39

98 5 0
                                    

Zia is hereee! She's back, Joseah's baby!!!

I miss you Zialennn!

The daddy's girl is back guyss

Bumalik na si Ziaaaa!! Nakakamiss kayo ni ate Seah:((

Nakay Josh si Zia so it means nag uusap na ulit si Josh at Seah??? Omg? I'm gonna cryyyyy

We miss you Zia and of course your mommy and daddy, welcome back:)

"Oh 'wag kang umiyak, hiniram lang e." Narinig ko nanaman ang boses ni Jake sa likuran ko.

Nag babasa kasi ako ng mga tweet about sa pinost ni Josh na picture na kasama si Zia. Kanina pa ako inaasar ni Jake dahil umiiyak daw ako. It's been a week since Josh's borrowed Zia from me, hindi ko alam kung kailan niya ibabalik or ibabalik niya pa ba. I let them enjoy together.

Tinarayan ko si Jake at tinignan siyang mabuti. "Milktea tayo, libre mo!" Biglang aya ko sa kaniya, kanina ko pa gustong uminom ng milktea kaso ay nag hahanap ako ng mang lilibre sa akin.

"Ayos ka ah, ikaw nag aya tapos ako mang lilibre." Sumama agad ang muka niya, natawa naman ako.

"Nang asar ka eh, tsaka bagong sahod ka naman kaya tara na, d'yan lang sa kanto."

"Para namang nakakahindi ako sa'yo, tara na." Tinaikuran niya ako at lumabas.

Ngiting aso naman akong sumunod sa kaniya. Naabutan ko siya sa harap ng gate namin, hinigintay ako. Walang siyang pasok kaya nasa amin, katatapos niya lang daw aralin ang case kanina at wala siyang magawa kaya pumunta siya sa'min, sakto naman na nandoon ako at walang flight.

Nag lakad na lang kami papunta roon sa bilihan ng milktea. Habang nag lalakad ay panay ang bati kay Jake ng mga nakakasalubong namin, mga tropa niya na tiga dito sa amin.

"Nasaan si Erika? Hindi ko na ata nakikita 'yon." Tanong sa akin ni Jake.

"Ewan, walang flight 'yon ngayon, puntahan natin para dalawa kaming ililibre mo."

Umiling na lang si Jake at ako ay natawa. Dinaanan namin si Erika bago bumili ng milktea. Nandito kami ngayon naka upo sa loob habang hinihintay ang binili namin.

"Buti na lang pinuntahan ninyo ako, pupunta na dapat ako sa inyo kasi wala akong magawa sa bahay." Daldal ni Erika.

"Hindi ka nga dapat namin isasama kaso naawa kami sa'yo." Pang aasar ni Jake kay Erika, agad naman itong nakatangap ng hampas.

"Kaya kong bumili ng akin noh, kapal ng apog mo, attorney!"

"Ate Seah?" Sabay sabay kaming lumingon nang may tumawag sa pangalan ko. Dalawa sila at hindi ko kilala.

"Hi," Kumaway ako sa kanila at ngumiti.

"Pwede pong pa picture?"

"Yes, sure," Tumayo kaagad ako para maayos ang maging picture namin, matangkad lang ako sa kaniya ng kaunti.

Binigay niya ang cellphone niya sa isa niyang kasama para mapicturan kami. Tatlong picture lang 'yon at okay na raw.

"Naks, artista na Seah natin ah, pa autograph ako!" Umalingawngaw nanaman ang boses ni Jake kaya napatingin sa amin ang mga taong nakarinig noon. May balak pa siyang tumayo, pinigilan lang ni Erika.

"Hoy, gago ka, 'yang bunganga mo nakakahiya!" Suway sa kaniya ni Erika.

Natawa naman 'yung dalawang babae na nag papicture, nag papicture rin sila kay Erika. Nag paalam na sila sa amin at sakto namang dumating na ang order namin kaya umalis na agad kami roon. Kila Erika na kami mag tatambay.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now