"Hey, okay ka lang ba talaga?" Tanong sa akin ni Erika. Nag lalakad kami ngayon papasok ng airport dahil may flight kami, mag kaiba lang ng bansa.
"Okay nga lang ako, promise!" Kanina pa kasi ako namumutla at masama ang pakiramdam.
Tumango lang siya at nag patuloy na kami sa pag lalakad. Kinakabahan talaga ako dahil baka makita ko si Captain Ramos. Hindi ko alam kung anong muka ang ipapakita ko sa kaniya after nung nangyari nung isang araw.
"Ms. Robles," Lumingon ako sa purser namin nang tawagin niya ako.
"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko.
"Mukang hindi masama ang pakiramdam mo, huwag ka munang lumipad ngayon. Hindi ka rin makakalagpas sa imigration." Sinipat pa ng chief ang namumutlang muka ko. "O kaya ay dumeretso ka muna sa clinic, kapag okay ka na mamaya ay mag pa assign ka na lang sa ibang air craft."
"Hindi na po, uuwi na lang po muna ako. Salamat po."
"Okay, I will notify the captain. Stand by ka lang muna."
Tumango na lang ako. Nag hintay pa ako ng 30 minutes bago bumalik ang purser at sabihing may papalit na sa aking flight attendant kaya pwede na akong umuwi.
Sa tingin ko ay hindi ko na kayang mag drive kaya tinex ko na lang si Sean na sunduin ako.
From: Sean
Hindi kita masusundo ate nasa cavite ako
Tinawagan ko si kuya Jake, sabi ko sunduin ka. Dadaan daw siya d'yan kaya susunduin ka na.
Nag reply na kaagad ako sa kaniya.
To: Sean
Sige, hihintayin ko na lang.
From: Sean
Ingat ka ate
Hindi ko na siya nireplyan at hinintay na lang si Jake. Maya maya lang ay may humintong kotse sa harapan ko, sigurado akong kay Jake iyon. Nag taka ako nang makitang bumaba si Ricky sa passenger seat ng kotse ni Jake.
"Hey, nasa loob si Jake. Akin na ang susi ng kotse mo. Ako na ang mag dridrive pauwi sa inyo." Nakangiting sabi niya sa akin.
Kinuha ko nag body bag ko at binuksan iyon para kuhain ang susi ko. "Here, thank you." Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng kotse ko.
Sumakay na ako sa passenger seat ni Jake. Nagulat ako nang salubungin niya ang noo ko nang kamay niya, tinitignan kung mainit ako.
"May sinat ka, wala ka nanamang tulog siguro. Sabi sa'yo ay huwag mo nang pansinin ang issue na 'yon, kaya namang ayusin ni Ken 'yon." Sermon niya sa akin habang nag dridrive.
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa tweet na 'yon. Alam kong magiging issue 'yon dahil isang buwan pa lang simula nung nag hiwalay kami ni Josh.
"Hindi ko naman maiiwasang isipin 'yon e, damay ako roon."
"Whatever. Hindi ka muna lilipad hanggang sa isang araw ha. Nag papagaling ka Seah, sasabihin ko kay Tita 'to."
Hindi na ako sumagot sa kaniya, hindi naman siya mag papatalo. Nang makarating kami sa bahay ay si Jake na ang nag buhat ng maleta ko, mabigat daw kasi.
"Thank you." Kumaway muna ako sa kanilang dalawa bago pumasok sa loob.
Inaasahan kong magugulat si Mama dahil bumalik ako pero hindi, tumawag daw kasi si Sean kanina at sinabi. May brownies na binake si Mama para sa meryenda namin, nag timpla naman ako nang gatas namin.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...