"Love ready ka na?" Tanong sa'kin ni Josh habang inaayos ang buhok niya.
"Yes!" Lumapit ako sa kaniya para tulungan siyang ayusin ang buhok niya.
Ngayon kasi ang mall show nila, kauuwi ko lang din galing flight. Nag bihis agad ako at pumunta dito sa studio nila.
"Yun oh, kelan n'yo aaminin sa public 'yan?" Napalingon kami parehas nang mangibabaw ang tinig ni ate Rose.
"Masyado kang excited ate Rose, tsaka na," Si Josh na ang sumagot.
Nang makuntento ako sa buhok niya ay pinicturan ko siya, mamaya ko na iistory 'yon. Ayokong ispoil ang a'tin about sa magiging looks nila mamaya. Nag picture pa muna silang lima bago umalis. Sa kotse ni Josh kami naka sakay kasama sila Tita at ate Yuna, 'yung ibang member ay doon sa van. Si Erika ay susunod na lang daw dahil may gagawin pa siya.
"Nandito na tayo," Anunsyo ni Josh nang maka park kami.
Bumaba na kami nang sasakyan at pinuntahan 'yung ibang mga kasama namin.
"Eto na pala sila e." Sabi ni Pablo sa mga staff.
Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Nasa hulihan ako kasama sila Tita tsaka si Tita Gemma. Madami nang fans sa loob, buti na lang at may security na nag aantay para harangan 'yung mga fans.
"Justin kalmahan mo naman!!"
"Ken ang pogi mo."
"Joseah relationship status reveal!!"
"Stell tanungin mo naman ako kung kumain na ba ako!"
Napatigil si Stell sa pag lalakad nang marinig ang sigaw na 'yon, napatigil din tuloy kami.
"Kumain ka na ba?!" Tanong ni Stell don sa isang fan.
"Hindi paaaa!!" Kinikilig na sabi nung fan.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ulit ni Stell.
"Makita lang kita busog na ako!" Biglang banat nung isang fan kaya nag tawanan kami.
"Hindi naman ako pagkain, dapat kumain muna kayo bago kayo pumunta rito." Paalala ni Stell sa kanila.
"Boys tara na!" Sigaw ni ate Rose.
Nag simula na ulit kaming mag lakad at nag punta sa backstage. Nag stan by muna sila ro'n habang hindi pa nag sisimula ang event.
"Love bili muna ako sa starbucks." Paalam ko kay Josh.
"Ha? Nagugutom ka nanaman?" Tanong sa'kin ni Josh.
"Gusto ko nun e, may ipapabili ka?" Tanong ko.
"Wala, baka dumugin ka d'yan." Sabi naman ni Josh.
"Hindi 'yan," Sabi ko.
"Ate Seah san ka pupunta?" Napalingon ako kay Alex nang mag tanong ito, kapatid siya ni Pablo.
"Starbuck, may ipapabili ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Sama 'ko," Sabi niya.
Nag paalam siya kay Tita bago kami mag punta ng starbucks, may nakakakilala sa'min habang nasa daan, kumakaway nalang sila. Nang makapasok kami ng starbucks ay wala masyadong tao pero nakita namin si Erika na na nag hihintay ata ng orders.
"Erika!" Tawag ko dito tsaka inaya si Alex na sumunod sa'kin.
"Oh Seah anong ginagawa n'yo dito?" Tanong niya.
"Oorder, ikaw bakit ka nandito?" Ako naman ang nag tanong.
"Umorder na ako para sa'tin, hinihintay ko na nga lang. Buti na lang dumating kayo, may katulong ako sa pag dadala. Hi Alex, I'm Erika." Pag papakilala ni Erika.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...