, at sapatos nag hinakot namin.

Inabot sa akin ni Josh ang box at inilagay doon ang lalagyan ng mga jewelries ko. Inilagay ko rin iyong mga photo album ko. Nang maayos na ang lahat ay tinulungan kami ni Papa na mag baba ng mga box.

"Josh, si Seah ha." Bilin ni Mama kay Josh.

Napag pasyahan kasi namin na doon na tumira si Josh sa bahay para makapag simula na rin kami at may kasama ako, payag naman parents namin.

"Ako na pong bahala, Tito, Tita." Nakangiting yumakap si Josh kila Mama at Papa.

"Ma, bukas ha, dinner tayo roon kasama sila Tita Aldrene." Paalala ko ulit kay Mama.

"Sige, anak."

Umalis na kami ng bahay. Nag drive si Josh papunta sa bahay namin, dumaan muna kami sa milkteahan para umorder ng milktea at corndog. Nang makuha namin ay tumuloy na ulit kami sa bahay.

"Love, kain muna tayo, mamaya na natin iakyat 'yan." Sabi ko kay Josh at inilapag ang pag kain namin sa table na nasa sala.

Lumapit sa akin si Josh at niyakap ang likod ko. "I love you,"

"I love you too, my love." Humarap ako sa kaniya at niyakap din siya.

We stay like time for a minute bago siya naupo sa tabi ko at kumain. While eating ay sinabi ko sa kaniya na gawin niyang gaming room iyong isang kwarto sa second floor para doon siya mag live stream.

"Let's buy some stuff para sa gaming room mo." Ngiting sabi ko sa kaniya.

"Ako na bahala roon love."

Tinapos na namin ang pagkain namin tsaka inayos na ulit ang mga gamit ko sa kwarto namin. Ang theme ng kwarto ay white, beige and gold. Mabuti na lang at malaki ang pinagawa kong built-in cabinet and inihiwalay ko rin ang lalagyan ng bags and sapatos namin.

"We're done!" Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod, tinawanan lang ako ni Josh.

"Love nag text si Justin, pupunta daw sila dito, dito raw matutulog." Humiga si Josh sa kalapit ko at niyakap ako, inihilig niya ang ulo sa dibdib ko.

"Sige basta ba may dala silang pag kain." Sabi ko habang nilalaro nag buhok niya.

"Inaantok ako." Humikab siya.

Pinag patuloy ko lang ang ginagawa ko sa buhok niya hanggang sa makatulog siya, hindi ko rin naman namalayan na nakatulog din ako. Nagising na lang ako sa tunog ng cellphone ni Josh, kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Justin.

"Hello, Jah." Sagot ko sa tawag.

"Dito kami sa labas ng bahay n'yo, kanina pa kami nag dodoor bell." Boses ni Erika ang bumungad sa akin.

"Sandali, pababa na ako."

Pinatay ko na ang tawag at ibinalik ang cellphone ni Josh. Marahan ko ring inalis ang ulo ni Josh ss dibdib ko tsaka tumayo. Lumabas na ako ng kwarto ay bumaba. Naroon nga sila Lujill sa labas, kaniya kaniyang dalang nag at may mga pagkain pang hawak. Napansin ko ring wala si Ken.

"Pasok kayo." Nauna na ako sa kanilang pumasok at hinayaan silang mag lock ng gate.

Nag kaniya kaniyang upo sila sa sofa matapos ilapag ang pagkaing dala.

"Asaan si Josh?" Tanong agad ni Pablo.

"Nasa kwarto, tulog kami nung tumawag kayo e." Sagot ko naman sa kaniya. "Gigisingin ko na."

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now