"Ang gwapo ni Ken, jusko, sana hindi ako itakwil ng mga taga farm. Ikaw nag palit ka ng bias?" Tanong sa akin ni Erika, hinahayaan ko lang siyang dumaldal.
"Si Josh pa rin." Sagot ko sa kaniya habang kumakain.
"Ano ba, masyado kang loyal." Inikutan niya ako nang mata, natawa naman ako.
"Worth it naman pagiging loyal ko kay Josh, busog kami sa live stream."
Nag usap pa kami about don bago lumapit sa'min yung waiter at binigay 'yung bill, ako na ang nag bayad non dahil si Erika naman ang nag bayad sa sasakyan namin kanina.
Nang makarating kami sa hotel ay pinauna ko na siyang makapasok dahil may bibilin pa ako sa store malapit sa hotel namin.
Kumuha lang ako ng chips, chocolate, ice cream at drink namin para may kakainin pa kami mamaya. Kumuha na din ako ng pang almusal namin bukas. Nang mabayaran ko 'yon ay lumabas na ako at bumalik sa hotel. Pagkapasok ko sa lobby ay dumeretso agad ako don sa tapat ng elevator.
"Hey pamiliar ka, ikaw 'yung flight attendant am I right?" Napalingon ako sa kanan ko nang may nag salita.
Napatulala ako sa kaniya nang makita kung sino 'yon. It was him, si Josh. Oo si Josh! Omg!
"Hey I'm talking to you." Nag salita ulit siya kaya napaalis ang tingin ko sa kaniya.
"Yes, what are you doing here?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
"Dito kami naka check in, you?" Balik na tanong niya.
Shet hindi talaga ako makapaniwalang nakakausap ko siya ngayon at same hotel din kami naka check in.
"Dito rin kami naka check in." Sagot ko sa kaniya.
Buti nalang talaga hindi ako nauutal sa kaniya kung hindi nakakahiya iyon. Bumukas ang elevator kaya pumasok na kami.
So kung dito sila naka check in, si Ken 'yung nakita ko kahapon? Omg hindi nga ako nag kakamali.
"I'm Josh Cullen, what's your name?" Tanong ni Josh nang makapasok kami.
"Kilala kita, actually fan n'yo ako. I'm Alseah, Seah nalang." Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Omg totoo ba 'to? Kung panaginip lang 'to huwag n'yo na akong gisingin please lang.
"Ikaw din 'yung nasa concert kanina diba?" Nag tataka pang tanong niya sa'kin.
"Yeah, yung kalapit ko kaibigan ko."
Natahimik kami saglit bago namin maramdaman na huminto 'yung elevator na sinasakyan namin pero hindi pa bumubukas ang pinto. Nagkatinginan kami ni Josh at hindi alam kung anong gagawin, parehas kami nang iniisip.
"Wait, try kong tawagan 'yung staff namin baka matulungan tayo." Sabi niya nang makita akong kinabahan.
Kinuha niya agad ang cellphone niya at may dinial doon. Nakakadalawang ring palang ang ay namatay na agad ang cellphone, na deadbatt.
"May cellphone ka bang dala? Na lowbatt ako." Tanong niya sa'kin.
Inilapag ko muna ang dala ko at kinuha nag cellphone ko sa bag ko. Dinial ko agad ang number ni Erika.
"Hello Seah, where na you?" Bungad niya, napatingin naman sa'kin si Josh.
"Ah Erika, nasa elevator ako ngayon nasira ata 'yung elevator hindi tumataas." Paliwanag ko kay Erika.
"Ha! Okay, wait for me okay. Don't panic okay? Wait for me." Rinig kong nag mamadali siyang lumabas, maya maya lamang ay namatay ang call.
Mas lalo akong kinabahan kaya tinawagan ko siya uli pero nakapatay ang cellphone niya.
YOU ARE READING
You Are My Safe Place in Sky | SB19 Josh
FanfictionGood Day, everyone, this is Alseah Unice Robles, your flight attendant from Philippine Airlines. I'm also A'tin, Josh-biased. I believe in saying "We always fall in love with the people we can't have", but you change it. You are my orange and I'm yo...