50

136 4 0
                                    

"Love, tara na!" Aya ko kay Josh, pupunta kasi kami doon sa kaibigan niyang pinag pagawaan namin ng case dati.

"Saglit lang po, may hinihintay lang akong text." Nilagay niya ang kamay niya sa buhok ko at hinagod iyon.

Nakahiga kasi ako sa dibdib niya habang naka upo siya at nakasandal sa unan. Ang mga kasama namin ay naliligo na pero kami ay narito pa rin sa kwarto.

"Anong kulay ng case gusto mong ipagawa?" Tanong ko habang nag hihintay.

"I want to try the red one, natry na natin iyong black e."

"Ayaw mo ng clear?" Nang aasar na sabi ko.

"Love, last time black ang gusto mo kaya ayon ang pinili natin, red naman."

"Sabi ko nga, red na lang."

Maya maya ay nag aya na siya na pumunta sa store ng kaibigan niya kaya lumabas na kami at nag lakad papunta roon. Mas lumaki na ang shop niya, matagal na nung huli kaming nag punta dito.

Nang pumasok kami ay dumeretso kami roon sa office ni Leo, naroon daw sabi ng staff at kadarating lang.

"Uy dre! Long time no see ah." Gulat na sabi no Leo nang makita kami.

"Oo nga eh, halos hindi ka na umalis dito sa Boracay." Lumapit si Josh sa kaniya at yumakap sa kaibigan.

"Kaya nga e, wala na rin ako masyadong balita sa inyo." Nang tumingin sa akin si Leo ay nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik. "Huling balita ko nag hiwalay kayo, anong gayuma ba ginamit mo kay Seah?"

"Shh, hindi niya alam 'yon, dre." Pabirong nilagay ni Josh ang daliri niya sa bibig para patahimikin si Leo.

Natawa naman ako sa biruan niya. Umupo ako sa visitor chair na nasa katapat ng office ni Leo at ganoon din ang ginawa ni Josh.

"Bakit pala kayo naparito? Hindi n'yo naman sinabi na pupunta kayo." Tanong ni Leo sa'min.

"Biglaan lang din, dre, si Ken ikakasal na."

Akala ko ay narito kami para sa phone case, para sa chismis pala.

"Aguy, naunahan ka pa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Leo.

"Sino may sabing mauunahan ako no'n? Relax ka lang. Dre papagawa ulit kami ng case."

"Paano ako makakapag relax eh mag papagawa ka ng case, dagdag trabaho 'yon!" Timingin si Leo sa mga binder na nasa gilid ng lamesa niya at kinuha ang isa doon. "Pero dagdag kita rin naman kaya heto, pumili na kayo."

Natatawang kinuha ni Josh ang binder at ipinakita sa akin. Namili kami ng pwedeng layout na picture.

"Iyong nasa The Farm na picture na lang ang ilagay natin, 'yung nasa falls tayo." Suggestions ni Josh, tumango naman ako.

"Sige, iyon na lang." Pag payag ko.

Nang makapamili kami ay ipinakita niya iyon kay Leo at ako naman ay nag paalam muna dahil tumatawag ang airlines sa akin. Lumayo ako sa kanila ng kaunti para sagutin iyon. Tinanong lang nila ako if available ako sabi ko ay hindi dahil naka 1 week leave ako and may sinabi pa sa akin na ibang information bago patayin ang tawag.

Nang makabalik ako ay tapos na silang mag usap at hinihintay na lang ako ni Josh. Nag paalam na kami kay Leo at sinabi niyang balikan na lang daw namin bukas, nag bibigay na ako ng bayad pero tinanggihan niya at sinabing bukas na lang.

Nang makabalik kami ay dumeretso kami kila Erika na nasa buhanginan, nag hihintay ng sunset. Naupo ako sa tabi ni Xia.

"Here. Tinira ko 'yan para sa'yo, inubos na ni Lujill e." Inabot sa akin ni Xia ang tatlong pirasong chocolate.

You Are My Safe Place in Sky | SB19 JoshWhere stories live. Discover now