36

86 5 0
                                    

"Ate!" Napaidtad ako nang marinig ko ang kalabog ng pintuan ng kwarto ko. Bumangon agad ako sa pag kakahiga at tinignan iyon.

Nakabukas na ang pinto at naroon si Sean, nakatayo. Natakot agad ako, galit ang muka niya. Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito.

Lumapit agad siya sa akin at yumakap. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Ang sabi sa akin ni Mama ay hindi ka raw okay kaya umuwi agad ako. Bakita ka umiiyak, ate?"

"Sean," Mas lalo akong naiyak, yumakap din ako sa kaniya. Hinaplos naman niya ang buhok ko.  "W-Wala na kami."

Natigilan siya at tumigil din ang pag haplos niya sa buhok ko. Unti unti akong nag angat ng tingin sa kaniya, gulat ang reaksyon niya.

"A-Anong sabi mo ate?" Nakita kong nag tubig ang gilid ng mata niya. Nag dalawang isip tuloy akong sabihin sa kaniya, alam kong masasaktan siya para sa'kin, alam ko ring susugudin niya si Josh doon sa condo niya. "Ate, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyare."

Hindi ko siya sinagot, hindi ako nag salita. Maya maya ay may narinig akong yabag papunta sa kwarto ko kaya lumingon agad ako sa pinto.

"E-Erika," Naroon si Erika, kadarating lang. Lumapit agad siya sa akin at niyakap ako mula sa tagiliran.

"Tumawag sa akin si Justin, sinabi niya ang nangyari. W-Wala na talaga kayo ni Josh?" Sa tono ng pananalitan niya, para bang umaasa siya na kami pa ni Josh.

Umiling lang ako sa kaniya senyales na wala na talaga.

"Anong nanyare? Bakit nag kagano'n? B-Bakit kayo nag hiwalay?" Feeling ko ay hindi ko kayang mag salita nang makita kong papaiyak na rin si Erika.

"Bakit natagalan kay—Seah? Jusko, bakit ka umiiyak?" Nagulat kaming tatlo nang marinig ang boses ni Mama sa pintuan. Lumapit siya sa akin para masiguro kung umiiyak talaga ako. " Anong nangyare, anak?"

"Tita," Agaw pansin ni Erika kay Mama, siguro naramdaman niya na hindi ko kayang sabihin kay Mama. "W-Wala na po sila ni Josh."

Hindi na ako nag taka nang makitang gulat si Mama sa sinabi ni Erika. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Sino ba naman kasi ang maniniwala diba? Ang alam nila ay masaya kami ni Josh, ang alam nila ay okay kami. Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Noong oras na 'yon ay niyakap ako ni Mama. Hindi nila ako pinilit na sabihin ko ang talagang nangyare, inaya nila akong kumain kahit wala akong gana ay sinabayan ko silang kumain. Nag aalala ang tingin ni Papa sa akin, malamang nag tataka kung bakit ako mukang kagagaling lang sa iyak. Hindi niya alam, walang nag open ng topic ma iyon habang kumakain. Wala naman akong balak itago 'yon kay Papa, baka bukas ay sabihin ko na.

Dito matutulog si Erika. Ngayon ay parehas kaming nasa kwarto ko, nasa cr nga lang ako.  Gustong matulog ni Sean sa kwarto ko pero narito si Erika, hindi kami kasya.

"Hey bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko kay Erika pag labas ko ng cr, umiiyak siya habang naka upo sa kama.Nilapitan ko kaagad siya. "Erika bakit?"

Nag angat siya ng tingin sa'kin tsaka ngumiti. "Ayaw lang kita nakikitang nasasaktan, kapag nakikita kitang umiiyak ay naiiyak din ako."

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. She's really my bestfriend, I feel safe with her. Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon hanggang sa mapag desisyunan naming humiga.

Tumitig ako sa ceiling ng kwarto ko bago tumingin sa kaniya, nakatingin din siya sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa ceiling tsaka nag pakawala ng malalim na bugtong hininga.

"Kanina, dumeretso ako sa condo ni Josh." Nag simula akong mag kwento sa kaniya. Mabilis siyang dumapa at hunarap sa akin, handang makinig. "Nung pag pasok ko ng condo niya, nakita ko siya with S-Shanine, nag h-hahalikan sila.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now